Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

 

Pwede ka bang maghintay?

Hanggang sa paglubog ng araw.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Hanggang sa tuluyan na akong magpayakap sa liwanag ng katotohanan.

Matagal na akong nanirahan sa dilim ng kasinungalingan.

Kaya’t mahirap akong magtiwala sa unang yugto ng pagkakakilanlan.

 

Pwede kabang maghintay?

Hanggang sa tuluyan na akong magpahinga.

Hanggang sa tuluyang hanapin ko sa iyo ang katahimikang hindi naaaligaga.

Dati na akong minadali, nalimutang mahalin ang sarili.

Kaya’t pagsapit ng gabi, puno ng katanungan at pagsisisi.

 

Pwede ka bang maghintay?

Hanggang sumilay ang bukang-liwayway.

Hanggang sa multo ng pangamba’y humiwalay.

Hanggang sa masaulo ko ang bawat detalye ng iyong pagkatao nang utay-utay.

At hanggang sa masabi kong hindi na ako takot tumulay.

Dahil alam kong kung mahulog ma’y mayroong sasalo at aalalay.

 

Send me the best BW Tampal!

* indicates required