Tamang Daan
Categories Relationships

Tamang Daan

“Kong nahihirapan kana, bakit kailangang ilaban mo pa? 
Kong masakit na, bakit patuloy parin ang paghawak mo sa mga akalang magiging maayos pa?
Kong dapat bitawan na, bakit patuloy ang pag-asang magiging tama ang isang pagkakamali naman talaga?”

Bakit mahirap?

Bakit masakit?

Bakit kailangang bitawan?

Dahil ito ang tamang daanan para makuha mo ang tunay na kaligayahan.

Paano mo ba masasabing kailangan mo pang ipaglaban ang isang bagay? Tunay ba talagang katapangan ang patuloy na pagkapit sa isang bagay na alam na alam mo na nasasaktan kana, nahihirapan kana? Walang kapayapaan sa puso mo kasi alam mong may mali. Pero dahil masaya ka, itinuloy mo lang. Kahit dimo alam kong ito nga ba ang tamang daan.

Sa paglipas ng mga taon, kasabay nito ang iyong mga pagsambit sa panalangin. Hindi mo maikakaila na kasama ka sa mga panalangin niya. Dahil saiyo kasama siya parati, hindi mo makaligtaan.

Hangga’t sa nilinaw Niya ang daan. At doon sa daan na pinapatahak Niya, sobrang masakit kasi habang dumadaan ka, nakita mo na hindi siya kasama. Naiwan siya. Natapos na ang rason kong bakit kailangan mo siyang makilala. Ito ang sagot sa panalangin mo na “Siya na nga ba talaga?”. Sinagot Niya ang mga tanong at panalangin mo, pero sobrang sakit dahil hindi ito ang gusto mong maging sagot Niya. Madaming pag-iyak. Maraming takot. Maraming “Paano kong?”. Maraming pakiusap sa Kanya. Pwede bang siya na lang? Pwede bang kasama siya? Pero isa at paulit-ulit ang sagot Niya. Hindi. Hindi siya kasama.

Sumunod ka. Nakinig ka. Pero ang hirap-hirap. Maraming beses na paghagolhol. Maraming beses na pagmakakaawa na matapos na ang sakit. Sobrang lungkot.

Pero patuloy kang naniwala sa Kanya. Na matatapos ang sakit. Na magiging maayos ka ullit. Na magiging buo ulit ang puso mo na nasaktan ng todo.

Katapangan ba ang paglaban sa mga bagay na sinasabi Niyang mali? Hindi. Hindi katapangan ang paglaban sa mga bagay na mali naman talaga. Kundi, ito ang katapangan, ang pagbitaw sa mga bagay na dapat sa una pa lang hindi mo hinawakan. Hindi sa lahat ng pagkakataon kailangan mong lumaban. Dahil may mga pagkakataon na ang tamang gawin ay ang bumitaw.

Sa kabila nito, dito ka natuto. Dito mo nalaman ang kalooban Niya. Dito mas lumalim ang pagtingin mo sa Kanya. Mas tumapang ka. Mas nagtiwala ka. Ngayon, maingat kana. Hindi mo na hahayaang masaktan ng ganon ang puso mo. Maraming pangarap ulit ang nabuo. Maraming mga pangako ang itinatak mo sa isip mo.

Ngayon, alam mo na ang tamang daan.