Minsan, mapapatanong ka na lang “Bakit ganun sila?” Nananahimik yung buhay mo, biglang dadating para guluhin. Para magparamdam ng mga masasarap na bagay na hindi mo naman hiningi. Sasabihin nila na kaya ka nilang mahalin kahit ano ka pa man at sa kabila ng lahat. Na kakayanin nila ang lahat ng pagpapahirap mo.Susuyuin ka na para bang isa kang babasaging bagay na labis na nangangailangan ng pag-iingat. Hindi mo man hiningi ang mga bagay na yun, hindi mo rin maitatanggi na napakasarap sa pakiramdam. Kaya unti-unti, hinayaan mong buksan ung puso mo. Marami kang takot ngunit mas nangibabaw ang kagustuhan mong sumaya. Kaya sinubukan mong sumugal. Kahit walang kasiguraduhan, tumaya ka pa rin. Dahil unti-unti ka nang naniniwala sa mga sinasabi at ipinaparamdam nya sayo.
At nagtagumpay sya. Nakuha ka nya.
Walang kapantay ang kasiyahang nadarama mo. Hindi maikubli ang ngiti sayong mga mata. Hindi maikakaila, masaya ang puso mo.
Ngunit sa paglipas ng mga araw, katulad ng pagsikat at paglubog ng araw, kasabay nang pagpapalit ng petsa… ay ang pagbabago nya. Na nagbago sya.
Nawala ang tamis at kumupas ang ningning sa pagitan ninyo. Habang ikaw ay mahigpit nang nakakapit, sya ay unti-unti na palang bumibitaw.
Sana hindi ka na lng nila pinaki-alaman. Sana hindi ka na lng niya sinuyo. Masaya ka naman kahit wala sya. Maayos naman ung mundo mo kahit walang nagmamahal sayo. Bakit kinailangan ka pang guluhin? bakit kinailangan ka pang mahalin kung iiwan ka lng naman?
Ilang babae na ba ang nabiktima ng mga lalaki?
Pang-ilan ba ako sa mga nasawi sa pag-ibig?
Pang-ilan na ba ako sa sinaktan mo?
At ang pinakamasakit na tanong sa lahat, “Bakit?!”
Kaya sa mga susunod na magtatangka sa puso ko; pakiusap, WAG NA AKO.