Panahon

138

Kamusta ka? gusto kung itanong sayo, pero hindi na tama, hindi na dapat

Alam ko masaya kana, sana maging okay na ang lahat ,ang hirap pala, ang hirap pala, matagal ako ng buhay na magisa nung dumating ka akalako pangmatagalan na, yung kasi ang pangarap ko, na ikaw ang una at huli.

Akala ko, magiging sapat ang pagibig sa lahat ng oras na mapupunan nito ang pagkukulang ng bawat isa, hindi pala.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Dapat pala hindi magmahal ng sobra, dapat magtira para sa sarili, para kung dumating man yung ganitong panahon hindi sobrang sakit.

Alam ko naman masaya kana sa piling nya, Masaya ako at nagagawa mo na yung mga bagay na kahit hindi hingin sayo binibigay mo, natutunan mo na din.

Masaya ako para sayo, hindi man ngayon yung oras na kasama ko yung taong nilaan ng Diyos para saakin, wala man ako sa panahon na may nagpapangiti saakin, Masaya ako kasi alam ko may dahilan naman ang lahat.

Sapat na kami muna ng Diyos, kailangan ko munang matutunan na dumepende sa pagmamahal ng Diyos, para kung dumating man yung taong nilaan niya para saakin buo na ako, buo na ulit ang pagmamahal na kaya kong ibigay, buo na ulit yung tiwala na kaya kung ibigay.

Panalangin ko na maging okay na lahat, na mabuo na yung kasayahan mo at ng tuluyan ng maghilom itong puso ko.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required