Sa Totoong Mundo, Hindi Posible
Categories Poetry

Sa Totoong Mundo, Hindi Posible

Napanaginipan kita kagabi, magkasama tayo

Ilang segundo pagkagising ko,

Napagtanto kong kahit anong mangyari

Sa totoong mundo, hindi posible 

Hindi ko mabilang kung ilang beses kang sumagi sa isip ko

Lagpas pa ata sa isang libo

Bawat minuto at segundo, nakikita ko ang mukha mo

Ipatatangay na lang sa agos ang damdaming hindi na mapigilan ang pagbugso 

Ibubulong na lang sa hangin, baka sakaling makarating sa’yo

Kung paano mo pinapasaya ang mundo ko

Kungpaano mo binubuhay ang buo kong pagkatao

At kung paano mo nalalagyan ng ngiti ang mga labi ko