Naniniwala akong babalikan mo rin ako
Sa kanto kung saan ipinangako mong tayo lang hanggang dulo
Nararamdaman ko na babalik ka dahil nakalimutan mo,
nakalimutan mong ibalik sa akin ang sukli ng pag-ibig na buo ko nung binigay sayo!

Siguro nga maswerte aq kasi sa kanto mo lang aq nakalimutang iwan
Hindi sa ere kung saan naglilipana ang mga pusong sugatan, wasak at luhaan
Pero mahal bakit mo nga ba ako nakalimutan?
Nakalimutan mo nga lang ba ako?o sinadya mong iwanan?

Para sa mga nagtiwala at nagmahal, pero sa huli mas pinili pa ring iwan na walang pasabi… kaya ayun, na wasak!

Akala q dati para kang kutsara, na hindi buo kung wala ang katulad kong tinidor na iyong kapareha
Akala ko para kang araw, na itinuturing akong buwan at mga tala
Pero bakit? bakit naging tila usok ka na sa aking pananaw ay unti unting nawawala
Nilalamon ng dilim na sa wari ko’y wala ng umaga!

Dito lang ako, nandito pa rin ako sa kantong pinag-iwanan mo
Nagdadasal, umiiyak at nagsusumamo
Hinihiling ko sa Maykapal na sana umulan,
Umulan ng malakas at tangayin ang aking puso..
kasabay ng mga luha ko na ayaw tumigil sa pagtulo!

Pero mahal, sa iyong pagbabalik sanay bilisan mo
Bilisan mo baka akoy mapagod na at sumuko
Sumuko sa paghihintay ng barya barya mong pag-ibig..
Baka sa iyong pagbabalik hindi q na maipangako
Na ang buo kong pag-ibig ay ibibigay ko pa rin sayo
Baka lang kasi sa iyong pagbabalik
Tuluyan na akong nakalimot at natagpuan ng pag ibig
Pag ibig na buo at tanging para lang sa akin
Kaya mahal bilisan mo,
Bilisan mo ang pagbabalik habang nandito pa rin ako sa kantong pinag-iwanan mo!