Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Marami akong nais sabihin

Ngunit mga salita’y kay hirap bigkasin

Dumaan ang mga araw na di kita nakikita

Pero gusto kong malaman mong

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Lagi pa rin kitang hinahanap

Sa pag gising ko sana di na kita maalala

Ang mga panahong pinagsamahan

Tila naluma na at kumupas

Kasabay ng bawat alaala mong

Nais ko nang kalimutan.

Kung tuluyan ka nang lilisan,

Dalhin mo na sana lahat

Pati pagibig ko at pagsinta

Nang sa ganun

Ako ay maging malaya.

Marami akong nais sabihin

Mga bagay na hindi ko kayang aminin

Walang katumbas na salita,

Kung gaano kita kamahal.

Nais kong malaman mo

Hindi man tayo umabot hanggang sa dulo

Hindi man ako ang itinadhana para sayo

Ipinapanalangin ko pa rin ang kaligayahan mo.

Nais kong sabihin,

Hanggang ngayon mahal kita

Mahal kita magpakailanman

Pero sa tingin ko hindi na ako sasapat

Alam kong may mas higit na nararapat

Kung kaya para sa iyo,

Kailangan na kitang palayain.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required