Siya yung tipo ng babae na masayahin
Animo’y walang pasanin
Bakas sa mukha ang saya
Ngiti’y totoo at malakas ang pagtawa
Siya yung tipo ng babae na matatag
Anumang pagsubok ang dumaa’y di magpapatibag
Hinaharap ito ng may matapang na puso
Sa kanya’y di uso ang salitang “pagsuko”
Pero, nasaan na siya?
Bakit bigla siyang nawala?
Ano na kayang nangyari sa kanya?
Sana ayos lang siya
Siya’y nakabalik na
Ngunit parang may nag- iba
Siya pa rin ba iyan?
Parang nasa ibang katauhan
Anong nangyari sa kanya?
Bakit nagkaganyan siya?
Ano, sino ang rason kung bakit siya’y nagkaganyan?
Hindi na namin maintindihan
Ang babaeng ito’y nababalot na ng kalungkutan
Sakit at paghihirap ang nararamdaman
Ang mga bagay ay di na maintindihan
Sa pag- iyak ay ayaw niyang tumahan
Ang babaeng ito’y nanghihina na
Ubos na ubos at pagod na pagod na
Natalo na sa laban niya
Siya’y bumigay at sumuko na
Sa itaas ay ipinagdarasal ko siya
Sana’y mas pahalagahan at mahalin niya ang sarili niya
Sana’y maipanalo niya muli ang laban niya
At sana’y mas maging masaya ang puso niya