Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Sana tinanong kita kung magkaibigan lang ba tayo o higit pa.

Sana nilinaw ko sayo yung text mong nagsabi nang ingat ka (sabay bawi mo na para yun sa mama mo).

Sana sumagot ako nang mahal din kita (nung pabiro kang nagsabi ng “______ mahal kita…. inn”– kasi binasa mo lang kamo yung Mahal Kita Inn na signage habang naglalakad tayo Edsa).

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Sana tinanong kita kung bakit ka nag-aaksaya ng oras makipagkwentuhan at tawanan sakin kahit tulog na yung mga kaklase natin.

Sana hindi ako nag-atubiling magtanong bakit ka sumandal sa balikat ko habang nakikinig tayo ng kanta.

Sana hindi ako naniwala sa rason mo kung bakit ko kailangang makitulog sa inyo dahil gabi na.

Sana inalam ko kung bakit ka naglaan ng oras para puntahan ako dahil may sako ako ng sample na iuuwi para sa thesis namin.

Sana nagtanong ako bakit ako yung kapuyatan mo sa phone habang nagrereview ka para sa board exam.

Sana nagtanong ako bakit may oras kang makipagkita sakin at sa iba wala.

Sana inalam ko yung ibang dahilan bakit mo ko inaya sa birthday ko (maliban sa sinabi mong hindi yun sine-celebrate magisa).

Sana sinabi ko sayo na nasasaktan ako pag nakikita kitang nagpapakatanga sa iba.

Sana nanghingi ako ng eksplanasyon sayo sa mga bagay na nagbigay sakin ng dahilan para umasa.

Sana bago ko tinigil yung pangangarap sayo at tuluyang pumili ng iba e umamin muna ako sayo na gusto kita.

Sana naging matapang ako noon baka sakali naging tayo ngayon.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required