Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Sa wakas ikaw na’y bibitawan
Hinding hindi na ‘ko mapipigilan
Sarili ko’y akin nang uunahin
Mga ala-ala mo’y papalayain

Mga planong ating binuo
Ay akin nang tinapos
Kaya ngayon ako na ay susuko
Babawiin na lahat ng emosyong ibinuhos

Ito na ang huling beses na gagawin kang paksa
Dahil ngayon ay mas pipiliin ko ng mag-isa
Kaya heto na’t kakalimutan na kita
Hanggang sa muli, paalam aking sinta

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Send me the best BW Tampal!

* indicates required