Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Inaamin ko mahal pa rin kita
Inaamin ko, masakit pa rin makitang my kasama ka ng iba
Inaamin ko, hirap pa rin akong kalimutan ka kahit alam ko ng wala na talaga
Inaamin ko mahal, ikaw pa rin at wala ng iba.

Gustohin ko mang mawala ka sa isipan, ikaw pa rin ang hinahanap kahit ako my piringan
Nagbago ka man sa maraming paraan, ito ay hindi hadlang sa aking nararamdaman
Ayoko na sanang damdamin ay masaktan tuwing ikaw ay nasisilayan pero kahit anong gawin, mata koy ikaw pa rin ang gustong tingnan
Ky hirap man ng aking pinagdadaanan, pero kahit minsay ang pagmamahal ko sayoy hindi pinagsisihan.

Mahal, ang raming bakit na aking tinatanong
Ky raming sagot ang binubulong
Pero kahit anong tanong at sagot ang aking natanggap
Pagluha koy hindi ko kayang ipagpanggap.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Kasiyahan moy aking pinagdadasal
Na sanay ikaw ay hindi magkulang ng pagmamahal
Sa kanya mo nahanap ang ligayang hindi ko naibigay
Alam kong tayo ay tao at hindi na bagay.

Mahal ko, alam kong alam mong mahal pa rin kita
Pero alam mong alam ko na hindi tayo para sa isat isa
Salamat sa Diyos at naging tayo sa matagal na panahon
Ang mga lahat ng memorya at leksyon ay panghabangbuhay kong ibabaon.

Ang pagmamahal ko man ay hindi mo kayang suklian
Alam kong my isang taong, kaya akong ipaglaban
Hindi man ngayon, o hindi bukas
Baka sa panahong ako na ay handa na mahalin xa na walang wakas.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required