Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Akala ko okay lang ang lahat.

Walang away, walang gulo , walang pagtatalo.

Lahat kalmado,

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


pero biglang nagbago.

 

Tinanong kita kung anong meron,

Sinabi mo wag akong mag isip ng kung ano.

Sabi mo walang problema, sinabi mo na okay lang tayo.

Pero isang sinabi mo, nagising ka na hindi mo na ako gusto.

Matagal na, matagal mo na akong ‘di gusto.

Napaisip ako kung ano yung mga nangyari, san nagsimula?

Saan ako nagkulang? Kelan nagsimulang magbago?

Kelan yung hindi mo na ako gusto.

Napaisip ako kung ano yung mga pinakita mo,

nung hinahawakan mo ko, hinahalikan at tinitignan.

Nagpanggap ka lang ba? Nagpanggap na may pagtingin kahit wala na.

Pinilit na magmukhang may pag asa pa.

Masakit pala malamang matagal ka nang sumuko at mag isa na lang ako lumalaban.

Kaya pala  , iba na. Nag iba ka na.

Hindi na ikaw yung taong minahal ko nung una.

Sumuko na din kaya ako, para di na ako mas masaktan,

Isipin ko na lang din ang sarili ko  bilang di na rin naman ako kasama sa plano mo.

Masakit , pero kakayanin.
Masakit , pero tatanggapin.

Wala na lang akong sasabihin at hahayaan na kita,

Dahil wala na din namang pag-asa.

 

Send me the best BW Tampal!

* indicates required