Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Nasa punto pa ako ng buhay ko kung saan ipinagtatanngol pa kita
Kahit sabihin pa ng iba na mali ka, ito sa akin ay balewala
Hanggang sa huling hininga ko ata, iintindihin ko pa din ‘yung rason mo
Kasi hindi ko makita ‘yung pagkukulang mo, dahil ito’y natatabunan ng pagmamahal ko sa’yo.

“Iniwan ka n’ya sa ere” sa paanong paraan, aking kaibigan?
“Imbis na ayusin n’ya sarili n’ya, iniwan ka n’ya” dahil ito’y kailangan n’ya
“Mapapagod ka din kakabigay ng excuses sa kanya” mukhang hindi pa ata

Baka nagkulang din ako
Baka nagkamali din ako
Baka may nasabi din ako na hindi maganda
Baka dahil dito kaya lumayo s’ya

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Patawad, aking sinta
Pagkat nasaktan din kita
aking salita’y nasugatan ka,
ito siguro’y dala ng aking damdamin
ako din ay nasaktan sa’yong inamin

“Hindi ko pa kayang ibigay sa’yo ang dapat na para sa’yo”
“Hindi ko alam kung hanggang kailan mo kailangang maghintay”
“Masakit mang sabihin at marinig, pero ayaw na kita paasahin pa”
“Sa akin ay mahihirapan ka”

Ganito pala ang pakiramdam ng sumugal at natalo
Ganito pala ang pakiramdam ng naiwan sa ere
Ganito pala ang pakiramdam ng naghintay at umintindi
Ngunit talo pa din sa huli.

Masyado mo akong itinaas sa mga pangako mo,
Ngayon ako’y mag isa na sa mga puting ulap na ito,
Susubukan kong mag antay at maglakbay mag isa,
Magbabaka sakali na sa pagbaba ko ay nandiyan ka,
Handa na
Sana’y ganoon din ako, handa sa bagong landas nating tatahakin
Magkasama man tayo o hindi, lagi mong tatandaan, ikaw ay aking iniibig.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required