Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

“Just one mistake, you say you’re not inlove anymore”

Bakit? Bakit sa isang pagkakamali ay bumibitaw ka na? Hindi na ba ako pwedeng humingi ng isa pang pagkakataon?

Bakit? Bakit ako bumitaw? Kung bakit kasi ilang beses mo na itong ginawa? Kung bakit sa bawat pagkakamali mo ay taos puso pa rin kitang tinatanggap?

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Para sa akin naniniwala ako na ang isang bagay maliit o malaki, ito’y nakaka apekto sa isang relasyon/pagsasama. Tulad na lang nung monthsary niyo at nakalimutan mo dahil busy ka. Nung showing na pala ang Aquaman at di ka pwede dahil busy ka. Oh diba? Sino nga ba ang tunay na may sala? Ako ba? O ikaw?

This is the problem na kasi ngayon, sa napaka konting di pagkaka-unawaan nauuwi na agad sa di pagkakaintindihan. Dapat kasi sa relasyon bes wag ka magmadali di porket mahal mo na siya go ka na agad. Dapat you should be prepared muna bago ka nag enter sa relationship, be the best version of yourself muna, pray ka lagi kay God tulad nung nag pray ka before your thesis at kapag ready ka na, let God do the rest na. Kaya take it easy na muna para di ka niya iwan for something so innocent. At di mo matanong sa sarili mo na “Is this the end? Thought you’d be there thru thick and thin.”

 

 

Send me the best BW Tampal!

* indicates required