OKAY PA BA?
Categories Contribution

OKAY PA BA?

Mapagod ka namang maging malakas” 
“Kelan mo balak umiyak?” 
“Sige bahala ka pag ikaw sumabog” 
“Minsan kailangan mo ding aminin na mahina ka” 
Mga kataga na minsan masasabi sayo ng iba dahil nasanay kana.
Nasanay kang maging kalakasan ng iba.
Yes overwhelming kasi may napagaan ka ng loob, meron kang natulungan para bumangon.
Meron kang natapik at nasabi mo na “laban pa, kaya mo yan”.
At ayun nasanay kana.
Nasanay na din sila.
Na sa bawat ngiti mo AKALA nila okay ka pa.
Na sa bawat pagtapik mo, AKALA nila di mo kailangan ng ganon.
Na sa bawat tawa mo, AKALA nila totoo ka pa.
Na sa bawat pagsama mo sa kanila AKALA nila ayos ka pa.
Ganyan ang tingin ng mundo kapag ka alam nilang ikaw yung laging nagpapalakas. Kasi kaya mo na yung sarili mo at yung pinagdadaanan mo.
Now as you continue to read this
Paalala ko lang baka may kaibigan ka na masyado mo ng nakasanayan na nagpapalakas o baka IKAW mismo nakasanayan mo ng magpalakas at NASANAY ka na lang.
Here are some insights na sana aware ka sa mga taong akala mo okay pa.
  1. Strongest persons have weakest point TOO. 
Not because strong si beshy or strong ka di kana magiging mahina.
Maraming tao ang YES malalakas as individuals pero may downfall moments yan.
Isip isip. Baka akala mong sobrang strong na para sayo e never nang manghihina.
Kapa kapa sa sarili. Hindi porke malakas ka, forever ka ng ganyan.
TANDAAN: Walang forever. Kaya ikaw mismo di forever malakas!
Si ganito, kaya na nya yan. Kilala ko yon, strong yon!
Ops kaibigan nagkakamali ka.
  • Yes, malakas sya, pero TAO PA DIN siya – manghihina at manghihina-  like you. Tama?
  • Di lang ikaw ang mahina – sya din.
  • Akala kasi naten pag always strong, ALWAYS strong. No no no kaibigan.
Kaya always check your friends and YOURSELF.
Di porke naturingan na
#1 comforter
#1 tagapayo
#1 na strong na tao
At ano mang #1 yan e wala ng weakest point.
Kuha mo?
  1. Check them out. 
May mga tao na hindi na nila chinecheck yung NAKASANAYAN na nilang malakas.
Kasi kaya na niya.
Kasi nakangiti naman siya.
Muhka naman syang okay ah.
They always ask you if how’s you,
If okay ka lang and so on and so forth
How about them?
Yung tao na nagpapalakas sayo nakamusta mo ba sya?
Baka after mong maging okay, kinalimutan mo na yung kasama mo sa down moment mo.
Baka nung okay kana, wala na lang siya.
Akala mo okay lang siya.
Tapos magugulat ka kailangan ka din pala niya.
Kaso nasan ka?
  1.  “okay lang ako” is not okay at all. 
Madaling magpanggap.
Sobra.
It just a matter of “kilala ka talaga” ang makakaalam kung yung okay mo ay okay ba talaga.
Sana sa panahon na alam ng kaibigan mo na di ka okay, ganun ka din sa kanila.
Baka kasi kilala ka nila, sila di mo talaga kilala.
  1. Dapat may pakialam ka. 
Okay point taken. Baka nga di sila okay baka ganito na ang pinagdadaanan nila.
Alam mo na.
Ang tanong may pakialam ka ba?
Minsan aminin na naten we are TOO selfish na ang focus minsan satin lang.
****Sorry for spoiling****
Need a friend today?” – Ethan
(Hello, Love Goodbye, 2019)
Sobrang tipikal na tao at tipikal na linya na maybe may nakapagsabi na sayo.
Yung taong laging nandyan para sayo sa panahon na kailangang kailangan mo.
Kaso sa storya na to, may pinagdadaanan din pala si ethan. Sabi sya ng sabi ng need a friend, today? Pero sya pala kailangan DIN ng friend na kagaya niya.
Good thing may pakialam si joy.
Sana ganun ka din.
We are too focused pag problemado tayo to the point na we need this so called beshy/bes/pre without thinking ikaw kaya nandun sa panahon na kailangan ka nila bes?
Lastly
  1. Pag tapos kana, siya naman. Pag tapos na siya ikaw naman.
Wag kang manhid.
Wag mong iwan sa ere.
Pag tapos macomfort, makapagopen, mapayuhan, mabungangan(somehow helpful naman diba?) at madamayan.
Siya naman.
Basta tandaan mo kaibigan.
  • Maging matatag ka. Pero WAG all the time.
  • Befriend with someone na give and take.
  • Di masama magtiwala pero syempre sa pili lang.
  • Di masama maging di okay pag may time
at
  • Di masama na ishare to sa kapwa mo na baka napagod na magpanggap.
Laban pa. 
Osya may papayuhan muna ako.
May papakinggan
At icocomfort.
Teka.
Okay pa ba ako?