Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Sa araw-araw kong panalangin na sana dumating na ang aking hiling. Bigla kang nakita na tila isang bituing nagniningnig. Sa panahong sawa na ako sa laro at gusto ko ng magseryoso, naging kaibigan kitang totoo.
Dito na nag umpisa ang paghanga ko sayo.
Isa kang dalaga na iyakin pero mapagmahal at maunawain. Isang kaibigan na maalalahanin at mapagkakatiwalaan. Sa tuwing kasama ka ako’y masaya. Masaya hindi dahil sa kasama ka, masaya ako kasi napapasaya kita. Lagi kang andiyan para maging kaibigan. At sa bagay na yan lumalim na ang paghanga ko sayo .
Lagi tayong andyan para sa isa’t isa. Nagdadamayan, nagkukulitan at nagtatawanan. Mga bagay na nagpabukas muli sa natutulog kong puso. At unti unti na kitang minamahal. Pagmamahal na hindi ko pa naramdaman simula noon. Pagmamahal na kahit walang kapalit ay patuloy pa ding minamahal.
Sabi ko noon hinding hindi kita mamahalin kasi ayaw kong masaktan dahil alam kong may mahal kang iba. Pero nandito na. Nangyari na. Minahal na. Patawad dahil sa pagkakataong ito mahal na kita, patawad dahil kahit alam kong ayaw mo mahal pa din kita, patawad dahil kahit lubog na lubog na ako pilit pa din kitang inaahon, patawad sa pagkakamali na akala ko pwede tayo kaso hindi pala. Patawad… Patawad dahil kahit masakit na handa pa din akong maging clown para mapasaya ka. Patawad dahil darating din ang pagkakataon na ang puso ko’y susuko na. At sa pagsuko ng aking puso pakatandaan mo sana na nandito pa rin ako para sayo.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required