Musika ng Pag-ibig
Categories Waiting

Musika ng Pag-ibig

Mahal ko, kumusta ka na?

Nandyan pa ba ang mga ngiti mong kay tagal ko nang ‘di nakikita?

Ang mga tawa mong kay sarap pakinggan sa tenga?

Mga kwentuhan nating walang humpay ang saya?

Mga reklamo sa buhay na tila ba kayang maresolba?

Mahal ko, kumusta ka na?

Kumusta na ang mga ala-ala?

Alaalang tila ba nilimot na,

Na pilit kong binubuo sa mga larawang nasa akin pa

Mahal ko, natatandaan mo pa ba?

Mga panahong lagi tayong magkasama

Mga panahong akala ko pareho ang tugtog na sinasayaw nating dalawa

Ngunit ako lang palang mag-isa ang pilit na sumasayaw sa nota

Mahal ko, ititigil ko na.

Ititigil ko na ang pag-indak

Sa musikang aking kinasanayan na

Musikang nilikha lang pala ng aking diwa

HIndi ako matatakot sumubok muli

Dahil naniniwalang sa muling pag-indak sa saliw ng musika ng pag-ibig

May taong hahawak sa aking kamay

Sasabay sa saliw ng pusong may isang ritmong tinitibok

At patuloy na magsasabing,

Mahal kita oh giliw ko.

Leave a Reply