Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Dear Casey,

Naaalala mo pa ba kung paano tayo nagkakilala? How sweet you are? Kung pano mo ako pahalagahan? I guess not. I know it’s my fault kung bakit ka naging ganyan, ilang beses ko na ba balak iwan ka? Maski sa sarili ko hindi ko na alam. Basta ang alam ko kasalanan ko, pero bat ganun? Sinasabi mo na mahal mo ako pero di ko na maramdaman, sinasabi mo na di mo akong kayang mawala pero wala pa din akong maramdaman. Bakit ganun? Kumakapit ka nalang ba sa pangako mo sa sarili mo na ako na ang huli kaya hindi mo ako maiwan? Nanlalamig kana, hindi mo napapansin pero nararamdaman ko. Malayo ka sakin, hindi lang sa lugar pati tayo mismo nagkakaroon na ng gap. Ano ba nangyayari? May iba na ba o nawalan kana ng gana? Kasi ako tinitiis ko lahat ng sakit, kinikimkim ko at anytime alam ko sasabog ako. Lagi mo sinasabing mahal mo ako, nagagalit pa nga ako sayo pag di mo ako sinasabihan nun. Alam mo kung bakit? Kasi sa salita mo nalang ako umaasa kasi hindi mo na kaya iparamdam sakin na ako lang talaga. Mababaw man pero kasi dati pag ako ibig sabihin ako lang, wala akong kahati sayo. Pero ngayon? Madami na. Nandyan na yung barkada na mas inuuna mo saakin. Siguro aantayin ko na ikaw na mismo ang bumitaw, kasi nangako na ako sayo na di na kita iiwan. Inaantay ko nalang na sabihin mo na hindi mo ako mahal, masakit pero kakayanin para makalaya ka sakin. Mas okay na sabihin mo sakin, kaysa pinaparamdam mo sakin na kung ano lang ako sayo. Na pareho lang kami ng iba mong kaibigan. If ever mabasa mo to’ wag mo sana akong tawaging ma drama hehe. Mahal na mahal kita at kung iiwan mo na ako, gusto ko mag thank you sa lahat ng memories na nabuo nating dalawa.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required