Laro lang ba ang lahat?
Katanungan na umiikot sa utak ko. Gusto ko sana itanong kung kahit kaunti naging seryoso ka ba?
Minsan gusto ko sanang itanong kung laro lang ba ang lahat. Para naman makapag handa ako kung sakaling malapit na ma-game over.
Ang daming tanong na tumatakbo sa isipan ko gaya ng “ano nga bang meron tayo?”, “meron bang ‘ako’ kahit konti jan sa puso mo?“
Ewan ko ba. Baka kasi assumera lang talaga ako? Baka naman kasi yung approach mo binibigyan ko lang ng kulay. If only I have that 99.9% guts to ask you then siguro ma-cclear na sakin kung ano ba tayo. Kaso nga lang, takot akong malaman na baka yung sagot mo kasi iba sa inaakala ko.
Bakit ba ganon? Gusto natin malaman yung katotohanan pero pag alam nating masasaktan tayo ipinagpapaliban nalang? Natatakot tayong masampal ng katotohanan.
Para ka kasing cotton candy, ang sweet mo masyado. Ako naman itong ubod ng rupok, nadadala sa lahat ng sinasabi mo.
Gusto ko sana ng sagot pero takot lang masaktan. Ayoko namang umamin kasi ayokong masira friendship na meron tayo. Andito lang naman ako, naghihintay (hindi ko alam kung sa wala) at lumalaban (sa bagay na walang kasiguraduhan).
Kung laro man ito,
Oo na, talo na ako. Nahulog ako eh.