Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Aking binalikan itong ating dating tambayan,
biglang napaluha nang maalala ang nakaraan…
na ikay kadaupang palad habang umuulan.

Kapeng iyong iniinom,
sa labi mo na yun ko nalalasahan,

Oh kay sarap naman talagang balik-balikan.

Sa bawat tugtugin sa radyo ng sasakyan,
kasabay ng mga awitin na iyong sinusundan,
puso koy hinaharana…
ligaya’y wala ng mapagsidlan pa.

Sa mga patak ng ulan na tipong nakikiramdam,
at tila ba gusto nating
oras ay pigilan.

pero ngayon…
bigla na lang nag iba.
ang lungkot lang maalala
ang dating masasaya.

Miss ko na yung ikaw nung una….