Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Bakit kung kailan okay naman ang buhay, bigla bigla ka nalang darating?

Kung kailan silensyo ang mundo, tila naman ang tala’y may pinaparating?

Tala nga ba talaga? O sa impyerno ika’y galing.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Hindi naman demonyo, pero parang ganon narin ang dating.

 

Parang anghel nang ika’y magparamdam, diba?

Tila lahat ng magagandang salita yun ka.

Napaka galing mong mangumbinse utot mong pula,

Kahit sirang oto ata mabebenta mo pa.

 

Buong akala ko pa naman sobrang taas na ng bakod ko,

Pero $hut@ng!n4n6 yan, naakyat mo.

Nakakabilib ka din na akyat bahay eh no?

Pati puso ko kinuha mo. (charot)

 

Inaamin kong ako’y agad naging komportable sayo,

Sa ganong kaikling panahon, tiwala ko’y nakuha mo.

Hindi ko nga alam paano ka ba nakapasok sa mundo ko.

Iniisip ko nalang na budol budol ka, at ako’y biktima mo.

 

Pinaniwalang may matinong lalake pa sa mundo,

Pursigido at walang halong pagloloko,

Yun pala, lumamang lang ng konti sa paligo,

Nagpaliwanag muna bago naglaho.

 

Di pa daw kayang pumasok sa isang relasyon,

Sa kadahilanang sa ibang babae pa ay napapalingon,

Nakakalungkot na sa kabila ng aking mga hamon,

“Di pa ko magiging ready mag commit” ang iyong tugon.

 

Desisyon mong tumigil ay nirespeto ko,

Malay ko ba kung yun ikaliligaya mo,

O ayaw mo lang sigurong masaktan ako,

Salamat narin at iniwas mo na ako sa gulo.

 

Hindi rin naman kita masisisi, tol.

Siguro isip ko din ay buhol buhol.

Hindi pa kase katagalan nung ako’y sa maling tao rin ay nagmaktol.

Kaya wala rin ako sa lugar para humatol.

 

Sabi mo nga, “I deserve the best guy a girl can get”,

Sabi mo rin dati, ako’y sana iyong maGET,

Sabi ko naman, you are worthy, just not ready yet,

Kung sinalo mo sana ako edi mas malupet.

 

Kaso wala e, salitang paalam at paumanhin nalang ang lumabas sa iyong bibig,

Salamat at sana maligaya ka nalang ang tanging nanaig,

Kahit sa likod ng aking isipan kabaliktaran ang nais marinig,

Na ikaw sana’y magpatuloy hanggang tumigil ang daigdig.

 

Ang huling hiling nalang sana’y di na magparamdam pa,

Mga pangako at matatamis na salitang nakaukit pa,

Sa isip at puso na handa naman sanang maghintay pa,

Ngunit ang TAYO ay wala na talaga noong una pa.

 

Salamat at paalam.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required