Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Ang saglit na ating pinagsamahan sa akin ay nag-iwan ng malaking bakas sa nakaraan.

Sa mundong paningin ko ay kakaiba, doon tayo ay nagkita.

 

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Ang sakit at pait na karanasan ng iyong paglisan sa aki’y nagdulot ng aral.

Isip ko ay nabuksan. Ang aking halaga ay nalaman.

 

Ngayon ikaw ay nagbabalik nais na itama ang ating nasimulan.

Ngunit puso ko ay puno ng takot na baka muli ito ay maging saglit.

 

Nais kong malaman mo ang aking pagnanais na bumalik tayo sa mundo kung saan tayo nagtagpo.

Ngunit puso ko ngayon ay kailangan ng bantayan sa isang bagay na walang kasiguraduhan.

 

Gustuhin ko man, ngunit panahon ngayon ay hindi pa nakalaan.

Hayaan natin na ang Diyos ang sa atin ay magtagpo.

Ngunit kung hindi man, salamat sa isang saglit. Sapagkat para sa akin, ang minsang nakasama ka ay napakasulit.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required