Napadaan ako sa isang kalye sa manila kahapon.biglang sumagi sa isipan ko ang lahat ng alaala ng dating tayo..

Sa aking pagtataka hindi ko na naramdaman ang pamilyar na kirot at sakit na nasa puso ko sa loob ng pitong taon tuwing naalala kita.At bigla ako napangiti na animo’y nabunutan ng tinik.

Napatawad na ba kita?

Sa loob ng pitong taon na sa tuwing naiisip kita na parang may kung anong humihiwa sa aking dibdib,na sa tagal ng panahong yun,nag-aantay ako ng kasugutan sa lahat ng aking mga tanong mula sa’yo.

Ahhh baka nga napatawad na kita..

At hindi ko na kailangan ng sagot mula sa’yo kung bakit mo ako iniwan.nakalaya na ako mula sa mga bagay na nagpapahirap sa akin ng mahabang panahon.

Masarap sa pakiramdam.ngayon masasabi kung napatawad na kita.

Handa na ako harapin ang bukas na nakalaan para sa akin ng wala ka.