Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Para sa nagmahal ng lubos

hanggang sa sarili ay unti-unti nang naubos,

Para sa nagbigay ng buo ngunit hindi nakatanggap ng sukli,

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Para sa namamalimos ng pag-ibig at nanghihingi,

 

Para sa lahat ng ibinigay ang lahat

ngunit di pa rin sumapat,

 

Ito ay para sa iyo.

 

Para sa iyo ang pagbitaw sa mga kamay

na ikaw na lamang ang nakakapit,

Para sa iyo ang pagbangon mula sa matinding sakit,

Para sa iyo ang pag-iwan sa mga salitang napako,

Para sa iyo ang panahon na kailangan nang sumuko.

 

Sapagkat para sa iyo ang pagmamahal na walang katulad,

Para sa iyo ang pag-ibig na walang hinihinging kapalit,

Para sa iyo ang mga matang tititig pa rin

kahit lumabo na ang paningin,

 

Para sa iyo ang mga matang sa iyo lamang titingin.

 

Para sa iyo ang pagmamahal na kahit mahirap mahalin,

Ay magkahawak kamay ninyong susuungin,

Para sa iyo ang pangako ng walang hanggang pag-ibig

Na hindi lamang binigkas ng bibig,

Na hindi lamang isinulat sa tubig,

 

Bagkus para sa iyo ang pangakong puso ang bumigkas,

Para sa iyo ay darating ang pag-ibig na inilaan ng nasa itaas.

 

Para sa iyo na sa kasalukuyang nahihirapan,

Balang araw ay may wagas na pag-ibig na matatagpuan.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required