Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Saka nalang ulit kita tatawaging “baby”, kapag tunay ka ng akin Saka nalang ulit kita ichachat, kapag ako lang talaga ang gusto mong kausap, Saka nalang ulit ako sasakay sa kotse mo, kapag ako na ang gusto mong kasama sa long drive, Saka nalang ulit ako tatambay sa inyong bahay kahit nahihiya ako, kapag ako na ang gusto mong makasama habang buhay,
Saka na ako susugal at tataya sayo, kapag sigurado na akong ipapanalo mo at ipaglalaban din ako, Saka nalang kita mamahalin ng buo at tunay, kapag ako na ang bubuo sa puso mong ngayon ay gutay gutay, Saka nalang nga lahat ng ito siguro, kapag ikaw mismo sa sarili mo ay sigurado na sa “TAYO”, dahil ako nalang ang kulang at kukumpleto sayo. Mag aantay ako sa pagkabuo mo at pagbabalik mo mahal, akin lang hiling at dalangin na sana’y sa paglayo ko’y hindi ka maligaw, at kung tuluyan ka man lumisan at di na ako balikan, paalam baka nga tayo’y hanggang dito nalang, Salamat sa saglit pero sulit na pinagsamahan.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Send me the best BW Tampal!

* indicates required