SA MGA UMAASA SA PAG-IBIG
Categories Relationships

SA MGA UMAASA SA PAG-IBIG

(MEDYO MAHABA ITO)

This is dedicated sa lahat ng students ko na nagpa-flood ng “hugots” sa feed ko. 😉

Una sa lahat, I’m not an expert on this. Wala pa nga akong boyfriend diba? 😂 Pero, not because wala akong boyfie doesn’t mean wala akong masasabi tungkol sa bagay na ito.

Himayin natin ito na parang research.

1. Statement of the Problem
Marami sa kabataan ngayon, crush pa lang feeling nila love na. Sabi nga ng matatanda ang crush ay paghanga, madalas nawawala at minsan lumalala.

Anong problem dito? Teens nowadays no longer know the difference between infatuation and love kaya confused din sila. Hindi kasi ina-apply ang “definition of terms” kaya ang palaging sentiment “ang sakit, sakit” with this emoji pa 😭. Pero pag crush, kelangan ba talaga masaktan? Actually, NO. Hindi dapat. Kasi nga dapat, humahanga ka lang sa qualities ng tao na yun.

Pero ano pa ang isang problema? Pag crush mo, nage-expect ka. Nag-iimagine ka na agad na magkaholding hands kayo, na sweet kayo together, na magpapakasal kayo, magkaka-family and you will live happily-ever-after. Te, kya… “crush” pa nga lang diba? Humahanga ka pa lamang. Bakit ba ina-allow mo na ma-crush din yang precious heart mo? 🙄

2. Hypothesis
Feeling ko kasi, hindi mo pa talaga alam ang meaning ng love. Actually, kahit ako, I’m still learning about it. Sabi sa pinaka-favorite kong book “perfect love casts out fear.” Ibig sabihin, wala kang worries, walang inhibitions, walang “what ifs” pag love na yang nasa heart mo. Most of the time, akala natin, love is just a feeling. Pero hindi lang sya emotion. Love is a decision. You decide and always choose the person no matter what. Kasi ang love unconditional. Sabi pa sa favorite book ko:

“Love is patient and kind; love does not envy or boast; it is not arrogant or rude. It does not insist on its own way; it is not irritable or resentful; it does not rejoice at wrongdoing, but rejoices with the truth. Love bears all things, believes all things, hopes all things, endures all things.” 1 Corinthians 13:4‭-‬7 ESV

Ang pag-ibig ay hindi sumusuko. Hindi nagmamaliw. Kaya nga diba, minsan feeling natin foolish na patawarin at tanggapin mo pa yung taong nanakit sayo. But when you do, then it’s love. Kasi it does not keep any records of wrong.

3. Recommendation
Pero. May pero. Sabi din sa book na yun, guard your heart above all things for it is the wellspring of life.

Guard your heart.

May nagsabi saken before na it’s okay to love. Just love. Give love. But do not expect that it will be given back to you. Kasi nga, if you expect, there will be heartbreak.

So, I would like to add. Know your limits. Pag nagmahal ka, yeah… you will surely sacrifice but you don’t have to suffer when you know naman na hindi worth it yung pagsa-suffer mo.

God wants the best for you pero you keep on insisting na sya na talaga ang gusto mo at sya lang ang makakapagpasaya sayo.

Hello?! Ang daming people sa earth. Saka, I think it’s better that you become the best version of yourself muna bago pumasok sa isang relationship kasi if not, masasaktan nyo lang isa’t isa. You will keep on seeking your validation and worth from the other person, at kapag hindi nangyari yun. Heartbreak ulet.

4. Conclusion
So, what’s the best thing to do?
Thrive in your season.

Kapag student ka pa lang, please… wag munang mag-jowa. Hindi porke’t crush mo jojowain mo na agad. Be the best student you can be. Study well. Join various orgs. Develop your skills. Hindi ko naman sinasabing mali ma magjowa. Pero if it will be a hindrance sa role mo as a student, wag muna.

Purposeful ang pagpasok sa isang relasyon. Medyo OA pakinggan pero dapat ang goal is to get married and build a family. Pag hindi ka pa naman decided, wag muna.

Enjoy your single years and sabi nga ni pareng Andy, be the person the person you are looking for is looking for.

Gusto mo ng prinsesa, palaka ka naman. Gusto mo ng prinsipe, aba na alila naman ang tingin mo sa sarili mo.

So, just a piece of advice. Paano ba maiiwasan ang heartache? Okay lang magka-crush. Pero gang dun lang muna. Masarap kiligin. Alam ko yan. Pero mas masarap siguro na makakapagtapos ka ng JHS at SHS na masasabi mong may natutunan ka sa paaralan at hindi puro pagmamatyag lamang kay crush ang alam.

Pray. Pag-pray mo yang tao na yan at yang feelings mo. Si God pa rin naman ang magsasabi sayo if sya na ba talaga o hindi.

Listen. Baka pray ka nga ng pray di ka naman nakikinig. You would know it is God if palagi mo syang kausap. I promise you, He will tell you what’s best for you.

Obey. Pag may sinabi si God, obey. How can He give you the best if ayaw mo bitiwan yung bagay na pinabibitiwan nya. 😉

Finally, wait kasi TRUE LOVE WAITS. 💕

Prev Dear anyone,
Next She Needs You