Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Paalam na sa dulo na hindi natin naabot. Nasa gitna pa lang pero bigla nang natapos

Mahirap tanggapin ang katotohanan na pinagtagpo pero hindi pinalago.

‘Yun bang hinayaan manahan sa presensya ng bawat isa, hanggang sa bigla na lang huminto

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Hindi akalain na hahanapin yung bagay na dati naman ay ayos kang wala

Yun bang kaya mo magpatuloy pero hanap mo pa rin ang presensya niya

Minsan mo nang sinabi sa sarili na di na uulit, o na gagalingan mo na sa susunod

Pero bakit natatalisod ka nanaman sa mga pangako na ikaw mismo ang nagbunsod?

Alam kong tapos na at nagpaalam na, ang ayos pa nga kasi sabi mo “Ako Na”

kaya kumapit ako sa mahabang panahon, hanggang sa sabihin mo na “Okay Na”

pumasok sa mala-relasyon na wala namang pundasyon

Mahabang panahon din ang ginugol ko sa paghihintay

Ngayon handa na ako na mag-isang tahakin ang direksiyon

At sabihin na ang aking paghihintay ay naging makulay

Unti-unting natuto – na tanggapin ang dulo na kahit kailan ay hindi magiging atin

Send me the best BW Tampal!

* indicates required