Move On
Categories Bdub

Move On

All things work together for good.

This was my story nung ma-brokenhearted ako sa EX kong si BJ. It was suppose to be a 21-day blog kung paano kong ini-handle yung pain ng breakup namin at kung paano ako nag-moveo on, pero umabot ng 6months. Ang tagal bago ako naka-move on sa kanya ng tuluyan. My relationship with him was brief, pero intense, yung tipong pang habang buhay kasi ang feels. So this is a long read, an hour or two, I do not know kung kakasya ba dito lahat yun, kung hindi ay part by part ko nalang ipopost. Marami akong natutunan sa point ng buhay ko na ‘to. Life changing indeed. So here it goes…

We simply can’t abandon ship every time we encounter a storm. Real love is about weathering the terms of life together. – Seth Adam Smith
I. THE ANNIVERSARY

Happy 1st Anniversary Beb! ❤

Wow. 1 year. 365 days. 12 months.
Sa panahon ngayon, bihira na ang nakakarating sa ganito. 1 TAON.

Binigyan kita ng cake ilang araw matapos ang Anniversary natin. Wala pa kasi akong budget nung mismong Anniversary natin. Kalakip non yung sulat na may nakalagay na “walang bibitiw”.

Ngayon, March 12, 2018, hindi na tayo.
Wala nang tayo. Tapos na tayo.
Basta wala na.

February 18, 2018 nung bitawan mo ko.
Hanggang ngayon, masakit pa rin.
Sobrang masakit pa rin na binitawan mo ko.

Sinuyo kita ng paulit ulit, kasi ayaw talaga kitang bitawan. Nagmakaawa ka sakin na bigyan kita ng oras. Pero hindi talaga ako nakatiis dahil sa bawat paglipas ng oras at panahon, nararadaman kong parang nauupos na kandila yung pagmamahal mo sakin.

March 8 11pm. Pinuntahan kita. Ngunit ayaw mong magpakita. Pati kaibigan mo pinapauwi na ko. Sabi niya walang magandang maidudulot yung ginawa ko. Nagpumilit akong magpakita ka sakin. Ang sabi mo “Hindi ako magpapakita sayo kasi ayoko na”. Matigas kong sinabi sayo “Magpakita ka sakin at sabihin mo yan sa mukha ko”.

March 9 1:30am. Nagtext ka. Tinanong mo kung nasaan ako. Sinabi mo kung nasaan ka. Pinuntahan kita. Nakita ko yung galit at inis sa mga mata mo. Tinanong kita, “Ayaw mo na ba?” ang sagot mo sakin, “sakay. ihahatid na kita.”
Matigas ako, hindi ako sumakay “bakit mo pa ko ihahatid kung ayaw mo na?”
Nakita ko kung paanong mas nagalit ang mga mata mo. Natakot ako at nanlambot.
Tinanong kita, “Ayaw mo na ba?” nakatingin ako sa mga mata mo. At tumango ka. Ang sakit! SOBRA.
Umalis ako. Tumakbo ako palayo. Umiyak ako. Hindi ko pa naririnig ang pag andar ng motor na dala mo. Bumalik ako. Nandon ka pa rin. Bumalik ako at sinabi ko sayo, “Isa pa. Sabihin mo pa ulit na ayaw mo na.”

Sumagot ka lang, “Ihahatid na kita.”

Pero ayoko. Ayokong magpahatid kasi alam kong delikado. Nakainom ka at galit ka. Ayokong mapahamak ka. Kaya hindi ako nagpahatid dahil gusto ko alam kong safe kang nasa bahay nyo.

Pinatong ko ang ulo ko sa balikat mo at umiyak.

“Beb please. Balikan mo na ko.”
Sumagot ka, “Sakay. Ihahatid na kita.”
Paulit ulit na ganito. Hanggang sa napaluhod na ako. Nagmakaawa akong muli. Nagalit ka at pinapatayo mo ko.

Talagang ayaw mo na. Talagang sumuko ka na.
Hindi ko na kayang ituloy pa ang kwento. Hindi ko na maidetalye ang mga sumunod na nangyari.
Dahil, talagang ayaw mo na.

Parang ang tagal na nung araw na nangyari yun, at sobrang sakit pa rin.
Binitawan mo ko.

Hindi ko naitanong sayo…
“Hindi na ba sapat ang pagmamahal mo sakin para balikan mo ko?”

Day 1. The day you really decided to move on.

March 13, 2018

Kagabi, napag-isip isip ko na, kung kakapit ako sa kasabihang “kung kayo, kayo.”, hindi ako tuluyang makakamove on. Hindi ko masasabi sa sarili ko na naka-MOVEON na ako dahil may “konti” pa ring hope sa puso ko na pwede pa kami. Minsan, kailangan lang talaga natin tanggapin na wala na. Na tapos na ang lahat. Wala nang kasunod. Hanggang dun na lang yun.

Today, I am really deciding to move on. Malungkot pa rin ako. Nasasaktan pa rin ako. Pero alangan naman na magmukmok lang ako ng magmukmok sa sulok hoping na babalik pa siya, kahit alam ko naman na hindi na.

Yung love, hindi yun agad agad mawawala.

Yung memories, mahirap kalimutan.

Pero once na matanggap mo sa sarili mo na wala na. Mas mabilis ang pag-move on. (I guess. haha)

Yung memories lang naman yung mahirap bitawan eh, yung love, pwede mo pa rin siya mahalin kahit wala nang kayo. Kasi you once shared something na kayong dalawa lang ang nakakaintindi. You once shared a bubble. Yung comfort zone nyong dalawa.

Kapag nakapag MOVE ON na ko sa kanya, magagawa ko nang magpasalamat nang bukal sa loob ko. Usually kasi, after break up, nagpapasalamat tayo with the hope na baka may magbago, baka sakali marealize niya na hindi tama yung paghihiwalay nyo. Mga ganun ba. Pero once na matanggap mo sa sarili mo na wala na, yung happy memories na iniiyakan, bigla mo nalang ngingitian kasi, WOW. Happy memories talaga. Special memories. Na sa kanya mo lang naranasan. You might experience it sa ibang tao, pero iba pa rin kasi pag sa kanya db?

First day of break up, kala mo nawasak yung mundo. Natakot ka mag-isa. Natakot tumandang mag-isa. Natatakot na baka wala nang magkagusto sayo.

But no, hindi ka mag-isa. Kasama natin si LORD, ALWAYS.

Isipin mo, kaya Niya pinutol yung relationship mo with someone is because may mas maganda siyang plan for you. Or baka, may gusto siyang ituro sayo.

Yung sakin, siguro gusto ituro ni Lord sakin na matuto muna akong mag-isa. Wag mag jump into another relationship pagkatapos ng isa. Ganun kasi ako. Sa totoo lang, dun kami nag-simula ni BF. We just got out of a relationship. Tapos, dahil akala namin perfect moment, yung umayon nalang lahat pati universe sa pagkikita namin, akala namin yun na. Sobrang perfect sa umpisa. Napag-uusapan pa namin na parang wala kaming pag-aawayan. Akala lang pala namin yun. After ng hike namin sa Mt. Romelo, napadalas na yung away. Nasira yung trust. Basta nagbago lahat, siguro dahil gusto namin talaga yung isa’t isa, sobrang inlove sa isa’t isa, kaya naipaglaban pa namin ng 1year.

But LOVE IS A CHOICE. Choice mo kung sinong mamahalin. Choice mo kung sinong gusto mong makasama. Lahat yun, choice mo. Kaya tayo binigyan ni Lord ng free will. Binigyan Niya tayo ng power to decide on our own.

Everyday, we make choices.

Choice to be happy, choice to be sad.

So today, I choose to MOVE ON. 🙂

Day 2. Face your fears.

March 14, 2018

Usually, after ng breakup may pag-deactivate ng mga social media accounts. Feeling isolated ang peg. Emo emohan. Gustong lumayo sa magulong mundo pansamantala. Gustong iwasan si EX. Gustong iwasan lahat ng tao na related kay ex.

Ginawa ko to days after the breakup. Gusto daw niya kasi ng katahimikan. So, deactivate ako ng original account ko. Nag-stay ako sa dummy account ko for almost a month. Pero may times na inoopen ko din yun original account ko. May time pa na pinapalitan ko sa mga close friends ko yung password ko para lang hindi ko ma-open talaga. (Wag tanga, pwede ka mag forgot password anytime. hahahahaha) So ayun, kahapon. I chose to move on.

Today, I choose to face my fears.

Simulan muna natin sa tanong na “Bakit ba ako nagdeactivate?”.

  1. Para iwasan siya. Para hindi ko siya makitang online at para hindi  ko masilayan kung paano niya ako i-ignore araw araw. Para maiwasan yung sakit. Para maiwasan ko yung pag-iisip ko na, “Siguro may ka-chat na siyang iba”.
  2. Toxic. Sobrang toxic sa social media. Yung mga posts/threads about successful relationships, failed relationships, how should a man treat his girl, how to move on, how to be bitter, how to know your worth, etc. May dummy account ako na may 10 friends. Close friends ko lang . Sa account ko na yun, naka LIKE lang ako sa mga importanteng bagay, most likely Government pages. Walang toxic.
  3. Para hindi niya ako ma-unfriend. HAHAHA ito yung nakakatawang dahilan. Ngayon nga tinatawanan ko nalang. HAHAHAHA

Kahapon, when I decided to move on, may biglang pumasok sa isip ko.

Dito pumasok yung tanong na, “Bakit ba ako umiiwas/nagtatago?”.

  1. Natatakot akong makita na may ipapalit na siya agad sa akin.
  2. Nasasaktan ako sa katotohanang hindi na ako ang nagpapangiti sa kanya.
  3. Natatakot akong mas magalit siya sa akin kapag nakita niya akong online.

Ngayon, isa-isahin natin.

  • Natatakot akong makita na may ipapalit na siya agad sa akin.
    • Bakit ka matatakot na makita mong may ipapalit na siya agad sayo? Wake up. Una, kapag ginawa niya yun, mas pinatunayan niya lang na hindi ganun kalalim yung pagmamahal niya sayo. Kasi humanap siya agad ng ipapalit sayo.  Pangalawa, mas matapang ka sa kanya dahil kinakaya mong harapin ang buhay ng mag-isa after the breakup, walang pamalit, walang panlibang. Not jumping into a relationship again. Oo, okay na may nakakausap kang iba, may nakikilalang iba. Pero sa sitwasyon ko, kailangan ko muna mag focus sa sarili ko. Hindi ko kailangan ng affirmation mula sa ibang tao. Kailangan ko muna makuntento sa nasa paligid ko, bago ako magpapasok ng bago. Why? Kasi this is the same mistake I have been doing for that past years. After rejection, hanap ng iba. For what? To gain confidence. Babae ako eh. I need compliments to affirm my beauty. Pero mali kasi ako dun. I have to see myself as someone worthy. Hindi ko kailangan ng maraming manliligaw/ka-fling para masabi na maganda ako. Dito papasok yung INSECURITY ISSUES. Yes, I have insecurities. Sobrang dami. Kung may ipalit siya agad sakin, so what db? Mas maganda, eh ano? Mas sexy, pake ko? (Bitter pakinggan db? HAHAHA kailangan daw yun) Hindi ko kailangan matakot na may ipalit siya sakin agad. Hindi ko ikinapanget yun. I have to instill in my mind na I AM WORTH IT. He’s just not man enough to face how worthy I am. OMG!!! Did I just say that??? HAHAHA funny enough… look at this…
image

I wrote something for him last year entitled “Google ♥” (sa Memo app ng phone ko. HAHA)  I never posted it. I never make him read it. Natawa ako upon stumbling with this idea. Exactly a year ago, I decided that he is enough for me. That he, completes me. Naalala ko tuloy yung quote from The Perks of being a Wallflower, “We accept the love we think we deserve”. A person should never be the source of your happiness. Dito ako nagkamali, Just the thought that he completes me, very wrong na ko dun. I should make myself happy. My happiness should come from myself. CONTENTMENT ika nga. Hindi ko na pahahabain pa to. AKO MUNA. ♥


Teka, hindi pa tapos. HAHAHAHAHA may dalawa pa.

  • Nasasaktan ako sa katotohanang hindi na ako ang nagpapangiti sa kanya.
    • Bakit ako masasaktan kung may iba nang dahilan ng pag-ngiti niya? Kailangan kong tanggapin na hindi lang ako ang tao sa mundo. Na hindi lang ako ang pwedeng makapag pasaya sa kanya. Binulag ko kasi yung sarili ko nung mahalin ko siya, inisip kong siya nalang yung source of happiness ko. Since then, gusto ko ako nalang din ang makakapag pasaya sa kanya. MALI. VERY WRONG. Ilan na nga ba ang tao sa mundo? Sabi ni Google, as of 2017,
      7,550,262,101. Sa dami niyan, ako nalang dapat ang makapag pasaya sa kanya? NO. Madami pang iba. Kaya nga may free will tayo. WE MAKE CHOICES. At choice natin kung sino o ano ba ang makakapag pasaya sa sarili natin. So, bakit ako matatakot kung may nagpapangiti na sa kanyang iba? Oo. Napakaganda ng ngiti mo. Naipagsulat pa nga kita ng “Dangerous Smile – June 10, 2017″. Pero hindi lang ikaw ang may magandang ngiti. Maganda rin yung ngiti ko pag totoo. (Resting bitch face kasi ako. HAHAHA) So asan na nga ba ako? Bakit ako matatakot? WALA AKONG DAPAT IKATAKOT. All caps para intense! hahaha Magiging masaya nalang ako sa katotohanang, minsan ako ang dahilan ng magandang ngiti niya. And I should be proud of it! I made someone smile/happy. And would be thanking him, dahil minsan sa buhay ko, siya ang naging dahilan ng pag-ngiti ko. 🙂

Eto na yung huli.

  • Natatakot akong mas magalit siya sa akin kapag nakita niya akong online.
    • Dito, natatawa na lang ako. HAHAHAHAHAHAHAHA Isa pa. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA Bakit ako matatakot na magalit siya? Wala akong dapat ikatakot. Hindi niya pag-aari ang Facebook. Nandoon ang mga friends ko, toxic man o hindi. Nandoon ang family ko. Kaya wala akong dapat ikatakot. Kung magalit siya at nakita niya kong online, edi i-block na niya ako db? Facebook ko yun. I have all the rights to use it. At hindi ako dapat matakot. Face your fears nga eh. 🙂

So, to sum this up.

Hindi ako dapat matakot sa kanya. Darating yung araw that I have to face him. Baka makasalubong ko sa mall or whatever. Kailangan kong masanay sa fact na WALA NA KAMI. Na hindi ko siya kailangan iwasan.

Wag kayo mag deactivate. May good side and bad side yun. Pero in the end kasi, kailangan mo lang talaga silang harapin. 🙂

PS. BF, thank you for making my 2017 memorable. ♥

Day 3. Forgiveness

image

Forgiveness.

Forgiveness, a song included in Paramore’s After Laughter Album.

You hurt me bad this time, no coming back

You really hurt me bad. Pero mas masakit yung alam kong tapos na tayo, wala nang balikan pa.

“And I cried till I couldn’t cry, another heart attack”

Ikaw. Ikaw lang yung iniyakan ko ng sobra. Mas madami pa ata akong nailuha para sayo kaysa sa EX ko ng 5years. Another heart attack? No, another heart shattering experience.

“If I lay on the floor, maybe I’ll wake up
And I don’t pick up when you call
‘Cause your voice is a gun”

Ilang beses akong napaupo sa sahig namin nung mag-isa na ko sa bahay. Napapaiyak nalang talaga ako bigla pag naalala kita eh. May moment pa na nasuntok ko yung pader namin. Ang sakit ha! HAHAHA Pero wala yun sa sakit na naramdaman ko nung alam kong wala na talaga tayo. Masakit din na kahit isang tawag o text mula sayo ay wala akong natanggap.

“Every word is a bullet hole
Shot a hole in the sun
If I never look up maybe I’ll never notice”

“Oo. Tama ka. Mas okay na wala ka. Walang nang-aaway, walang makulit, wala lahat!” Ito yung mga salitang binitawan mo. (Tinext mo lang pala sakin. HAHA) Pero eto yung mga salitang tuluyang nagpadurog sa puso ko. Mga salitang nagtulak sakin para puntahan ka nung araw na yun. Yung araw na lumuhod ako sa harapan mo at nagmakaawa.

“And you, you want forgiveness
But I, I just can’t do it yet”

Mali si Hayley dito. Kasi, hindi ka pa man humihingi ng kapatawaran, pinatawad na kita. Pinatawad na kita sa dinulot mong sakit sakin. Pinatawad na kita sa mga masasakit na salitang binitawan mo sakin.

“There’s still a thread that runs from your body to mine

And you can’t break what you don’t see, an invisible line
If I follow it down will we just be alright?”

The thread. “Babalik ako, pangako.” Yan yung thread na nag-uugnay pa rin satin simula nung bitawan mo ko. Isang tali na pakiramdam ko hindi ako makagalaw. Isang tali na pumipigil sakin para gumawa ng mga bagay bagay. Nakakasakal. Pero hinayaan kong nakatali ako sayo dahil mahal kita. At handa akong maghintay sayo kahit gaano katagal kung ito ang paraan para muli kang bumalik sakin.

“But it could take me all your life to learn to love
How I thought I could love someone
I haven’t even begun
If it’s all up to us we might as well give up”

Pero bakit pakiramdam ko, buong buhay ko ay maghihintay nalang ako sayo? Maghihintay sa hindi sigurado. Maghihintay sa malabo? Kaya nawalan ako ng pag-asa. Dahil sa paglipas ng oras, yung mga binitawan mong salita na “Babalik ako, pangako”, unti unting naglalaho. Yung sinabi mong “mahal na mahal kita”, dumating sa malanyang “mahal din kita”.

“And you, you want forgiveness
(I can barely hang on to myself)
But I, I can’t give you that
(I can’t give you, I can’t give you that)
And you, you want forgiveness
(I’m afraid that I’ll have nothing left)
But I, I just can’t do it yet
(I can’t do, I just can’t do it yet)”

Tama si Hayley, hindi pa nga kita kayang patawarin. Masyado masikip ang taling ipinulupot mo sa akin. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makahinga. Isang taling hindi ko nakikita pero ramdam na ramdam ko ang unti unti nitong pagsakal sakin. Hindi ko na kayang maghintay pa sa hindi sigurado. Hindi ko na kayang makita kang malayang nagagawa ang mga gusto mo habang ako ay nakapako kung saan mo ako iniwan. Sinabi mong unahin muna natin ang ating mga sarili, pero hindi mo sinabing malaya tayong gawin ang lahat. Hindi ko na kaya pang makita na ikaw ay unti unting lumalayo kung saan mo ako iniwan. Unti unti lumalabo sa aking paningin. Hindi ko na kaya.

“Don’t you go and get it twisted
Forgiving is not forgetting
No, it’s not forgetting
No, I’ll never forget it, no”

Umalis ka kasama nang pangakong babalik ka. Isinisi mo ang lahat sakin. Isinisi mo makulit ako, nang-aaway. Lahat ng mga bagay na alam kong hindi ako yun. I took the blame. All of it. Lahat ng nasa paligid natin ako ang sinisi. Lahat sila ang gusto layuan kita. Tigilan kita. Tantanan kita. Hindi ko sila sinunod dahil hindi nila nakikita yung iniwan mong tali sakin. Hindi na ako makahinga. Kaya lumuhod ako sayo nung araw nay un para makita ko kung may halaga pa ko sayo. Pero wala na. Wala na talaga. I took all the blame. At wala nang natira pa sakin. Masakit nung tinalikuran kita at hindi ka man lang lumingon sakin. Oo, lumingon ako pabalik sayo. Hindi ko makakalimutan yun. Dahil doon ko narealize na hindi na tulad ng dati ang pagmamahal mo sakin.


Forgiving is not forgetting.

Pinapatawad na kita. Pinapatawad na kita sa binitawan mong mga salita sakin. Na mas sumaya ka nung mawala ako sa buhay mo. Na mas gumaan ang lahat para sayo nung mawala ako.

Pinapatawad na kita. Pinapatawad na kita nung sabihin mong “Babalik ako, pangako”. Alam ko at alam mo sa sarili mo na walang katotohanan yun. Dahil kung babalik ka, hindi mo patatagalin yung paghihirap ko.

Pinapatawad na kita.

Forgiving is not forgetting.

Oo. Pinapatawad na kita, pero hindi ko makakalimutan ang lahat. Hindi ko pwedeng kalimutan lahat dahil ito ang magtuturo sakin kung paano bumangon muli.

Forgiving is not forgetting.

Pinapatawad na kita sa pagmamahal mo ng lubos.

Hindi kasalanan ang magmahal ng lubos.

Pinapatawad na kita. (MYSELF)

Pinapatawad ko na ang sarili ko.

Nagmahal lang ako, at kahit kailan ay hindi naging mali ang magmahal.

Pinapatawad ko na ang sarili. Pero hindi ko hahayaan ang sarili kong makalimot. Dahil ang mga pangyayaring ito ang nagturo sakin na bumangon ulit.

Hindi lang ibang tao ang kailangan natin patawarin, minsan kailangan natin patawarin ang sarili natin bago tayo tuluyang makalaya sa lahat. 🙂

Day 4. Shit Happens.

Shit happens.

Shit really happens.

Galit.

Nakaramdam ako ng galit kahapon.

Sabi ko nung isang araw, face you fears.

Pero iba pa rin pala talaga kapag nasa harapan mo na yun situation.

Hindi ko sinasadyang makita, pero nagpakita pa rin sakin eh. Toxic. Toxic talaga ang social media. Hindi ko tuloy alam kung tama pa yung pagbalik ko sa social media para sa sinabi kong face your fears. Pero shit happens ika nga. Sa hindi mo inaasahang pagkakataon, Ipapakita talaga sayo ng pagkakataon ang mga bagay na ayaw mong makita.

Sa totoo lang, kirot lang ang una kong naramdaman, pero nung lumipas ang oras. Sumakit na siya. Parang nilamon ng galit at inis yung puso ko. Mas nakakagalit na may nagtanong sakin after ko makita yun… “Paano kung bumalik siya? Babalik ka pa ba?” Nakakagago yung pakiramdam. Kasi, alam ko sa sarili ko na OO ang sagot. OO, handa pa rin akong tanggapin siya pagkatapos nung nakita ko. Sa totoo lang, hindi dapat ito ang entry ko for Day 4. May nagawa na ako kagabi dahil sa sobrang galit ko. Ang haba. Puro galit. Na baka maban dahil sa dami ng mura na naisulat ko dun. Kasi, ang sakit talaga. Pero mas pinili kong gumawa ng bago, kasi… malalaman nyo sa dulo. 🙂

Umiyak akong muli dahil sa nakita ko. Naging mahina ako sa nakita ko. Kasi, masakit talaga. Masakit makita na may katabi siyang ibang babae. Kahit alam ko sa sarili ko na hindi yun yung ipapalit niya sakin, masakit pa rin. Pero matapos humupa ng galit ko, napalitan ito ng saya. Kasi, muli kong naalala kung paano kami nagsimula. Kung paano, sobrang saya ng simula namin. Kakaiba at sobrang masaya. Kusang nawala yung galit. Ganun yata talaga pag mahal mo at importante sayo yung tao, kahit na ano pang pagkakamali nila, matatanggap mo sila. Kahit na ilang beses ka pa nilang saktan, kung ikaw ang pipiliin nila, papayag ka pa rin na bumalik sila sa buhay mo, kasi mahal mo.

So, bakit SHIT HAPPENS?

As you can see, wala akong patience. I over react on everything. Nagre-react ako kahit hindi ko pa na-aanalyze yung situation. Nagagalit ako agad. Yun ang dapat ko i-improve. Impulsive ako, at pangit na ugali yun. Kailangan kong baguhin. SHIT HAPPENS.

Parang ang strong ko na nung mga nakaraang araw db? Pero shit happens. Hindi tayo forever masaya. Hindi forever na malungkot. Sabi ko nga nung una, it is always our choice. Darating yung mga araw na sobrang saya natin, na akala natin panaginip na ang lahat. Sabi nga nung iba, weather weather lang yan.

Kapag pinaranas satin yung happiness, expect some bumpy road ahead, kasi nga shit happens, but the destination is surely wonderful.

So, anong punto ko rito?

Be matured on handling difficult situations. Okay lang mag-react dahil tao lang tayo, pero you must think before you react. You must evaluate the situation first, bago mo i-judge yung situation. Kung talagang extreme yung emotions na naramdaman mo, do something to let that emotion subside. Mag-sulat, sumigaw, maligo or whatever, para kumalma ka. To let your brain analyze the situation bago ka mag-react.

Ako, pagsusulat ang ginawa kong outlet para mahimasmasan ako sa galit ko kahapon. Sabi nga sa Bible verse…

John 1:19-21

19 My dear brothers and sisters, take note of this: Everyone should be quick to listen, slow to speak and slow to become angry, 20 because human anger does not produce the righteousness that God desires.21 Therefore, get rid of all moral filth and the evil that is so prevalent and humbly accept the word planted in you, which can save you.

Be quick to listen.

Slow to speak.

Slow to become angry.

Hindi natin maiiwasan makaramdam ng galit sa mga ilang situations, pero shut up muna tayo. Kalmahin ang sarili. Maghintay ng paliwanag bago mag-react. Matuto muna tayong makinig ika-nga.

Sa sitwasyon ko, wala na akong karapatan humingi ng paliwanag sa ginawa niya. Pero mali ako na nai-judge ko agad siya. Wag din muna magsumbong o sabihin sa mga kaibigan. Ikaw na muna sa sarili mo ang mag-isip ang magpakalma sa sarili mo. Pinairal ko kasi yung galit eh. Sabi nga di ba, “get rid of all moral filth and the evil”. Ang sama ko na nai-judge ko agad siya.

Kaya mga bessy, ang maipapayo ko lang sa inyo.

When shit happens, be ready. Pero always be kalmado muna. I-analyze mo muna ang situation kung kagalit-galit nga ba, kainis-inis or whatever negative feeling ang naramdaman mo. Try to hear the person’s Point of View muna, or try to ask someone very near to them for some advice on the situation that occured. Mamaya, wala lang naman pala talaga yung kinakagalit mo. Nagsayang ka lang ng emotions na wala naman ka-kwenta kwenta pala. KALMA BESSY. 

When shit happens, be quick to listen, slow to speak and slow to become angry.

Spread love lang!

Have a nice day! ♥

Day 5. Stages of Grief

Wow! Dahil Day 5, kailangan 5 stages of grief ang pag-usapan? HAHAHAHA

Hindi naman, nag-google lang kasi ako kahapon about how to move on. Itong blog na ito ay hindi naman kung paano mag-move on eh. Ito lang yung way ko to express myself while moving on from him.

Minsan nga, gusto ko na rin itong itigil, kasi hindi ko na lalo siya nakalimutan. HAHAHA

But no, ito kasi yung nararamdaman ko. I need to express myself, lalo na ngayon at wala naman ako masyadong nakakausap. Pag nakikipag-usap kasi ako sa friends ko, hindi pa rin maiwasan na siya yung pag usapan. Anyway, 5 stages of grief.

Ano ba yung grief? Ayon kay Merriam.

Grief     : deep sadness caused especially by someone’s death

            : a cause of deep sadness

            : trouble or annoyance

Ano naman yung 5 stages of grief?

Denial. Anger. Bargaining. Depression. Acceptance.

Bakit ito lumabas sa google eh ang ini-search ko naman ay “How to move on”?

Ewan ko rin kay google. Pero okay yung nabasa ko. Detalyado.

1. Denial.

“Difficulty to believe that the relationship has ended.”

Ito yung stage na, nagsimula ang break-up. Ito yung araw na nag-walkout sa kanya. Tapos naglabo labo na. Dumating sa point na sumuko siya. Ito yung part na, hindi ko matanggap na sumuko siya. Hindi ko matanggap na dahil gusto ko lang manood kami ng movie ng time na yun, nag-tampo ako, hindi niya na-gets yung tampo ko, kaya nag-labo labo talaga.

Napagod siya sa tantrums ko. Hindi ko matanggap talaga. Kasi, in the first place siya yung mali eh. Kasi gusto ko lang naman na masolo ko siya saglit. Kasi hindi na kami nakapag-bonding ng kami lang eh. Makapagsolo man kami, pagod naman siya at puyat. Kaya no choice ako kundi pagmasdan nalang siya habang natutulog. Habang yung puso ko, nasasaktan. Habang yung utak ko, napapaisip kung nanlalamig ba siya sakin. Denial. Hindi ko matanggap na yung mga pangako niya na “Mag-aaway lang tayo pero hindi maghihiwalay”, ay hindi niya natupad. Masakit. Hindi ko talaga matanggap. Hindi ko matanggap na ayaw na niya akong makita nung araw na yun. Hindi ko matanggap na natapos nalang kami bigla ng ganun na lang.

Hindi ko talaga matanggap. Ito yung stage na, nag-susumbatan kami sa chat at text. Tapos ako sorry ng sorry. Hindi ko matanggap na maski SORRY hindi na tumatalab sa kanya. Hindi ko matanggap na yung MAHAL NA MAHAL KITA hindi na kayang isalba yung relasyon namin. Mahirap tanggapin.

Ito yung stage na, maiisip mong, pwede pa. Kaya pang ipaglaban. Dumating ako sa point na nanahimik ako, dahil yun yung hiniling niya. Katahimikan. Ibinigay ko yun sa kanya, pero makalipas ang ilang araw, hindi ako nakatiis at pinuntahan ko siya. Nakapag –usap kami ng maayos, at dito nangako siya, “BABALIK AKO PANGAKO”Denial. Stage na hindi pa natin tanggap na tapos na tayo. Denial. Hindi pa tayo tapos. Baka pwede pa. Pwede pa nga dahil nangako kang babalik ka.

2. Anger.

“Blaming the end of the relationship on many things.”

Ito yung stage na,

“Teka, bakit parang ako lang yung mali? Bakit parang kasalanan ko? Bakit parang kasalanan ko lahat? Bakit ako lang?”

Galit. Nagalit ako nung makapag isip-isip ako saglit. Nagalit ako sa mga nakausap ko dahil, parang ako lang yung sinisisi nila kung bakit nag-end yung relationship natin. Dumating pa ako sa point na pinagtabuyan ko lahat ng tao sa paligid ko. Lahat ng kaibigan ko. Lahat. Kasi, ang sakit sa pakiramdam nung sinasabi nila sakin na…

Baka kasi may mali sayo.

Baka kasi nasasakal mo na.

Baka kasi may kailangan kang baguhin.

Baka kasi sumobra ka na eh.

Baka kasi sobrang toxic mo na e?

Teka. Bakit ako lang?

Bakit nung may ginawa siyang kasalanan sakin na hindi madaling patawarin, pinatawad ko siya ah?

Bakit nung kailangan ko siya, wala naman siya ah?

Bakit nung mga panahon na pinapayagan ko siyang lumabas kasama ng mga kaibigan niya, wala man lang akong nakuhang credit ah? Tapos sasabihin nyo sinakal ko siya?

Bakit nung naglilihim siya sakin, may narinig ba kayo sakin?

Bakit nung kailangan ko ng yakap niya, barkada pa rin ang pinili niya?

Bakit nung time na nagwalkout ako, tinanong nyo ba ko bakit ako nag walk out?

Bakit kasalanan ko? Eh kasalanan naman niya na nanlalamig siya sakin.

Bakit ako lang may kasalanan? Bakit ako?

BAKIT?

3. Bargaining.

“Begging to your partner to take you back.”

Nung mahimasmasan ako sa galit ko, na-realize kong mali nanaman ako. Mali na isisi ko sa kanya. Mali na kinulit ko pa siya. Mali na hindi ko binigay yung time at space na hinihingi niya. Ang sakit kasi sa damdamin na malaya niyang nagagawa yung gusto niya, samantalang ako , hindi ko alam yung mga pwede kong gawin habang hinihintay ko siya. Tinanong ko siya non, “Hanggang saan na lang ba ako sayo? Tinanggalan mo kasi ako ng karapatan sayo eh.”, WALA akong nakuhang sagot sa kanya. Di ba ang labo na? Tapos makalipas ang ilang araw, nakikipagchat/usap na siya sa ibang babae. Nagchange pa siya ng password sa cellphone, tinanggal pa yung fingerprint ko. Ang sakit kaya nun. Tapos nung sinabi niyang… “Mas okay na wala ka (sa buhay ko)”. Iba na yun. Alam kong wala na kong hihintayin pa pag-pinabayaan kong ganon ang sitwasyon namin. Kaya ako pumunta ng dis oras ng gabi sa kanila para mag-makaawa. Nagmakaawa akong balikan mo ko. Nagmakaawa akong mag-ayos na tayo. Nagmakaawa akong sabihin mo sa mukha ko na ayaw mo na. Nag-makaawa ako.

4. Depression.

“Usually the longest lasting stage of grief.”

Nung umuwi ako nung gabing magmakaawa ako sayo. Wala akong maramdaman. Parang namanhid na ako. Pumikit ako pero alam kong hindi ako nakatulog. Pumasok pa ko sa trabaho nung araw na yun na parang walang nangyari. Wala ka ng text/chat sakin, kahit man lang itanong mo sakin nung panahon na yun kung nakauwi na ba ako. Wala. Wala ka na talagang pakialam sakin. Wala na. Natapos ang araw na yun na maghapon akong lutang. Hindi ko na nga maalala kung paano ko na-isurvive yung araw na yun. Pero nung gabing yun, hindi pa rin ako sumuko. Sabi ko sa sarili ko, bibigyan kita ng anim (6) na buwan para mapag-isa. At kung sa anim na buwan na yun ay balikan mo ko,

WELCOME NA WELCOME KA SA BUHAY KO.

Nung mag-isa nalang ako sa bahay, wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak. Umiyak nang umiyak. Iyak. Iyak. Iyak. Kinausap ko na yung mga kaibigan ko kasi, hindi ko na talaga alam. Pakiramdam ko yung anim na buwan ay hindi ko kakayanin. Hindi ko alam kung kaya ko ba talaga. Pumasok pa sa isip kong kausapin kang muli, pero pinigilan ko ang sarili ko. May nagsabi sakin na, ayaw mo na daw talaga sakin. May nagsabi na hindi ka na talaga babalik kaya tanggapin ko nalang. Tandang tanda ko pa kung paanong tumayo ako mula sa kama ko, humarap ako sa salamin at unti unti ko nakita yung sarili kong lumubog. Napaluhod ako sa sahig sa sobrang sakit na kailangan ko nang tanggapin na wala na talaga tayo. Wala nang next chapter. Kumbaga sa teleserye, wala nang “Abangan sa susunod na kabanata”. Wala nang ganun. Nasuntok ko ng tatlong (3) beses yung pader. Wala akong naramdaman. Yung ika-apat. Masakit na. HAHAHAHAHA Kaya yung pang-lima at mga sumunod pa dun, mahina nalang. Sakit kaya. Nagpasa nga yung kamao ko nun eh.

Pagkatapos nun, tumayo ako at naligo. Isang oras lang yata ako nakatulala sa loob ng banyo. Yung luha, walang tigil. Yung tanong na “hindi na ba talaga pwede?” paulit ulit sa utak ko. Pagod. Nakakapagod kang iyakan. Nakakapagod kang ipaglaban. Ang hirap lumaban mag-isa.

Kaya kahit MAHAL NA MAHAL KITA, itinaas ko na ang WHITE FLAG. Suko na ko.

5. Acceptance.

“The end of your relationship is not the end of the world.”

Ito yung stage na gusto kong marating. Kung saan, makakayanan ko nang makasalubong ka sa mall at makakangiti ako sayo ng walang bitterness. Kung saan, pag nagkita tayo sa kung saan magbabatian tayo ng, “Uy kamusta na?” nang may mga ngiti sa labi.

Gusto ko nang makarating dito, kung saan hindi na masakit kapag naririnig ko yung pangalan mo. Kung saan masasayang ala-ala nalang yung magflashback sa utak ko pag naisip kita.

Yung part na, kapag lumabas sa Messenger ko yung “BF is now active”, hindi na ako nasasaktan na hindi na ako yung kachat mo.

Yung part na, kapag nakita kong may kasama kang iba, saya nalang yung mararamdaman ko para sayo.

Yung part na, EX ako ni BF, ang pogi non! HAHAHA

Parang ang strong ko dun sa ibang post ko noh?

Pero hindi na ako magsisinungaling pa, umaasa pa ko na baka makalipas ang ilang buwan o taon ay maging kami pa rin. Hindi ko na para lokohin pa yung sarili ko na hinihintay ko siyang magchat/text sakin. Hindi ko ipagkakaila na kapag may tumigil na motor sa harap ng bahay namin eh napapasilip ako sa bintana. Hindi ko itatanggi na sa tuwing maglalabas ng sounds yung butiki sa bahay namin, sanasabi kong, “TULOY. Welcome na welcome ka dito kung ikaw yan.”

OO. Umaasa pa ko. Siguro nasa stage ako ng POST DEPRESSION-PRE ACCEPTANCE.(wow. May sariling stage! HAHAHAHAHA)

Post Depression. Hindi na kasi ako naiiyak pag naalala ko siya, hindi tulad nung mga nakaraan na talagang papatak ng kusa yung luha ko makita ko lang ang pangalan niya. May konting kirot pa rin everyday. Pag sumobra yung kirot, sumasakit talaga yung dibdib ko. Pero winawaglit ko agad. Ayoko na kasing bumalik dun sa mga araw na para akong tanga na iyak lang ng iyak sa kanya. Hindi naman kasi madaling bitawan yung pinagsamahan namin. ISANG TAON din yun. Isang taon kung saan masyado akong napalapit sa pamilya niya, sa ilang kaibigan at syempre yung nakasanayan kong kasama ko siya pag weekends. Pero i-GOOD JOB ko na yung sarili ko, Day 5 na ko oh. Pasasaan pa at makakarating din ako sa Day 21.

Pre Acceptance. Hindi ko pa fully tanggap na wala na kami, I mean, hoping pa kasi ako na pwede pa kami magkabalikan. Or baka sa ilang buwan o taon lang, maging kami ulit. Mahal ko pa rin siya. Mahal na mahal. Pero I have to accept na wala na kami ngayon eh.

Happy Post Depression-Pre Acceptance Stage!

Keep it up!

Day 5 of 21. Yakang yaka yan.

Hopefully, sa paglipas ng mga araw, mas maging better na ako. At matutuhan ko ang mga dapat kong matutuhan.

Day 21, I can’t wait for you!

Day 6. Failed

Pagod ang nararamdaman ko ngayong araw na to. Bukod sa wala akong tulog dahil sa aso ko, problemado ako kung paano siya aalagaan. First time ko kasi mag-alaga ng aso. Nakakapagod pala. Para akong may alagang baby.

Nakakatawa lang din na yung attitude ng aso ko, parang ako. Agaw atensyon, pero pag pinaglaanan mo ng atensyon, di ka papansinin. Ewan ko. Pero pakiramdam ko talaga magka-ugali kami ng aso ko. HAHAHA

Failed. Bakit failed kahit na parang ang saya ko naman kahit pagod?

Failed, kasi… Nagmessage ako sa kanya. Siguro dala na rin ng puyat at pagkamiss sa kanya.

OO, nami-miss ko siya. SOBRA. Day 6 palang naman ako, hindi naman masama na ma-miss ko yung taong mahal ko di ba? Saka, ito yung pangalawang weekend na hindi ko siya kasama.

Yung tanong na hindi ko naitanong sa kanya nung nakaraan, naitanong ko kanina sa kanya.

“Hindi na ba sapat yung pagmamahal mo sakin para balikan mo ko?”

Sagot    : Hindi ko alam, wala na akong alam

           : Sarili ko iniisip ko ngayon, ayoko na muna mag-isip ng kung ano-ano

Ang sakit noh? May kumirot nanaman sa dibdib ko nung mabasa ko yung sagot niya. Hindi ko malaman kung hindi na niya ako mahal o ayaw nalang muna niya akong isipin. Hindi ko malaman kung wala na siyang pakialam sakin o sadyang ayaw niya lang akong makausap.

Eh bakit ba kasi ako nag-message sa kanya?

Nakita ko kasi na nag-SINGLE na siya sa Facebook. (Big deal ba?)

Oo, big deal sya para sakin, kasi, sa totoo lang, araw araw ko tinitignan yung Facebook niya. Hinihintay kong magbago siya ng relationship status. Kasi, yun yung sabi ko sa nun, “Araw-araw kong bibisitahin yung Facebook mo para alam ko kung maghihintay pa ba ako o hindi na”. Sabi niya, ako daw ang nauna mag-Single, gumaya lang daw siya sakin. Sabi ko, siya yung nauna kasi natanggal nga yung tag sakin sa status namin eh. Alam daw niya na pinaghihinalaan kong may iba siya, sabi ko nalang sa kanya, “Mali nanaman ba yung hinala ko?”

Sumagot siya, “Sana may iba nga.”

Hindi ko alam kung nabuti o nakasama na nagmessage ako sa kanya. Pero nag-baka sakali lang din naman kasi ako, baka kasi this time, lumambot na siya. Pero mali pa rin ako eh, matigas pa rin siya. Matatagalan pa siguro bago siya lumambot. Kaya, ang Day 6 ko ay FAILED.

Ang huli kong mensahe sa kanya, “Sige. Alam ko na yung sagot. Salamat.”

Ewan ko why I always keep on saying that I already know, even though I really don’t know.

Ewan yung naramdaman ko sa sagot niya. Tatlo yung pwedeng scenario sa utak niya sa sagot niyang yun.

  • Una, mahal pa niya ko, pero gusto niya muna mapag-isa.
  • Ikalawa, hindi na niya ko mahal at hindi niya lang masabi ng deretso dahil ayaw niya akong masaktan.
  • Ikatlo, hindi pa niya talaga alam yung nararamdaman niya sa ngayon, ayaw niyang magbitiw ng mga salitang i-reregret din niya sa huli.

Piliin natin yung ikatlo.

Mas reasonable. Mas makatotohanan.

May nabasa ako, “Women are far greater that men.”

Parang sinabi pa dun na dahil, pag binigyan mo ng SPERM ang babae, magiging Baby.

Pag binigyan mo ng groceries, magiging meal.

Pag binigyan mo ng bahay, magiging home.

Siguro, ipasok natin dito yung kasabihan na yun.

Binigyan niya ako ng mga salita, pero binigyan ko ng mas malalim na kahulugan.

Gets nyo ba yung logic?

Kung sa lalakeas is kung ano yung sinabi nila.

Sa babae, bibigyan pa nila ito ng ibang kahulugan.

Hindi ko naman lalahatin ng kakaibaihan na katulad ko sila mag-isip o magproseso ng mga bagay na pumapasok sa isip nila. Pero alam kong hindi ako ang nag-iisang babae na ganito mag-isip.

Siguro, kung marunong lang mag express ang lalake ng kanilang tunay na nararamdaman, rather than giving us undetailed reasons, mas magiging madali siguro ang buhay.

Pero kahit siguro sabihin nila yung tunay na nararamdaman nila, ang pag-process pa ngutak ko sa sinabi nila, may iba pang kahulugan.

Paano ko ba mababago yun?

Nakakapagod din naman magpaliwanag ng magpaliwanag na, BABAE AKO kaya ganun ako mag-isip. Hindi ko yun pwede idahilan habang buhay. Gender Equality ika-nga. Hindi porket babae ako, mas kailangan ko ng deeper understanding. Mali yun. Siguro dapat ako yung magkaroon ng deeper understanding about men.

Siguro, ang mas magandang approach dito ay, be a good person to anyone.

Walang lalake o babae. Lahat pantay-pantay. Deeper understanding and patience sa bawat tao sa paligid ko.

Be good to anyone. Maging isang mapagbigay na tao na walang hinihinging kapalit. Kumbaga, mag-mahal ng walang inaasahang kapalit.

Hindi ako total failure ngayong araw na to.

Failed lang ako sa aspetong, hindi ko dapat siya kinausap.

Pero, i-GOOD JOB ko nalang ulit yung sarili ko sa mga realizations at nagawa ko ngayong araw.

  1. Good job, kasi hindi ako umiyak sa naging conversation namin.
  2. Good job, kasi narealize ko na okay lang na patuloy ko pa rin siyang mahalin despite the fact na hindi na kami. Kasi, he’s a really good person after all.
  3. Good job, kasi kaya ko pa rin sabihin sa kanya yung gusto ko sabihin. I mean, hindi ako natakot i-express yung tunay kong nararamdaman. Hindi na ako natatakot sa magiging reaction niya.
  4. Good job, dahil narealize kong I need a deeper understanding for peopleHindi pwedeng ako lang yung iintindihin lagi.
  5. Good job, dahil kahit hindi okay yung naging conversation namin, hindi na siya ganun kabigat sa pakiramdam. Siguro in time ma-iimmune na ko sa kung paano nya ko kausapin ngayon. At in time matatanggap ko na rin ng lubusan lahat.

Never let one failure define you.

Hindi dahil nagkamali ka once eh ganun ka na forever.

Life is a learning process, wala naman perfect eh. Lahat tayo nagkakamali. Pero pag nagkamali tayo, be brave to face the consequences. And always learn from your mistakes.

Day 6 of 21. CHECKED!

Day 7. I am loved.

bullshit ang araw na to.

STAGES OF GRIEF?

ANGER.

Nasa ANGER ako.

Day 8. Too Good To Say Goodbye

Narinig nyo na ba ang kantang ito?

Too Good To Say Goodbye by Bruno Mars

Baby, ain’t nobody gonna love me like the way you do
And you ain’t never gonna find a love like mine
Tell me what can I do to make it up to you?
‘Cause what we got’s too good to say goodbye, goodbye

Pero balikan muna natin yung nangyari kahapon. Nakakapagtaka na bigla nanaman ako nagbreakdown di ba? Sabi ko nasa ANGER STAGE ako. Binabawi ko na. HAHAHAHAHA Nasa Post Depression-Pre Acceptance Stage pa rin ako. Pero sobra akong nakaramdam ng galit kahapon eh. FAILED nanaman ako. HAHAHA I really can’t control my temper. Hindi ko alam kung dahil sa PCOS ko or talagang unstable pa yung utak ko (baliw na ata ako. hahaha)

Anyway, why did I broke-down again?

Rejection.

That feeling can kill, you know?

Rejection is a really bad feeling. It is something that can make a great storm on a calm sea. Walang sabi sabi, pero pag naramdaman mo. MASAKIT.

Why did I even feel that way?

May nakita kasi akong post niya, something about loneliness, where when you are alone marerealize mo kung ano talaga ang gusto mo sa buhay.

That post gave me a feeling of rejection. Why?

Kasi, pakiramdam ko hindi na ako yung gusto niya.

But I really have to practice patience and understanding. Control sa pag-react agad. The very same reason why he left, because I am impulsive.

I cursed. I have said bad accusations against him out of anger. I even got mad on some of my friends. It is a real bullshit yesterday. Yung galit ko mas mataas sa temperature kahapon. I posted the blog while I was feeling angry. VERY WRONG nanaman ako. Kasi, when I got home. I cried. I cried for the nth time.

I prayed to God to give us some closure. At sa sobrang bait ni Lord, binigyan niya kami ng closure. How?

I begged him to talk me. Ayaw na niya kasi talaga makipag-usap eh. Pero sa kakapilit ko, pumayag siya. Nag-usap kami kahit sa chat lang. Nilabas ko yung mga unfiltered questions sa utak ko. Yung mga tanong na pilit kong itinatanong sa mga maling tao. Yung tanong na para naman talaga sa kanya, pero sa ibang tao ako naghahanap ng kasagutan. All I can say is, kahit kanino ka humingi ng payo, kung hindi bukal sa loob mo yung pagtanggap sa payo, hindi mo pa rin gagawin. Gets nyo ba? hmm.

Parang itong blog ko. Sulat ako ng sulat, gumagaan panandalian yung pakiramdam ko. Nawawala yung unnecessary emotions panandalian. Pero whenever I’m alone, usually when I’m about to sleep, yung isip ko bumabalik pa rin sa kanya. Mahirap kalimutan yung taong ayaw mong kalimutan. Yung pain, yung questions, yung clarifications na pinipilit kong pigain sa mga kaibigan ko, hindi naiibsan. Why? Kasi hindi naman sila si BF eh. Si BF lang naman ang may tunay na kasagutan. Si BF lang yung may exact answers sa questions ko. Kumbaga sa padlock, siya lang yung susi.

Our conversation went well. Sa una, mejo messy, pero sa huli naging okay pa rin. Nagpasalamat kami sa isa’t isa. Nagkapatawaran sa mga pagkakamali. Sinabi ang mga dapat sabihin. CLOSURE. Yung sinabi niyang, “hindi kita makakalimutan, parte ka na ng buhay ko eh.” yun yung mga katagang nagpagaan sa mabigat kong nararamdaman. Bakit yun ang nakapagpagaan? Ngayon ko lang din narealize kung bakit. What we had is so hard to give up. I mean, oo we didn’t get back together, but the fact na, hindi naman failure talaga yung relationship namin. Sadyang, we are just hurting each other kaya we have to stop what we have.

We didn’t stop loving each other, rather we stop hurting each other.

Hindi dahil iniwan ka ng taong mahal mo ay hindi ka na niya mahal, minsan sa sobrang pagmamahal niya sayo, ayaw ka na lang niyang mas masaktan pa.

Yan yung love na pilit ko pinaglalaban sa umpisa palang, sobrang worth it kasi ipaglaban. Pero hindi sapat na mahal nyo lang yung isa’t isa para mag-work yung relationship. Madaling masearch sa Google yung receipe for a perfect relationship, pero mahirap ito gawin. LOVE. TRUST. COMMUNICATION. 

A perfect relationship is two imperfect people who refuse to give up on each other.

Siguro, natapos lang yung relationship namin, but I surely know, hindi pa kami nag give up sa isa’t isa. May love pa rin kami para sa isa’t isa. Siguro, in time, hindi man kami magkabalikan as lovers, but we’ll surely be friends. Who knows? Baka yung frienship na mabuo namin in time… HAHAHA Ayoko nang ituloy ayokong humopia. haha

Oras at panahon nalang ang makakapagsabi kung ano ba talaga kami.

Hayaan lang muna namin mawala yung pain. Let our wounds heal in time.

Basta, what we got is too good for goodbyes.

Mas maganda siguro sabihin yung, “See yah!”

Day 8 of 21. The pain is subsiding. 🙂

Day 9. Busy

Busy.

Busy ako this day.

Kaya ito, sobrang ikli lang nito.

Naiisip ko pa rin siya, pero hindi na ganun kasakit.

Namimiss ko siya. Kasi dati, at the end of the day, siya yung kkwentuhan ko ng nangyari sakin sa maghapon. Ganun rin naman siya. Nakakamiss na may mapagsasabihan ka ng naging araw mo.

Pero okay lang, masasanay din ako sa ganito.

Masasabi ko lang, miss ko talaga siya. Yung mga selfie niyang isesend niya sakin para lang mapangiti ako.

Hay. Anyway. Pagod ako this day. Kaya ito nalang muna ang entry ko.

Day 9 of 21. Pagod

Day 10. Sad

Nalulungkot ako ngayong araw na ito. Hindi ko alam kung bakit.

Siguro dahil sa pagod sa trabaho. Puyat sa aso. At yung feeling of emptiness.

Emptiness? hahaha

Kasi namimiss ko siya. Ayoko na siyang isipin, pero ganun yata talaga pag mahal mo. Matatagalan bago makalimot. Matagal bago masanay. Hay

Sad.

Kailangan ko ng matinding pahinga.

Pahinga sa lahat.

Day 10 of 21. Okay

Day 13. Untitled

Hi!!!!!

Walang Day 11 at 12 kasi, busy ako nun. Saka sobrang pagod na rin, wala sa mood magsulat.

Day 11, may event sa office, half day lang siya, pero wagas, kasi 2AM palang nasa kalye na ko. HAHAHA after non, nag-malling kami saglit. Nakapagwaldas ako ng pera. NIVEA Buy 1 Take 1, mahina ako pag NIVEA ang usapan. Hahaha I also bought some books to read for the looooong Holy Week vacation. Plans for the Holy Week? Wala. Magkukulong lang ako dito sa bahay. Bukod kasi sa wala akong budget, wala rin talaga ko sa mood lumabas nun, kasi sobrang daming tao lang din naman sa mga pasyalan nun. So #staycation lang ako, naka-tipid pa ko! HAHAHA

Anyway, so ayun nga, nag-hoard ako ng NIVEA products. Ihahanda ko na yung ulo ko, kasi baka mabatukan nyo ko sa susunod kong ita-type dito.

Ibinili ko rin siya ng NIVEA products, good for 1 year. HAHAHA I don’t know what has gotten into me, pero yun na siguro yung huling regalo ko sa kanya. Nakasanayan ko nalang din siguro talaga na ibili siya kapag may binibili ako para sa sarili ko. Patawarin nyo na ako agad, hindi pa ko nakakapag-adjust ng bongga! Nasa moving on stage pa naman ako, kaya sorry na! HAHAHA Nakachat ko siya nung araw nay un, kasi nga gawa nung mga binili ko for him. Okay naman yung flow ng usapan namin. Napangiti ako saglit dahil nakausap ko siya kahit saglit. Pero pagkatapos nun, dedmahan na ulit.

Hindi ko maiwasan isipin na, bakit kaya yung ibang babae, kahit na nangaliwa na, binabalikan pa rin? Samantalang ako, ginawa ko na lahat, hindi pa rin niya ako magawang balikan. Then it came to me, magka-iba kasi yung GUSTO at HINDI GUSTO. Sabi ko nga di ba, every day we make choices. Kailangan ko nalang talaga tanggapin na hanggang dun na lang kami. Eventually, titigil na rin naman siguro ako sa kakaisip sa kanya. Titigil na rin siguro ako sa kaka-kamusta sa kanya. Yung pagmamahal ko sa kanya? Hindi ko alam kung kailan titigil. Pero alam ko sa sarili kong matatagalan. Magiging thankful nalang ako na minsan sa buhay niya, ako yung ginusto niya, ako yung minahal niya. All I can wish for him is a good and happy life. Sana mahanap na niya yung true happiness niya.

Day 12, maaga akong gumising ng araw na to. Tuturukan kasi yung PUPPY ko. Sabi kasi nung vet, 8am siya pupunta. Pero 10am na wala pa rin siya. Natulog ako ulit, bago mag 12nn dumating yung vet at tinurukan yung puppy ko. Then he advised me to buy some paracetamol, kasi baka daw manamlay. So ayun, kumain lang ako ng lunch, naligo at umalis ng bahay. I decided not to bring my smartphone with me. Okay siya. Okay na walang smartphone, kasi mas mapapansin mo yung nasa paligid mo. Dun sa mga nadaanan ko, may tatlong bilihan ng mga dog food at dog accessories. Hindi ko alam yun dati. Hahaha mas okay ang walang smartphone, kasi, hindi ako selfie ng selfie sa mga ginagawa ko. Mas nakapag focus pati ako sa mga dapat kong bilhin. Nakakatawa lang, gamot at dog food yung dapat kong bilhin, pero umuwi akong may bitbit na tatlong bote ng Smirnoff Smule at Black Label na 200ml. HAHAHAHAHA sa gabi ko siya balak inumin, pag nood ko ng movie.

Pag sapit ng 7pm, pumorma na ko para inumin yung mga binili ko. I decided to watch Pitch Perfect 3. Sinumulan ko agad sa shot ng Black Label. De P*ta! HAHAHA hindi ko alam kung masarap o ano. Pero ang tapang niya sobra, kaya kang ipaglaban! HAHAHA sinundan ko agad ng inom ng Smirnoff para mawala yung lasa, hindi pa nangangalahati yung movie, inaantok na ko. HAHAHA pero dahil sayang yung alak, inom lang ako. Natapos ko yung movie, dalawang bote nung Smirnoff at siguro, almost half nung Black Label yung nainom ko. Grabe. Bago mag 10pm tulog na yata ako. HAHAHA pero nagising ako ng 3am. Parang wala lang yung ininom ko. Ang strong ko na uminom! HAHAHAHAHA

At siyempre, 3am thoughts ko, sino pa nga ba? Nakita ko siyang Online. Nagview din naman siya sa My Day ko. Pero dedma. Naramdaman kong hindi na talaga ako importante sa kanya. Naramdaman ko yung, konting kirot nanaman sa dibdib pero parang kinuhit nalang yung pakiramdam. Hindi ko maiwasan mag-isip ng…

“Sino kaya ang kachat niya at this time of the day?”

“May bago na kaya siyang binabati ng good morning, good night at ingat?”

Pilit ko inalis yung iniisip kong yun, kasi nga. Ano ba naman db?! Wala na dapat ako pakialam dun. Hindi ko na dapat iniisip pa. Dapat sarili ko yung iniisip ko.

Habang nag-browse ako sa newsfeed ko, may nabasa akong quote. I can’t recall the exact quote, pero parang sabi ay… “Yung right guy na nilaan ni Lord para sakin ay hindi ko kailangan habulin.” Siyempre, napaisip ako. Baka talagang hindi siya yung para sakin, kasi hinabol ko siya eh. At siyempre, hindi naman nawala sa isip ko na, “Baka kami pa rin, hindi lang ito yung tamang oras”. Kaya natulog na lang ako ulit.

Day 13. 9AM. Being honest here, naghihintay pa rin ako sa kanyawhile I’m fixing myself.Kumbaga, hindi ko pa rin siya tuluyang isinukoHindi ko pa siya kayang isuko. I came to an idea na, hindi ako makakapag boyfriend ulit hanggang hindi pa siya nagkakaroon ng bagong girlfriend ulit. Napansin ko lang din kasi talaga sa sarili ko, parang natatakot na ako magpaligaw or makipag kaibigan sa opposite sex. Gusto ko nalang din muna i-enjoy ang pagiging single ko. Bata pa naman ako, kung hindi talaga kami para sa isa’t isa, tatanggapin ko nalang at magiging thankful ako na naging parte siya ng buhay ko.

I also came to an idea na, yung mga exes at ex flings ko, basta after ko, nagiging mature na sila sa susunod nilang girlfriend. I mean, nagiging seryoso sila and everything. Hindi ko maiwasan maisip na, baka yun yung purpose ko? Ituro sa mga lalakeng yun kung paano nila itrato ng tama yung mga magiging girlfriend nila. The sad part there is, hindi na ako ang makakaranas ng maturity nila sa relationship. Masakit yung, “ay wow! Kaya naman pala niya maging ganun, bakit hindi niya nagawa sakin?”. Yung ganung scenario.

Kay BF, naranasan ko kung paano itrato ng tama. Pero dahil sa trauma ko sa past ko, at sa takot ko na baka iwan niya lang din ako sa future, nasira ko yung present namin. I should be happy right now kung hindi ako ganun mag-isip. Hindi ko sana hinayaan na sirain ng past ko yung present ko. In-enjoy ko nalang sana yung present ko kesa sa kakaisip ko ng bad scenarios sa future.  Ito yung kailangan ko matutunan, i-let go at matuto sa past, i-enjoy ang present and let the future reveal itself.

Nabasa ko to dun sa librong binili ko nung isang araw,

31 DAYS OF ENCOURAGEMENT AS WE GROW OLDER by Ruth Myers

Day 1 – Another Opportune Day

Sa pagkakaintindi ko sa Day 1, parang yung Day 1 lang din ng entry ko dito sa blog. We choose what we want. Choice natin. Every day is our choice. Let’s give our best every day. Kahit na hindi maganda yung araw, let’s choose to be happy. Every day is an opportunity.Kung may pagkakamali ka sa kahapon, siguraduhin mong may magawa kang tama ngayon. Every day is a chance.

Kaya ka ginising ni Lord today, kasi may chance ka pa for another wonderful day. Kaya, make the best out of it. Less negativity every day. Be thankful for every day. Dahil hindi lahat ay nabibigyan ng second chance. Hindi maiiwasan na malungkot, pero gusto mo bang malungkot ka nalang maghapon?

There’s a lot of things we can do. At choice na natin yun kung ano ang gagawin natin sa araw araw.

Enjoy every waking day!

God has the perfect timing for everything, remember that!

Day 13 of 21. Thankful

Day 15. Fear

image

Nag skip nanaman ako ng araw. Paano busy ako. HAHAHA

Pero kahapon, muli nanaman akong umiyak dahil sa kanya.

Nakakapagod na. Nababalot pa rin ako ng takot. Takot na hindi ko na siya makitang muli.Takot na hindi ko na siya makausap pang muli. Takot na, maging isang estranghero na lamang ako sa kanya.

Kagabi nag-try akong basahin yung binili kong libro.

Eight Twenty Eight : When Love Didn’t Give up

by Ian and Larissa Murphy

Pagdating ko sa ikatlong pahina, “A Note from Ian”, may pumukaw sa atensyon ko. Siguro mga tatlong beses ko siyang binasa, tapos naisara ko bigla yung libro na hawak ko. Nakaramdam kasi ako ng takot. Ano yung nabasa ko? Ito…

Trust God. He’s bigger than your story. He’s bigger than ours.

Hindi ko alam kung bakit ako natakot kagabi, siguro dahil natakot ako sa maaari kong mabasa sa librong yun. Natakot ako sa wisdom na makukuha ko. Natakot ako sa katotohanang gigising sakin. Pinag-isipan kong mabuti kung itutuloy ko pa ba ang pagbabasa.

Natakot ako sa katotohanang ipinapakita sakin ni Lord. Natakot sa katotohanan. Natatakot ako. Pero binasa ko pa rin, umabot ako sa Chapter 2. Napagdesisyunan kong itigil muna ang pagbabasa. Itutuloy ko nalang bukas, kasi simula na nang mahaba kong bakasyon.

So, bakit fear ang title ng entry ko for today?

Kasi, takot talaga yung naramdaman ko.

Nabanggit kong umiyak nanaman ako kahapon db?

Muli ko nanaman kasi akong nagpalamon sa kalungkutan.

Nagpalamon akong muli. Nagpalamon akong muli sa lungkot. Pero nakakapgod na talaga. Nakakapagod na isipin kung “may kami pa ba” sa hinaharap. Ilang beses ko na ba sinabi rito na suko na talaga ako? Pero makulit ako, hindi pa rin ako sumusuko sa paghihintay sa kanya. Pero napapagod na ako eh.

Nakakapagod yung patuloy niyang hindi pagkausap sakin.

Nakikita ko siyang online tuwing 5AM, nakakalungkot isipin na, kakauwi niya palang nun sa kanilang tahanan, at sino kaya ang kausap niya sa oras na yun? Sino? Sino ang taong sinabihan niya nang, “Nandito na ko sa bahay”?

Kanina naisip ko, baka may trabaho na siya sa gabi, kasi consistent na mag offline siya ng bandang 8pm-5am. Tapos pag sapit nga ng 5am, online na siya. Napag-alaman ko rin na umaga na nga siya umuuwi. Kung galing nga siya sa trabaho, mabuti. Pero kung galing siya sa barkada, hindi ko alam ang magiging reaction ko.

Napapagod na ko. Pero binibigyan ko pa rin siya ng pagkakataon na magbago ang isip niya. Sa itinakda kong araw kung hanggang kailan ko siya hihintayin, itutuloy ko na. Sa ika-dalawampu’t isang araw sa blog na ito. Bibitawan ko na siya ng tuluyan. Ilang araw nalang ang nalalabi. At malapit na ang araw na yun.

Sa araw na yun, dalawang scenario ang tumatakbo sa isip ko. Sa dalawang scenario na yun, isa dun ay ang magsasabi kung bibitawan ko na nga ba siya. Patuloy akong aasa hanggang sa ika-dalawampu’t isang araw. Pero pinapangako ko sa sarili ko, na sa ika-dalawampu’t isang araw na yun ay aalisin ko na ang takot. Ang takot na baka hindi ko na siya maka-usap pang muli. Ang takot na baka hindi talaga kami ang para sa isa’t isa. Ang takot na maging isang estranghero na lamang ako sa kanya. Dahil hanggat hindi ko inaalis ang takot na harapin ko ang katotohanan, hindi mawawala ang sakit na nararamdaman ko.

Hahayaan kong muna ang takot sa ngayon, dahil ayokong magsisi sa huli.

Day 15 of 21. Slowly fading away.

Day 16. Self Worth

Simula nung maghiwalay kami, palagi kong tinatanong yung sarili ko.

Hindi ba ko worth it?

Araw araw, yan ang tanong ko sa sarili ko. Sa lahat ng kaibigan ko, naitanong ko rin yan. Sinasabi nila, worth it ako. Hindi lang niya nakikita yung worth ko.

Sa bawat taong dumating sa buhay ko, nag-iwan ako sa kanila ng isang parte ng puso ko. Siguro, kaya ubos na ubos na ko ngayon, kasi yung huling parte, ibinigay ko na kay BF.

Bago ko siya sagutin nun, bago ako bumigay sa mga pangako niya, nag-pray ako ng mataimtim non. Then, parang yun nga, parang YES yung sagot ni LORD, kaya nag-give in ako. Pinangako ko rin sa sarili ko na siya yung huling taong mamahalin ko. Kaya siguro nahihirapan ako mag- let go, dahil sa pangako ko sa sarili ko. Pinangako ko na kung hindi pa rin si BF yung para sakin, hindi na ko mag-aasawa. Yun siguro yung pinanghahawakan ko hanggang ngayon kaya hindi ako makausad.

Nung panahong nagkamali si BF, napatanong ako kay LORD, “Hindi pa rin po ba siya ang para sakin?”. Tinanong ko rin ang sarili ko kung papatawarin ko pa ba siya o hindi na. Pero mas pinili kong magpatawad, kasi nga, pangako ko sa sarili ko na siya na yung huli. Kinalaban ko ang sarili ko nun. Hindi lang kasi isa o dalawang beses siyang nagsinungaling sakin. Pero mas pinili kong patawarin siya kasi mahal ko siya. Simula nung araw na nagkamali siya, tinatanong ko na ang sarili ko…

Am I not enough?

Kagabi, bumalik ako sa mga MEMO sa phone ko. Mga letra, salita at talatang naisulat ko dahil sa kanya. Mga pangyayaring alam kong unti unting sumira samin. Nabasa kong muli kung paanong noon pa lang alam kong gusto na niyang bumitaw. Mga kaganapan na alam kong pinilit niya rin labanan para samin. Mga tagpo na kung saan tuluyang sumira sa amin ngayon.

Nabasa ko doon kung paanong humingi ako ng kapatawaran sa kanya dahil hindi ako sapat para sumaya siya. Noon palang pala, hindi na siya talaga masaya sa amin. Nagbulag-bulagan lang kami pareho dahil mahal namin ang isa’t isa. O siguro, dahil na rin, nanghihinayang kami sa tumatagal naming relasyon. O siguro, dahil ng mga panahon na yun, gusto namin pareho makasama ang isa’t isa habang buhay.

Nabasa ko doon kung paano ko kwestyunin ang sarili ko kung bakit hindi ako sapat. Nabasa ko doon kung paano ako humingi ng tawad sa mga bagay na dapat ay kusa niyang ibinibigay sakin. Nabasa ko doon kung paano ko siya piliin araw araw kahit na hindi na maganda ang mga nagyayari sa aming relasyon.

Napagtanto ko, noon palang pala, lumalaban ako sa laban na alam kong maiiwan akong mag-isa.

Self worth.

Bakit ko ku-kwestyunin ang halaga ko sa isang tao kung ang sarili ko hindi ko kayang pahalagahan?

Sa paglipas ng mga araw, nalalaman ko ang sagot sa mga sarili kong tanong.

Hindi ba ako worth it?

Worth it ako. Worth it ako ipaglaban. Worth it ako. Worth it ako sa tamang tao. Worth it ako. Worth it ako sa taong handa akong ipaglaban hanggang dulo. Worth it ako. Worth it ako sa taong hindi mapapagod na intindihin ako. Worth it ako. I am worthy.

Am I not enough?

Enough ako. Enough ako para sa taong nakikita ang halaga ko. Enough ako. Enough ako sa taong hindi kailangan ng iba para sumaya. Enough ako. Enough ako dahil wala nang iba pang dahilan kundi dahil enough ako.

Na rerealize ko na ngayon, at siguro unti unti ko na talagang natatanggap na hanggang dun nalang talaga kaming dalawa. Hindi ko na siguro ikakahiya yung mga nangyari samin, kasi nagmahal lang naman ako.

Hindi ko kailangan hanapin yung halaga ko sa isang tao.

Dapat alam ko sa sarili ko yung halaga ko.

I am worth it. I am enough.

Day 16 of 21. Loving myself more

DAY 18. Breakup

Hala si ate! Mukhang malungkot nanaman! HAHAHA

⚠️VERY LONG POST⚠️ (DAY 17 and 18 HAHAHA)

So, breakup.

image

Ang dami palang types of breakup. Pero ano nga ba yung pinakamahirap na breakup? I mean, yung pinaka mahirap tanggapin?

Para sakin, in terms of romantic relationship, dalawa (2) yung types of breakup.

  1. Third-Party – Hindi ko na ide-define masyado, kasi alam nyo to. Oo, yung may iba na siya kahit kayo palang, pero BAKIT?????
  2. No Third-Party – Ito yung breakup na wala namang iba, pero BAKIT?????

Yan naman yung laging tanong after breakup db?

Bakit?

Pero alin ba yung mas masakit sa dalawa? Yung ipinagpalit ka na niya agad sa iba o yung hindi mo alam bakit ayaw na niya? Para sakin, mas masakit yung ikalawa. (FIGHT ME! HAHAHA)

Sa Third-Party breakup, may rason ka na para mag-let go. May iba na kasi eh. Pero mapapatanong ka pa rin ng,

BAKIT? Am I not enough? Pangit ba ko? Pangit ba yung katawan ko? Kapalit-palit ba ko? Then, WHY??? (in Liza Soberano’s voice)

Hindi na ikaw yung ipinaglalaban niya. IBA NA. Parang ikaw na yung kontrabida sa istorya nilang dalawa. Ikaw na yung salingketket. Ikaw na yung panggulo. Kaya no choice ka kundi mag-let go. No choice ka kundi tanggapin na WALA NA. No choice ka kundi tanggapin na hindi talaga kayo para sa isa’t isa. ARAY! HAHAHA

Sa No Third-Party breakup, may mga rason kung bakit kayo nag-break. Pero mapapatanong ka pa rin ng,

BAKIT? Am I not enough? Pangit ba ko? Pangit ba yung katawan ko? Kapalit-palit ba ko? Then, WHY???

Same questions? No, meron pa.

Hindi ba ko worth it ipaglaban? Bakit ayaw mo na? Bakit hindi ka na lumaban? Bakit sumuko ka na? Bakit hindi natin subukan ulit? Bakit kailangan pa natin mag-hiwalay kahit mahal natin ang isa’t isa? Bakit kailangan ng time at space? Hindi mo na ba ako mahal? Bakit? Bakit? Bakit?

Ang haba pa siguro ng litanya ko pag nilahat ko ng BAKIT questions na yan. Pero masakit db? Sobrang sakit kasi hindi mo alam kung fight or flight. Ito pa minsan yung klase ng breakup na TIME at SPACE lang ang kailangan. Pero bakit sobrang TIME at SPACE naman yung hiningi niya? Yun tipong ramdam ko na mas maglalayo sakin sa kanya. Yung tipong “hahanapin ko muna yung sarili ko”. Kaso, while looking for himself, dun niya rin narealize na,

Hindi pala ito ang gusto ko. Hindi pala siya ang gusto ko.

Aruy! Yung kakarampot na pag-asang pinanghahawakan mo, nawala na pala dahil sa time at space na hiningi niya. Hindi lang isang breakup ang ipaparanas niya sayo. Madami. Madaming breakup.

Bakit madami?

Parang katulad nung nangyari saming dalawa. There are many reasons kung bakit kami nag-hiwalay.

FIRST BLOW. Nakakasakal na daw ako kaya he needs time and space. So, I let him be. Pero sa bawat araw na lumilipas ramdam ko yung tuluyan niyang pagbitaw. Kaya I talked to him. Sinabi ko sa kanya lahat ng takot ko. One is, baka habang wala ako, magising nalang siya isang araw na hindi na niya ko mahal. Nalaman ko yung sagot sa ilang bakit. Hindi naman daw ako kapalit-palit, ako pa rin daw yung gusto niya makasama habang buhay. Gusto niya lang muna mapag-isa. Makapag muni muni. After namin makapag-usap, he kissed me. The kissed that I missed so much. Yung halik na matagal ko ng hinahanap hanap sa kanya. Yung katulad nung unang halik niya sakin. The very first ever kiss we had. Yung nanunuot sa puso at buong pagkatao mo. Napaluha ako nung oras na yun. Kasi, yun na yun ih. Ramdam kong mahal pa niya ko, mahal na mahal. Ramdam kong may pag-asa pa. Sobrang laking pag-asa. *next scene is censored. HAHAHA* Pagkatapos nun, kumain kami sa plaza ng shawarma nun tapos Gulp sa 7/11. Sinabi pa niya na itago ko raw yung receipt. REMEMBRANCE. Siyempre, todo kilig ako. Kasi ramdam ko na sobrang laki pa ng pag-asa ko.

SECOND BLOW. Isang linggo ata kaming hindi nag-usap non. Basta one time, pagbukas ko ng messenger ko isang umaga, may message siya sakin.“Matulog ka na. May pasok ka pa bukas.” Kinilig nanaman ako. Nagreply lang ako ng Good Morning. ***Commercial Break, bakit kaya binalikan nanaman ni ate ang mga nangyari? Masokista ka te? HAHAHA Hindi, gusto ko lang mafeel nyo na masakit talaga yung NO THIRD PARTY BREAKUP. HAHAHA*** So ayun, napanatag ako ng ilang araw dahil don sa message niya. Mapapa THANK YOU LORD ka na lang talaga kasi ang laki pa ng pag-asa mo eh. Then one time, sobrang down ako nun. Sakto nagkamustahan kami. So ayun, rant ako about sa work. Tapos parang wala siyang kagana-gana makipag usap sakin non. Sakto pa na may nakikita akong bagong pangalan sa FB niya nun. So selos ako, bothered ako. Napachat ako sa kanya ng “mahal na mahal kita :(”. Masakit yung reply niya na umaga ko nang nabasa kasi after ko isend yun, offline na siya at 1hour lang naman ako naghintay sa reply niya. “Mahal din naman kita.“ Shemay! Hindi na mahal na mahal kita, MAHAL NA LANG. That morning, nakaramdam ako ng sobrang uneasiness. Yung tipong, AY ETO NA YUN. Ito na yung kinakatakot ko. UMAAYAW NA SIYA. Kaya nag decide ako na hindi ko na siya kakausapin. Kaso, mapaglaro si tadhana. Nakareceive ako ng text mula sa kanya. “Wala na si tita emma :(”. SHOOKT ako. Kasi, kaka decide ko palang na hindi ko na siya kakausapin. Nagkaroon naman ng rason para iset aside ko muna yung nararamdaman kong uneasiness.

LEFT HOOK. Since namatay nga yung tita niya. Nakiramay ako. Pumunta ako sa kanila, pero ramdam ko yung (music in: Cold by Maroon 5) COLD ENOUGH TO CHILL MY BONES attitude niya towards me. Inisip ko nalang na pagod siya that time, puyat and everything nice. Nung pauwi na ko, binigyan pa niya ko ng mangga. ❤ Pero nung habang naglalakad kami papunta sa sakayan ng jeep, hindi na niya hinawakan yung kamay ko at ang layo niya sakin, hindi tulad nung nag usap kami last time. Nung tatawid kami, sa braso ko lang siya humawak tapos parang nag-aalangan pa siyang hawakan ako. Nagkwentuhan pa kami non habang nag-aabang ng jeep. Bago ako sumakay ng jeep, humingi siya ng halik, hinalikan ko siya sa pisngi niya. Nag I LOVE YOU ako. Pero wala akong nakuhang sagot.

RIGHT HOOK. (parang nawawalan na ako ng gana ikwento yung kasunod. HAHAHA) After 2days, wala akong chat or text man lang na nareceived mula sa kanya. Tapos kinulit ko siya ng FRIDAY NIGHT, ayaw niya akong makita or whatever nun. Tapos nakita ko nalang yung sarili kong papunta sa kanila. Pagdating ko dun, nandun mga kuya niya. Pinapasok nalang ako sa bahay kasi di naman na ako iba don. Dumeretso na ako sa kwarto niya. Pagpasok ko dun, tulog na siya, pero umiyak ako ng umiyak sa kanya. Niyakap niya lang ako tapos sabi niya, matulog na kami. Kumalma ako at nakatulog kami. Kinaumagahan, kumain kami sa tapsihan ng BRUNCH, late na kasi kami nagising. After non, humiga lang ulit kami sa kwarto nya, nagkwentuhan ng kaunti. Pinapanood ko sa kanya yung mga happy moments namin. Hindi ko makita yung reaction niya, pero ramdam kong hindi siya komportable panoorin yun. Napaiyak nalang ako habang sinasabi ko sa kanya na, “ganito tayo kasaya dati. nakakamiss yung ganito tayo.“ Wala siyang sagot non. Iniba niya lang yung topic. Hanggang sa hinalikan niya ako ulit. *censored. HAHAHA Marupok ako. Wag kayong judgemental. HAHAHA* Nakatulog siya after. Dahil dakilang pakielamera ako, tinignan ko cellphone niya. Iba na wallpaper niya. Iba na password niya. Hindi na rin pwede yung fingerprint ko. (music: nabasag na ceramic plates *para bongga*) Para akong binuhusan ng malamig na tubig nung oras na yun. Hindi ko alam ang iisipin ko nun. Napaiyak nalang ako ng tahimik. At siya, tulog na tulog.

MISSED. Umabot pa ko ng Linggo don. Brief at tshirt na niya suot ko kasi wala akong dalang damit non. Hinayaan niya lang ako mag stay dun eh. Basta nagkainuman pa kami ng Sabado ng gabi. Dumating pa nga yung babaeng biglang lumitaw sa FB niya eh. Mukhang hindi naman niya magugustuhan. Basta okay yung Sabado nun. Yung Linggo, okay rin naman. Binasa ko pa nga ulit yung mga ginawa kong sulat para sa kanya. Sinabihan pa niya ko na wag kong kukunin yung mga yun. Tapos ginawan ko pa ulit siya ng sulat. Sabi ko dun, aayusin ko sarili ko, nasa sana pag okay na ko, handa na siyang balikan ako. After non, pinagtiklop ko pa siya ng mga damit niya, na nakagawian ko na. Kinagabihan, kailangan ko na umuwi. Nag-paalam ako kay Mama (mother niya). Gusto ko yakapin si mama nun, kasi sigurado akong mamimiss ko siya. Kasi parang anak din talaga yung turing niya sakin. Sobrang at home talaga ako sa kanila. So ayun, kumain pa kami sa paborito naming kainan nun, kasama yung bestfriend niya. Okay lahat nun. Okay na okay.

KNOCKOUT PUNCH. Basta after nung Linggo. Hindi na siya nagparamdam ulit. Panay ang stalk ko sa kanya sa FB. Medyo madaming bagong mukha sa FB niya. Nakakabother. Nakakaselos. Nakakawala ng pag-asa. Hanggang sa dumating nga dun sa gabi na nag-makaawa ako sa kanya. Alam nyo naman na siguro yun db? Hindi ko na uulitin pa yun dito. Basta K.O. na. Ayaw na niya.

So, sa hinaba haba ng kwento ko, anong point ko? Bakit mas masakit yung NO THIRD PARTY BREAKUP?

Kasi, nandun yung HOPE.

Yung hope na pwede pang maayos. Pero alam ko naman sa sarili ko na sa unang araw palang na umayaw siya, tapos na ang laban. Hinayaan niya kasi yung sarili niyang lumayo. Sinabi niya sakin na ako ang naglayo sa kanya, but no. He did. Siya yung lumayo. Siya yung nag-papasok ng mga bagong tao sa buhay niya. Siya yung nagkaroon ng bagong perspective sa buhay. At ako? Naiwan ako sa pag-asang baka pwede pa. Na baka sa paglipas ng oras at panahon, ako pa rin ang pipiliin niya. Ako pa rin ang babalikan niya. Ako pa rin ang mamahalin niya.

Mas madali kasi tanggapin na may iba nalang siya eh, kesa araw araw mo tatanungin yung sarili mo kung anong problema. Sa mga nangyari, parang okay naman ang takbo di ba? Pero pag nandun ka sa sitwasyon na yun. Ang hirap. Ang hirap maghintay sa hindi sigurado. Ang hirap maghintay sa taong hindi mo alam kung babalik pa ba.

May nakausap din kasi ako last night. Ex-girlfriend nung cousin ko. (HI LHEN! HAHA). Ang tagal nilang dalawa, 7 years. Nagulat na lang ako nung biglang may bagong girlfriend na yung cousin ko. Nakwento niya sakin na, humingi lang din ng time at space yung cousin ko. Dumating din siya sa point na sinuyo niya yung cousin ko, then after 2 weeks. May girlfriend nang iba yung cousin ko. 8 months siyang single ngayon, nakaya niya. Kinakaya niya. Why? Kasi tinanggap niya na sa sarili niya na hindi sila para sa isa’t isa. Siguro, naging mas madali tanggapin sa kanya kasi alam niyang may iba na. (Lhen, thank you sa pagkausap mo sakin nung time na yun. LODI kita sa pagiging strong!)

Bakit ito ang napili kong entry for today?

Dahil sa nakikita ko, may bago na siya.

At mas madali na para sakin ngayon ang i-let go siya.

Paano ko nalaman na may bago na?

Women’s instinct. Nakita ko kasi 2weeks or 3weeks ago na may ini-tag siya sa isang meme. Isang bagay na hindi niya ginawa sakin. So, she must have been special. I have been stalking her ever since nakita ko yun. And I saw how her profile changes every time na bibisita ako don. From being “someone’s property”, to “single”, to “cactus heart”, and to “from nothing to something” sa BIO niya. STALKER OF THE YEAR. HAHAHA

What did I saw that made me so sure about it?

Nickname na ni girl yung nickname ni BF.

Pero I’m still waiting for the 21st day. One last chance for him. Martyr? I know.

Day 18 of 21. Letting go…

EDIT: Naka-chat ko siya kanina, siya unang nag-chat ha! (defensive. HAHAHA), hindi ko alam kung bakit sa tuwing magdedecide akong i-let go siya, saka siya nagpaparamdam. Anyone who can answer me? 

Day 19. HULI

HULI

Ito na ang huli. 

Ito na ang huling mga letrang bubuin ko para sayo.

Ito na ang huling mga salitang iaalay ko para sayo.

Ito na ang huling mga luhang papatak mula sa mga mata ko dahil sayo.

Ito na ang huli.

Ito na ang huling beses na babalikan ko ang ating mga ala-ala.

Ito na ang huling beses na dadamahin ko ang sakit sa mga araw na nasaktan mo ako.

Ito na ang huling beses na luluha ako sa pag-alala sa mga araw na pinasaya mo ako.

Ngunit ito ang una.

Ito ang unang araw kung saan tatalikuran kita.

Tatalikod sa mga masasakit na pangyayari sa ating dalawa.

Ito ang unang araw kung saan magpapaalam ako sayo ng tuluyan.

Magpapaalam sa mga masasayang pangyayari na mahirap kalimutan.

Ito ang una.

Ito ang unang araw na papalayain kita ng tuluyan.

Ito ang unang hakbang ko palayo sayo.

Ito ang unang araw na ikaw ay bibitawan ko ng tuluyan.

Ito ang unang dapat kong ginawa nung sukuan mo ako.

Tama na.

Tama na ang higit sa isang buwang paghihintay ko sayo.

Tama na ang higit sa isang buwang pag-iisip kung mahal mo pa ako.

Tama na ang higit sa isang buwang pag-kapit ko sa mga salitang binitawan mo.

Mga salitang hindi ko alam kung kakapit pa o bibitaw na ako.

Palayain mo ako.

Palayain mo ako sa mga pangako mong hindi mo kayang tuparin.

Palayain mo ako sa bukas na walang kasiguraduhan.

Palayain mo ako sa mga salitang maski ikaw ay hindi mo maintindihan.

Palayain mo ako sa kahapon na hindi na pwede sa kinabukasan.

Patawarin mo ako.

Patawarin mo ako sa mga araw na hindi kita kayang paligayahin.

Patawarin mo ako kung hindi ako sapat para masabi mong masaya ang buhay.

Patawarin mo ako sa mga araw na hindi kita kayang intindihin.

Patawarin mo ako kung susuko na ako sayo.

Ayoko na.

Ayoko nang maniwala sa mga salitang, “Baka tayo pa rin sa huli”.

Ayoko nang panghawakan pa na, “Baka meron pang bukas para sa atin”.

Ayoko nang hulaan kung sino na ba ang mga taong nagpapangiti sayo ngayon.

Ayoko nang isipin kung saan ka pumupunta upang magpalipas ng gabi.

Nakakapagod na.

Pagod na pagod na ako sa araw araw na hindi mo pagkausap sakin.

Pagod na pagod na ako makita na hindi na ako ang dahilan ng pag gising mo sa umaga.

Pagod na pagod na ako makibalita sa ibang tao kung kamusta ka na ba.

Pagod na pagod na ako isipin kung sino sa kanila ang ipapalit mo sakin.

Pagod na pagod ako sa pagtawag ko sa telepono mong hanggang ngayon nakaBLOCK ako.

Ang sakit na.

Ang sakit na ang daming bagong tao sa buhay mo ngayon, at hindi na ako kasali sa mga plano mo.

Ang sakit na hindi na ako ang binabati mo ng GOOD MORNING at GOOD NIGHT.

Ang sakit na bawat gagawin kong hakbang na PARA SA AKIN, ang magiging dahilan para talikuran mo ako ng tuluyan.

Ang sakit na sa bawat taong makakausap ko, ako ang dahilan kung bakit ka sumuko sa atin.

Ang sakit na hindi nila alam kung ilang luha na ang iniluha ko dahil sayo.

Ang sakit na hindi nila alam ang mga dahilan kung bakit ko nagawa ang mga bagay na ikinasakal mo sakin.

Ang sakit sakit na.

Ang sakit na pati sarili ko kinalaban ko para ipaglaban ang TAYO.

Ang sakit na patuloy kong sinisisi ang sarili ko sa pagwawakas ng ating kwento.

Ang sakit na araw araw kong tinatanong ang sarili ko, “HINDI BA TALAGA AKO WORTH IT IPAGLABAN?”.

Ang sakit na sa bawat araw na lumilipas na hindi kita nakakausap, bumubungad sa akin ang dapat noon ko pa nakita.

Mga senyales na pikit mata kong nilalampasan dahil nabulag ako sa MAHAL KITA.

Salamat.

Salamat sa mga masasayang ala-ala na pinaranas mo sa akin.

Salamat sa pagmamahal na pinaramdam mo sa akin.

Salamat sa pagpaparamdam sakin na pwede pa akong mahalin ng totoo.

Salamat sa chance na maging parte ng buhay mo.

Salamat dahil mas nakilala ko ang sarili ko dahil sayo.

Pero ito na ang huli.

Ito na ang huling beses na magsusulat ako para sayo.

Ito na ang huling beses na luluha ako dahil sayo.

Ito na ang huling beses na sasabihin kong MAHAL NA MAHAL KITA.

Paalam.

(for other messages/poems/letters written for him parakaybf.tumblr.com)

EDIT: July 5, 2018 – I deleted the blog “parakaybf” hahahahaha

Day 20. After Gooodbye

Nag-paalam na ako sa kanya kahapon. Isinend ko sa kanya yung HULI. Sumagot pa siya ng,“Bakit? Kala ko kahit magkaibigan ok”, Sinabi ko sa kanya na, “Oo, pwede magkaibigan. Pero hindi pa ngayon, mahal pa kasi kita B at umaasa pa rin ako sayo. Umaasa ako sa nickname natin dito. And I can’t go on. I can’t”. Tapos dakilang seen lord na ulit siya. HAHAHA

Anyway, I tried to decode yung BAKIT niya. Pero tinigilan ko rin kasi, bahala na siya. Ayoko na talaga isipin yun. Pero, after goodbye, ano ba talaga ang naramdaman ko?

Gumaan. Gumaan yung pakiramdam ko. Kasi, naipabasa ko sa kanya yung HULI. Kasi, yun talaga yung nilalaman ng puso at isip ko, na kung hindi makarating sa kanya, patuloy akong aasa. Nag-paalam ako sa kanya sa dawalang dahilan.

  1. Ang palayain siya; at
  2. Ang palayain ang sarili ko.

Palayain siya, kasi alam ko mabigat pa rin sa kanya ang nangyari samin. Alam ko na kasi yung nararamdaman niya. Alam ko nang, mas nasaktan siya sa aming dalawa. Paano ko nasabi? Kasi, one point in my life, may iniwan din ako dahil napagod ako. Binalikan ko yung ala-ala nung may iniwan akong isang tao. Ala-ala nung sinukan ko yung isang tao. Pilit kong inintindi kung ano ang nararamdaman ni BF ngayon. At naintindihan ko na. Sa aming dalawa, siya yung mas nasaktan, kasi dala niya sa puso niya yung guilt na may sinaktan siyang tao. Dumating ako sa point na naglalasing din ako, dumating ako sa point na kung sino sino ang nakafling ko. Ang bigat kasi ng desisyon na yun, yung iwan mo ang isang tao kahit na mahal na mahal mo ito.

Nasaktan ako, pero mas nasaktan si BF, kasi siya yung nagdala nung bigat naming dalawa, yung bigat ng relasyon namin. Mas nasaktan siya dahil, nawala rin yung sarili niya nung mahalin niya ako. Naiintindihan ko na kung bakit mas pinili niya ang sarili niya, dahil kung pipiliin pa rin niya ako, mas lalong mawawala yung BF na minahal ko, mawawala na yung sarili niya. Masasabi kong, hindi talaga ako deserving para kay BF, kasi sinaktan ko siya. Naiintindihan ko na siya dahil minsan ko na rin naranasan ang sitwasyon niya. Ginawa ko rin itulak yung taong mahal ko noon, para sagipin yung sarili ko. Naiintindihan ko na siya. Naiintindihan ko na siya kung bakit kailangan piliin ang sarili muna. At sana mapatawad niya ako dahil nasaktan ko siya. Kaya ako nagpaalam para palayain siya. Para alisin yung guilt sa puso niya.

Palayain ang sarili ko. Pinapalaya ko na yung sarili ko dahil, pagod na pagod na ako. Pagod na akong ipaglaban siya. Pagod na akong maghintay. Basta, pagod na ako. Gusto ko na rin isipin yung sarili ko. Gusto ko na rin magpahinga. Gusto ko ipahinga yung puso ko, yung isip ko, at yung buong pagkatao ko. Tulad niya, gusto kong lumaya. Gusto kong lumaya sa pag-asang meron pang kami. Kailangan kong tanggapin na hindi na kami, na WALA NA KAMI. Hindi ako nagpaalam para mawala sa buhay niya, nagpaalam lang ako para palayain pansamantala yung sarili ko.

Sa ika-dalawampu’t isang araw ko pa dapat ipopost yung HULI. Pero nakaramdam kasi ako ng guilt.

  1. Guilt para sa kanya; at
  2. Guilt para sa sarili ko.

Guilt para sa kanya. Nakakaguilty kasi sabihin na patuloy pa rin akong naghihintay sa kanya, kahit alam ko sa sarili kong pagod na akong maghintay. Guilt dahil, nung isang araw ko pa naisulat yung HULI, meaning, nung isang araw pa ko sumuko talaga. Guilt dahil, hindi ko na siya kayang hintayin pa.

Guilt para sa sarili ko. Nakakaguilty para sa sarili ko na sinasabi kong kaya ko pa siyang hintayin, pero alam ko naman sa sarili kong sumuko na ko. Nakakaguilty dahil sinasabi kong lumalaban pa ko, pero ang totoo ay ayoko na. Sarili ko nalang yung kinakalaban ko eh.

May nakausap ako kahapon…

Tanong: Kung naging patient ka ba, I mean, kung hindi mo siya kinulit, sa tingin mo babalik pa siya?

Sagot: Sumagot ako ng walang kagatol gatol na OO. Oo, inamin ko na sa sarili ko na kasalanan ko kung bakit kami natapos. Kung bakit natapos ang kwento namin. Kasi kasalanan ko. Kasalanan ko dahil wala akong tiwala sa kanya. Kaya talagang masasabi kong hindi ako worth it para sa kanya, kasi wala akong tiwala sa kanya. Hindi ako nagtiwala na babalik siya. Hindi ko nirespeto yung paghingi niya ng time and space. Maling mali ako. Kasalanan ko lahat kung bakit kami humantong sa ganito.

Tanong: Bakit mo ba ginawa yung mga ginawa mo? Ang tanga mo sa part na yun. (Mejo blunt yung kausap ko. Sanay na ko sa kanya. HAHAHA)

Sagot: Mahal ko kasi. Mahal na mahal. Masaya kasi ako sa kanya. At, siya talaga yung nakikita kong makakasama ko habang buhay.

Tanong: Paano mo nasabi na siya na nga?

Sagot: Hindi ko alam. Pero ganun naman yun db? Ramdam mo nalang.

Tanong: Kung babalikan ka niya, tatanggapin mo pa ba?

Sagot: Dito, hindi ako nakasagot. Kasi alam ko sa sarili ko na hindi. Kung ngayon siya babalik, hindi ko siya matatanggap. Pero kung sa malayong future, hindi ko sigurado. Kaya nai-post ko na yung HULI kahapon dahil realization hit me. Pagod na ako.

Dito, masasabi kong, hindi talaga sapat na mahal mo ang isang tao. Kailangan ng respeto, tiwala at pagmamahal. Oo, aminado akong nagsisisi ako sa mga ginawa ko, kung nirespeto ko nalang sana yung time at space na hiningi niya, edi sana okay na siguro kami ngayon db? At kung nagtiwala lang sana ako sa kanya na babalik siya, masaya na siguro ulit kami ngayon. Pero nangyari na eh, wala na akong magagawa kundi tanggapin ang lahat, tanggapin na tapos na talaga kami. Aminado rin akong, mahal na mahal ko pa rin siya. Hindi naman agad mawawala yun, pero yung thought na magkabalikan kami ngayon? Takot na ako. Natatakot ako dahil baka mas lalo lang kaming masaktan. Mas maigi na siguro na tuldukan na talaga namin kung anong meron kami. Oras at panahon na lang ang makakapagsabi para samin.

Magpapasalamat nalang din ako sa mga nangyari, kasi ang dami kong natutunan. At mas nakilala ko ang sarili ko. Kung papipiliin ako kung libro o laro? Libro ang pipiliin ko. Nalaman ko rin ang mga gusto ko. Yung mga gusto kong gawin talaga. Tulad nitong pagsusulat. Gusto ko pala talaga to. Gusto kong ineexpress yung sarili ko sa pagsusulat. Yung mga naiimagine ko sa utak ko, gusto kong isulat. Marami na rin naman talaga akong naisulat noon pa man, hindi ko lang pinapabasa o pinapakita sa iba kasi nahihiya ako nab aka pagtawanan nila ako sa kacornyhan ko. Pero ngayon, hindi na ako natatakot eh. Gusto ko na talaga mag sulat. Medyo shy type lang ng bahagya kasi I still want to remain anonymous in this blog. Gawa nalang siguro ako ng ibang blog para sa mga isusulat ko sa mga susunod na araw matapos ang 21days chenelin na ito. HAHAHA

Pero masaya ako para sa sarili ko. Masaya ako sa desisyon kong mag-paalam sa kanya kahapon. Kasi napalaya ko yung sarili ko. Kaya ko naman pala, sarili ko lang din talaga ang pumipigil sakin. Proud ako para sa sarili ko, kasi nakakangiti na ulit ako ng abot sa mata. Pinagmasdan ko nga ang sarili ko sa salamin kanina, ang ganda ko pala! HAHAHAHAHA

Yung Day 18 ko, wala pa rin confirmation kung totoo yung instinct ko o hindi. Pero kung anu’t anuman. Magiging masaya ako para sa kanya. At magiging masaya nalang din ako para sa sarili ko, kasi kaya ko pala. Kayang kaya ko. 

Day 20 of 21. Acceptance Stage.

Day 21. The End

Wow. April 2. Day 21. Last day. So how did I spend the 21st day?

Maaga akong bumangon upang pakainin ng agahan yung aso ko. Hindi ko nakita yung oras pero alam kong maaga pa dahil madilim pa ang paligid. Muli akong humiga sa kama ko, at syempre nag facebook. The usual, nag scroll lang ako sa newsfeed ko. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako ulit, at 7am na ako nagising ulit. Bumungad sakin yung mga TAE ng aso ko. (pasintabi sa kumakain. Hahaha) So, ayun nga. Isa na yun sa routine ko ngayon sa araw araw simula nung magka-aso ako. Pero ako yung tipo ng tao na hindi mo mapapahawak ng walis eh. HAHAHA After non, naghugas ako ng kamay at paa (syempre, kakain ako ng breakfast eh hahaha).

Breakfast. Kinuha ko yung regalo sakin na cake sa kapitbahay. Nakitago ako sa kapitbahay kasi wala kaming ref eh. HAHAHA Nagtimpla ako ng coffee. Black coffee. Gusto ko kasi plain black coffee tapos yung medyo matapang, yung kaya kang ipaglaban. Napaiyak ako kasi, mag-isa ako sa bahay. Ewan ko, nalungkot ako bigla eh. Para bang walang espesyal sa araw na to. Pero life must go on. I must go on. Ninamnam ko ang pagkain ko ng cake, sobrang tamis, pero masarap. Saktong sakto yung tamis ng cake sa kape ko. Ang sarap. Feeling ko, nalift naman yung nararamdaman kong lungkot dahil sa sugar content nung cake. Ang tagal ko kumain, di ko namalayan na 8:15am na pala. Dali dali akong naligo kasi may appointment ako ng 9am.

Ngayong araw na to, handa ang isusuot ko. I mean, pinag isipan ko talaga ang isusuot ko sa araw na ito. Simpleng blouse, shorts at sandals. Nag pulbos lang ako at lip gloss, pak na pak na ako. HAHAHA Anyway, 9am on my way na ko sa appointment ko. Kinakabahan ako sa appointment ko. Hindi ko kasi alam ang kalalabasan, pero sigurado na talaga ako eh. Dumating ako past 9 sa appointment ko. So, ano ba yung appointment ko? Tattoo Session. Yes. Tattoo Session. Ulit pa? Tattoo Session. HAHAHA Anong pumasok sa isip ko at magpapatattoo ako? Ewan ko, pero namiss ko lang kasi yung pain pag nagpapatattoo. Ano naman ipapatattoo ko? Name ni EX na may malaking EKIS. Kasi ekis na siya talaga sa buhay ko. CHAROT! HAHAHA Padlock na puso. Meaning, nakapadlock na yung puso ko.

Bakit ang daming HAHAHA dito sa entry ko? Ewan ko. Masaya kasi ako eh. Hindi ako katulad nung dati na kahit ngiti hindi ko magawa. Siguro dahil nailetgo ko na siya, hindi pa naman totally, pero papunta na dun. Pero special tong araw na to para sakin eh. Ito kasi talaga yung araw na deadline ko para sa kanya, kung hinayaan ko siya sa time and space na hiningi niya. Ito yung araw na, fight or flight ako sa kanya. Isang bagay lang yung gagawin niya, pero napakalaki ng magiging impact kung let go or hold on pa. Ano bang meron sa araw na ito? 25th birthday ko. Yes! Birthday ko today. Nakakatuwa na ang dami pa rin bumati sakin thru text at chat sa messenger, kahit hindi naka-show sa FB yung birthday ko. Ang sarap sa feeling na, may nakakaalala pa rin sa akin. So ano yung dapat niyang gawin sana? Babatiin niya ko ng “Happy Birthday”. And guess what? As of now, 8:34PMWala.Walang happy birthday mula sa kanya. Yun palang alam ko nang let go na eh. HAHAHA Actually, alam ko din birthday ko niya ako babalikan talaga kung hinayaan ko siya non. Pero paano niya ko babalikan kung hindi niya maalala yung birthday ko db? Akala ko, pwedeng exception yung araw na to para magkapatawaran kami. Pero no, hindi pa rin niya ako napapatawad eh. Hindi na siya ganun kacold sakin, pero ramdam kong hindi na niya ako mahal. Ramdam kong wala na akong importansya sa kanya. Pero kanina nagulat ako na nag-chat siya, yun pala itatanong ang birthday nung pamangkin niya sakin. Hindi ko alam kung matatawa o maaasar ako nun. HAHAHA kasi db? Hello. Birthday na yung pinag uusapan namin. HAHAHA pero anyway, hindi ko naman na talaga ineexpect na babatiin pa niya ko ngayong araw na to, kasi alam ko naman na wala na ako sa listahan ng mga taong kailangan niya makasalamuha sa araw araw. Hindi na ako importante. Pero okay lang, tanggap ko na eh. Tanggap ko nang tapos na ang kwento namin, The End na. (EDIT: He greeted me at 11:10PM. I guess, we really can still be friends in the near future. 😊) Pero nakakalungkot lang na, nung huli kaming mag usap, sinabi ko sa kanya na “Sana, maging masaya ka na.”, sagot niya, “Sana nga”. Parang hindi man lang siya talaga naging masaya sa isang taon namin. Nakakalungkot na I feel blessed when I met him, and he felt damn when he met me. HAHAHA Anyway….

At eto na nga ako sa ika-dalawampu’t isang araw, and I can say na, hindi totoo na 21 dayswala na yung love mo sa isang tao or yung pain na dulot ng breakup. More on, sapat na yung 21days para masanay ka sa magiging buhay mo na hindi na siya kasama. Sa 21 days na yun, madami akong natutunan. Madaming bagay ang nagpamulat sakin na, hindi sapat na mahal mo lang ang isang tao. Sa 21 days na yun, unti unti kong tinanggap na hindi na ako ang priority niya, hindi na ako importante sa kanya. Sa 21 days na yun, natuto ako mag-adjust sa magiging bagong buhay ko. At sa 21 days na yun, mas nakilala ko ang mga tao sa paligid ko. Sino ang malalapitan mo at hindi sa oras ng pangangailangan at kung sino ang nandiyan lang pag sila ang may kailangan sayo.

Ngayong ika-25th na kaarawan ko, regalo ko sa sarili ko yung pagmamahal. Pagmamahal para sa sarili ko. Masaya ako dahil ang dami kong natutunan. Masaya ako kasi nakaya ko. Kaya ko palang mag-isa. Kaya ko pala. Matapang pala ako. Malakas pala ako. Kayang kaya ko pala ang buhay. Sa dami ng hardships na pinagdaanan ko, ngayon pa ba ako susuko? No. Ang daming dahilan para mabuhay. At masaya ang buhay kung matututo tayong makuntento.

Sa sinabi kong ipapadlock ko ang puso ko, hindi naman sa hindi na ako magmamahal. Patuloy pa rin akong magmamahal, pero ililimit ko na yung sarili ko. Magpapahinga lang muna ang puso kong napagod. Moira pasok! HAHAHA sinasabi ko sa mga kaibigan ko na ayaw ko na muna makipag relasyon, totoo yun. Mag-fofocus na muna ako sa sarili ko, sa mga goals ko. Gagawin ko muna yung mga gusto ko nang gawin noon pa. Mas kikilalanin ko na muna ang sarili ko. Para pag dumating na yung THE ONE, handang handa na ako. Hindi ko alam ang plano ni Lord para sakin, pero I trust HIM. Alam kong sobrang ganda ng inihanda niyang buhay para sakin.

Love unconditionally without losing yourself.

Never expect, just dream.

Always be kind to others.

Be patient, be understanding.

And more importantly, always pray. 

Salamat sa pagbabasa ng blog kong ito.

Sana nalibang kayo, sana may natutunan kayo. HAHAHA

handydiary now signing off.

Day ?? Whatever

HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

Day 18 is confirmed. Totoo yung inilahad ko sa Day 18 sa last part.

At sobrang saya sa feeling. Alam mo yun? Yung feeling na, matagal kong kinimkim kasi hindi ako sigurado, pero malakas yung pakiramdam ko. Ayun. Confirmed.

Mas napadali ang paglet-go ko sa kanya.

Masaya ako, kasi tama ako eh. Ewan ko, basta sobrang saya ko.

Pakiramdam ko, nanalo ako sa LOTTO. I hit the jackpot baby! HAHAHAHA

Wag maliitin ang WOMEN’S INSTINCT, because it never fails. SWEAR! HAHAHA

Sa sobrang saya ko, nailibre ko yung mga ka-opisina ko sa McDo! HAHAHAHA At habang nagku-kwento ako kung bakit ako masaya, kita ko sa mga mukha nila na masaya rin sila para sa akin.

At yung feeling na, alam nyo yun? Kasi tama ako sa hinala ko sa kanya. Tama lahat nung pakiramdam ko. Ang saya lang sa feeling. Kasi, sa loob ng isang taon, naging ganun kalalim yung pagkaka-kilala ko sa kanya.

Mahal ko pa rin siya, hindi naman mawawala yun.

Gising na ako. Gising na ako sa katotohanan na hanggang dun na lang talaga kami. 🙂

Hindi na ako BULAG sa MAHAL KITA.

Day ?? of 21. HAPPINESS OVERLOAD

PS. BF, I just wish you all the happiness in the world. I just hope that you will find contentment with her. I just hope na hindi ka niya sasaktan. I am just wishing you good life. See you when I see you. 🙂

Day ?? Hala

Hindi pa pala ako handang makita siya.

Hindi pa. At masakit. Masakit makita ng harapan na hindi na niya talaga ako mahal.

End

Day ?? Wine

May wine palang mas matapang pa sa black label.

Blueberry Wine from Baguio. Iba aba!

Paano naging iba? I drunk chatted him. HAHAHAHAHA

Hindi pa pala tapos ang damdamin ko para sa kanya. Hindi pa. Shemay. Gusto ko nang matapos, kasi sobrang sakit. Habang siya, sayang saya sa buhay, ako hirap na hirap makausad. Unfair. Dahil sa tuwing uusad ako palayo sa kanya, saka magpaparamdam. Damn. Hindi ko alam kung ayaw niya talaga ako mawala o talagang pampam lang siya. Dun nalang tayo sa pampam siya.

Bakit ganito nanaman ako? Napanaginipan ko lang naman na ikakasal na siya sa iba. At sa panaginip na yun, sobrang saya niya. Sobrang saya niya sa altar kasama ang bagong mahal niya. Hindi ko nakita yung babae, kasi nakatalikod lang siya. At si BF? Panay ang lingon sa bago niyang mahal. Titig na titig sa kanyang bride. Yung titig na ginagawa ko sa kanya. Ganun. Kaya windang ako. Im sorry everyone. Pero kung anong saya ko nung isang araw, siyang bawi ng kalungkutan sakin kanina.

Kanina? Oo. Kanina ako nag drunk chat sa kanya. At kakagising ko lang mula sa pagkakalasing ko sa Blueberry Wine! Deym.

Pangako ko sa sarili ko ngayon, hindi ko na talaga siya papansinin. Ignore. Ignore. Ignore. Tulad ng pag ignore niya sakin noon pa man.

Pero shemay talaga yung wine. HAHAHA

Don’t judge the drink by its bottle packaging.

Day ?? of whatever. Failed

Infinity Dress

Usong uso sa mga bridesmaid ngayon yung infinity dress. Sulit nga naman kasi, isang damit madaming style. Parang instant 7 dresses baga.

Infinity Dress. May online shop na nag o-offer ng infinity dress. Nalaman ko yung sa friend/officemate ko. Gagamitin niya kasi sa kasal ng kapatid niya. Nagamit na nga niya nung December. HAHAHA

So, ngayon, isa sa mga kaibigan ko ang ikakasal sa buwan ng Mayo. Bilang isa sa magiging bridesmaid, naisuggest ko yung infinity dress. Sumangayon naman sila. Paano ko sinuggest? Sa ganitong paraan…

Utang na loob, yung infinity dress ang isuot natin, kahit anong kulay. Makapagsuot man lang ako ng infinity dress na yun kahit hindi na puti.

Simple. Pumayag sila. January ko pa binabanggit sa kanila yung infinity dress na yun, bukod sa murang halaga na P850.00, yun sana yung isusuot ko sa Civil Wedding ko.

CIVIL WEDDING?!

Hahaha. Oo, civil wedding. Napagusapan kasi namin yun ni EX. Sa June 13, 2018, magpapakasal kami. Kasabay ng Fiesta sa kanilang bayan, para tipid sa handa. Dapat nga, February 14, 2018, kaso masyadong mabilis. Sinabi ko din yun sa ilang kaibigan at ka-opisina ko. Kaya nga nung maghiwalay kami, akala nila joke lang. Nakakatawa nalang isipin na drawing lang pala yun. Hahaha Ayoko naman kasi talaga ng bonggang kasal. Gusto ko simple lang. Yung maging legal na asawa lang niya, sapat na sakin. Saka, sa sobrang hirap ng buhay ngayon, aanhin ko pa yung bonggang kasal di ba? Katwiran ko rin naman kasi, pwede kaming ikasal ng paulit-ulit kung gugustuhin namin, basta sa isa’t isa kami ikakasal. DI BA? Hahaha

So, infinity dress. Maisusuot ko rin siya. Hindi na nga lang puti.

Unfriended

Ini-unfriend ko na si EX kagabi.

Isang oras ko rin pinag-isipan kung gagawin ko ba yun o hindi.

Sa isang oras na yun, naisip ko, na kung gusto niya talaga ako maging kaibigan, siya ang mag first move. T*ngina naman kasi sa pakiramdam pag nakikita ko siyang online eh, tapos hindi ako ang ka-chat niya. De p*ta. Sobra. Nakakagigil na hindi ko maintindihan. Sa totoo lang, nakakayanan ko naman na hindi na ako ang kachat niya. Ang nakakagago kasi, pag may kailangan siya, ang BAIT BAIT niya sakin, pero pag ako ang mauunang kakausap sa kanya, daig pa ang yelo sa pagiging COLD! Talo ang nag-ngingitngit na init ng panahon! SWEAR!

Hindi lingid sa kaalaman nyo na madami akong FB Account. And yes, friend ko pa rin siya sa isa sa mga FB Accounts ko.

May bago siyang post, “Nasa punto ako ng buhay ko na kung ayaw nyo sakin, ayaw ko din sa inyo  😂 🖕😂”.

Natawa ako ng mabasa ko yung post niya. Una, kung ako ang pinapatungkulan niya, HAHAHAHAHAHAHAHA affected siya sa pag unfriend ko sa kanya. Pangalawa, HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA sh*t siya kasi siya ang UNANG UMAYAW sakin, bakit ko ipipilit ang sarili ko sa taong ayaw sakin? DB? Parang ako pa nga dapat ang mag-post nung status na yun. HAHAHA

Gusto ko siyang tulungan e, gustong gusto ko. Pero anong magagawa ko sa taong ayaw magpatulong? WALA. At sabi niya sakin, “Hayaan mo lang ako kaya ko”. Hala sige. Kaya nya e. Pa-strong image nanaman siya sa iba. Pero pag tinatanong ko kung masaya ba siya isasagot niya sakin, “Sana nga masaya ako.”

Sa totoo lang, natatakot akong iunfriend siya. Why? Kasi siya yung tipo ng tao na hindi mag first move kung ayaw niya talaga. Yung takot na yun yung pinanghawakan ko para iunfriend siya. Kung gusto pa rin niya talaga ako maging parte ng buhay niya, siya na ang gagawa ng paraan. DB? Ayoko sanang iparamdam sa kanya yung REJECTION eh, pero mukhang kailangan na.

Hindi sa nag-iinarte ako, pero hindi talaga pwedeng maging magkaibigan ang mag-EX. Siya naman kasi yung maarte talaga. Sinuyo ko na, nag makaawa na ko, pero wala eh. Siya yung umayaw sakin. Napaka-arte niya. Hindi na ako pwedeng laging nakaabang lang sa isang tabi sa tuwing kakailanganin niya ng kausap. Gusto ko pa sanang gawin yun, ang maging isang tunay na kaibigan kapag may problema siya. Pero sarili ko yung unti unting nawawala e.

Nakakatawa. Nadagdagan nanaman yung entry ko dito. Sana ito na yung huli.

WALA NA. FINISH NA.

July 1, 2018 – Nakita ko yung bestfriend ni ex sa mall. Binati naman niya ko. Nag-apir pa kami. Tapos naglayo kami ng landas, sinundan ko ng tingin kung saan siya papunta at natanaw ko yung pigura ni ex. Pagkakita ko non, nagka stiff neck ako. Hindi na ko lumingon sa direksyon nila at nagderetso uwi nalang ako. Hindi ko pa kasi kayang makita kung sinong kasama niya.

July 3, 2018 – Nakarating sa akin ang balitang may bago na siyang girlfriend. Nung araw din na yun, nakumpirma ko kung sino yung bago niyang girlfriend. THE SAME GIRL na nakasulat sa Day 18 nitong blog ko. Masaya ako nung malaman ko yun, kasi inaasahan ko na yun, ang saya lang din na tama nanaman yung INSTINCT ko.

July 4, 2018 – Nagsimula akong i-stalk silang dalawa. Since hindi ko friend si BF, pina stalk ko siya sa friends ko na friend pa niya sa Facebook. Sabi nung friends ko, nothing unusual naman. Hanggang “My Day” palang yung pagpost niya ng pictures nila nung bago niyang GF. Pero hindi pa rin talaga ako mapakali, sabi ko sendan nila akong screenshots. Habang naghihintay ako ng screenshots, nag stalk ako kay girl. Maraming UNUSUAL shared posts sa timeline niya. May hindi tama. Iba talaga ang kutob ko. Then, I received the screenshot. Latest shared post ni BF is something about “father & daughter duet”. Si girl, may shared posts about being a teenage mom and yung red horse bottles with caption na “imisu na kaso bawal na”

Then it hit me. Hindi ako pwedeng magkamali sa kutob ko. Buntis si girl. And I kept looking for confirmations.

July 6, 2018 – I deleted everything in my laptop. Yung pictures and videos namin. Yung mga unpublished blog entry. Deleted. Moving on.

July 7, 2018 – The confirmation came. BF changed his profile picture. At dun sa comments section, “nakabuntis na yan”. There.

WALA NA. FINISH NA. 🙂

Pero now, masaya na ako para sa kanila. Wala naman akong ibang choice. SA una, oo, masakit. Hindi mawawala yung fact na affected ako. EX ako eh. HAHAHA saka mag 5months palang kaming hiwalay, tapos 2months – 3months preggy na si girl, so valid pa rin naman siguro yung pagiging affected ko. Naramdaman ko nalang din yung victory after kasi, buti nalang hindi ako yung nabuntis. kung hindi, baka ako yung sumasakit ang ulo kung paano namin bubuhayin yun. we are not financially ready kung sakali. And, mas tumaas yung chance ko to find someone that is so much better than him. Nagpapasalamat nalang talaga ako kay Lord sa mga nangyari, dahil blessing in disguise ang lahat.

I will be deleting this blog soon.

MD and BF is now finally over. ♥

The Truth

September 5, 2018 2:40AM

Hindi ko alam kung paano sisimulan to. Pero naalala nanaman kita. Bukod sa nilalagnat kasi ako, gustong gusto na talaga kitang kausapin. CLOSURE. I want closure. Akala ko nung isang linggo, okay na ko, na nabitawan na kita, pero hindi pala.

Ginawa ko ang isang bagay na dapat hindi ko na ginagawa. Yun ay ang i-stalk KAYO. Oo, kayo. Simulan natin.

Inuna kita i-stalk, pero wala naman akong makita sa fb mo. Yun at yun lang dahil hindi naman tayo friends.

After non, sinunod ko si K. Nakarating ako hanggang March 26, 2018. Ang layo na db? May nabasa ko sa comments, “Alagang BJ eh”. It shookt me. Grabe. Grabe. Grabe. It confirms all. Lahat ng hinala ko, lahat ng pagsisinungaling mo, lahat ng panloloko mo sakin na hanggang dulo pinanindigan mo.

The week after na “pagmamakaawa” moment ko sayo, pumunta kayo ng bestfriend mo sa Taytay Falls kasama sila. Malakas ang pakiramdam kong si K ang angkas mo sa motor papunta at pauwi. Kung irerecall ko, siguro mga March 18 yun? Yun yung araw na nag-Single ka sa facebook kasabay nung pagpost mo ng “alone chenelin saka mo malalaman ang tunay na gusto mo”. Dun ko rin nakita na nitag mo siya sa isang MEME. Kinausap kita non,pero ang sabi mo. “Sana nga may iba”. Isang kasinungalingan. Isang kasinungalingan nanaman.

April 2, 2018, yung ika 21st day nitong blog ko. Birthday ko. Kaya pala huli mo na talaga akong binati non dahil busy ka sa kanya.

April 6, 2018, nanghiram ako ng cooler sa inyo kasi may swimming kami malapit sa inyo. Dito niconfront kita tungkol sa kanya. Pero anong sinabi mo sakin? “Ang bata bata non M, papatulan ko yon?” Basta ang alam ko, pagkatapos non hindi mo na ulit kinausap si K, o itinago mo nalang? hmm.

A week or two after non, namatayan ka ng kaibigan. Lungkot lungkot mo non. Nanghiram ka pang load kasi sabi mo badly needed mo dahil luluwas kayo ng kuya mo para makiramay. Sobrang lungkot mo na sabi mo pa,parang gusto mo na mamatay. Sinabi ko sayo non, “Hindi kita pinakawalan para sumuko”. Pero, pinahiram pa rin kita, kahit na alam kong gagamitin mo yun para makausap mo si K. Sadnu? Ginamit mo ko.

April 27, 2018, ito yung galit na galit ako sayo. Pinagmumura kita sa chat. Siguro dala na rin ng epekto ng alak at ng mga pag aadd mo sa mga babae mo nung tayo pa. Si K.M. at yung isa ex mo na si A.J. Sadnon. Kasi nabadtrip kang tunay sakin non. Pero grabe! Kasi sa mga panahon na to binubuntis mo na si K. At kung tama ang bilang ko, buntis na siya sa panahon na to.

April 30, 2018, nagpaalam na ko sayo ng tuluyan. Ito yung huling beses na nag usap tayo. As in, huling beses. Nagpasalamatan pa tayo sa isa’t isa. Pinakamasakit non, sinabihan mo kong “MAHAL NA MAHAL KITA”. Wala kang kwenta. Dahil maski sa huling paguusap natin, niloko mo ko, pinaasa mo ko, ginago mo ko. To think na mas nauna ka pang lumandi sa bestfriend mo! Tapos todo tanggi ka. O pinakiusapan mo lang din yung kaibigan mo na itago ang relasyon nyo ni K?

BJ. Hindi ko alam kung anong ginawa kong masama sayo para lokohin at gaguhin mo ko hanggang sa huli. Hindi ko tuloy maiwasan isipin na, MINAHAL MO KO NOON DAHIL KAILANGAN MO LANG AKO. Sakit mo sa bangs, kahit wala akong bangs.

Hindi ko ba deserve ang katotohanan BJ? Hindi ko ba deserve na kahit konting paliwanag man lang ng katotohanan sa mga kalokohan mo sakin ay sabihin mo sakin? Hindi ko ba deserve yon ha? Hindi ko deserve?

Bakit ako pa B? Bakit ako pa?

Forgiveness

September 6, 2018 – 11:08PM (Originally posted on my twitter account)

Forgiveness

for•give•ness -ˈgiv-nəs\

noun

: the act of forgiving someone or something

: the attitude of someone who is willing to forgive other people

Sa tagalog, kapatawaran.

Sa totoo lang, napakahirap magpatawad, lalo na kung sukdulan yung sakit na naramdaman mo sa kasalanan sayo ng isang tao. Yung kasalanan na pumulbos sa puso mo. Yung kasalanan na unti-unting pumatay sayo.

Mas mahirap magpatawad kung hindi naman humihingi ng kapatawaran yung may kasalanan sayo.

Mas mahirap magpatawad kung sa bawat araw na lumilipas mas nadadagdagan yung kasalanan niya sayo.

Sobrang hirap non.

Me, personally, sobra akong nahirapan magpatawad. Ang hirap kaya patawarin ng taong hindi mo alam kung aware na nasasaktan ka niya. Ang hirap patawarin nung taong sobrang nagdulot ng sakit sayo tapos parang wala lang sa kanya yung mga nangyare.

Buwan. Ilang buwan ko rin ini-iinstill sa sarili ko na patawarin ko na yung tao. Pero sobrang hirap. Sobrang hirap na nakikita mo kasi siyang masaya tapos ikaw unti unti pa niyang dinudurog. But the thing is, hindi naman kasi siya aware na nasasaktan ka niya.

Sa ika-apat na buwan, dito ko lang napagtanto na sarili ko pala yung hindi ko mapatawad. Sarili ko pala yung hindi makatanggap na tapos na yun, na ako nalang yung nananakit sa sarili ko. Sarili ko ang hindi ko mapatawad.

Sa ika-apat na buwan, naintindihan ko ang lahat ng sakit, ang lahat ng nangyari ay para sa ikakabuti ng lahat.

Sa ika-apat na buwan, humingi ako ng kapatawaran sa Kanya. At walang sabi sabi, pinatawad Niya ako.

Dito nagsimula na rin na patawarin ko ang sarili ko. Unti unti natanggap ko na may dahilan ang bawat pangyayari. Masakit man o masaya, may dahilan ang lahat. It is all for the good purpose. Dito nagsimula akong magdasal.

Prayers. Prayers ang naging panlaban ko. Noong una, ganito ang dasal ko, “sana po mapatawad ko na siya”. Hanggang sa naging, “Lord, tulungan mo po akong patawarin siya tulad ng pagpapatawad po Ninyo sa akin.” Kakaiba. Kakaiba ito sa pakiramdam.

Prayers. Kasama ito lagi sa prayers ko. At kanina, ito na ang panalangin ko, “Salamat po sa pag extend ng grace of forgiveness. Salamat po.” Kakaiba. Kakaiba talaga sa pakiramdam.

Iba talaga pag hinayaan mong si Lord ang kumilos sa buhay mo. He will do wonders you cannot imagine.

The person who hurt me admitted that he is aware that he hurt me badly. And he is really sorry for it.

Hindi ko maramdaman yung victory sa mga nangyare noon.

But I can now say, I have won this battle, because the Lord fought for me.

The Lord is with me and He never failed me.

Laging panalo ang nagpapatawad. 😊

September 8, 2018, I posted the poem Higit pa Sayo here on BW 🙂

and on September 25, 2018 I posted the To the Girl Who Replaced Me.

 

It was a rough journey for me. Pero ang mahalaga sa lahat, okay na ako ngayon. At hindi ko yun nagawa ng mag-isa, may kasama ako sa pagharap sa pagsubok na ‘to ng aking buhay, at yon ay si JESUS. Hindi kaya ng tao mag-heal sa sarili niya lang. This was the turning point of my life. Dito ko lubos na nakilala si JESUS. HE SAVES. He cares for me. He loves me. His’ words guided me through this journey. Mahirap, masarap, masaya at may lungkot, pero lahat kasi yon ay nakaayon sa Kanyang plano. Lahat ay humubog sakin to be a better person. Surrender was the bravest act na itinuro sa akin ng Lord. Forgiveness is the most precious thing na ibinigay sa akin ng Lord, and is the same precious thing that set me free. He really can break every chain. He pulled me out of the darkness I was living in.

PS. Cover picture nito ay yung 6 HAPPY PILLS na ibinigay ko sa kanya nung 6th monthsary namin. Still posted on my IG account. hahaha ang cute kasi eh!  HAHAHA

Thank you for reading this. God bless you. 🙂