Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Sabi mo ako’y iyong gusto na di mo kayang mawala ako, pero ano ba’to bigla kang naglaho, ni ha? ni ho? Walandyo!

Dati hanggang magtago ang haring araw ay kausap mo pa ako pero san ka na nga ba? di pa ako nakakabilang hanggang tatlo tinaguan mo na agad ako!

Nasayang lang load ko na nirehistro ko sa combo, hindi ako tumataya sa lotto pero baka doon nanalo pa ako kesa naman sayo na ang laki ng tinalo di naman ako bobo.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Isa mudawa mudaru arudu semplang andaming beses kong binilang na ako sayo’y wala lang, di mo ba naiisip na ako’y nabubuang?

Ngayo’y ako’y natuto na di lahat ng nagpaparamdam ay dapat bigyan ng pakialam, bantayan ang puso pero wag itong ikandado.

Sana naman kung nababasa mo ito ay iyong mapagtanto na di biro ang pakiramdam na ganto, na ang puso nami’y di bato na bigla ka na lang magiging multo kasi di naman kami rebulto.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required