Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Matagal din akong hindi sumulat
Mula nang landas nati’y mag sanga
Hangang sa mga mata ko’y namulat
Sa katotohanang wala kana
Hindi ko naman iyon kinagulat
Dahil sa umpisa’y alam ko na
Na ang puso mo na may sugat
Ay nahilom na ng iba.

Ito’y malugod na pagbati
Sa maligayang kaarawan
Hindi na ako nag baka sakali
Baka lang mapagtawanan
Ngunit ito ang aking napili
Sana yong maintindihan
Pagkat may pusong nag dalamhati
Na iyong kinaligtaan

Send me the best BW Tampal!

* indicates required