Para kay Ginoong Incognito, isang baso ng Taho
Tatlong beses ko siyang kasama sa pagkain nito
Ngayon ay plano pa rin sa loob ng kuwaderno
Ang alaala kung saan niya sinabing sasamahan ako
Sa aming mga mundo, pagbabago ay nagsimula na
Walang katiyakan kung magkakaroon ng mga sandali pa ba
Na kung saan maituturing na para sa aming dalawa
Hindi na yayayain pa, magyayaya siya kung gusto niya