Current Article:

5 Things you need to know before climbing a mountain

5 Things you need to know before climbing a mountain
Categories Faith

5 Things you need to know before climbing a mountain

1. HINDI MADALI pero WORTH IT, hindi madaling umakyat ng bundok lalo na kapag baguhan ka palang and kulang sa gamit. Bawat hakbang kailangan ng pagiingat, kailangan kumapit sa vines and branches. Pero kahit mahirap worth it ang bawat steps. kahit anong klaseng step pa yan.. Parang walk natin when it comes sa Faith natin kay Lord. Hindi madali kasi madalas hindi natin gusto yung pinapagawa satin ni Lord mahirap i-Let go ang mga bagay bagay na nakasanayan na natin gawin. Mas gusto nating magtiwala sa sarili nating kakayahan pero as a Christian madami ding dumaang pagsubok sa buhay ko. May mga times din na hirap na hirap ako i-let go ang mga bagay na nakasanayan ko na. Pero hinayaan kong si Lord ang kumilos sa buhay ko. Trust me with this. SA UMPISA MAHIRAP MAG-LET GO NG MGA BAGAY NA KINAADIKAN OR NAKASANAYAN NA NATIN. PERO MAS MASAYANG MAGING FREE SA KASALANAN.

2. MADULAS ANG DAAN… kapag aakyat ka ng bundok may dadaan kang diretso, matarik, mabato, at maputik hindi ka dapat maarte., dahil minsan hindi maiiwasang madulas ka lalo na kapag maputik ang daan.At minsan hindi maiiwasang matumba at maputikan ka minsan nga masusugatan ka pa.Kaya dapat dobleng ingat sa paglalakad at pagkapit sa mga sanga dahil minsan may mga sangang marurupok na maaari mong ikatumba. Bilang isang Kristiyano madami kang pagdadaanan may madali, may mahirap minsan nga madudulas pa tayo eh… Pero hindi ibig sabihin na dapat na tayong sumuko at hindi na itutuloy ang pagtahak ng daan na inihanda sa atin ng Panginoon. Wag kang susuko kapatid. Magtiwala ka lang sa plano Niya para sayo. Hindi madaling maging Kristiyano dahil madaming pagsubok pero kapag nakarating kana sa plano Niya para sayo PINAKA NA THE BEST PA.

3. MAGING HANDA… kapag aakyat ka ng bundok kailangan mo ng iba’t ibang gamit tulad ng trekking shoes, gloves, madaming tubig, atbp. and higit sa lahat dapat handa ka sa anumang maaaring mangyari sayo. pwedeng madulas, masugatan at kung ano ano pa. sobrang nakakapagod umakyat lalo na pag baguhan ka palang na tipong gusto mo nang sumuko pero kinakaya mo dahil alam mo na maganda ang reward kapag narating mo na yung pinatuktok ng bundok. Fulfilling kumbaga,At hindi mo na pinapansin lahat ang pagod, hirap,sugat at pawis kapag narating mo ang itaas puro saya at ngiti ang makikita sa iyong mukha. Bilang isang Kristiyano kailangan lagi kang handa. Dahil madaming pagsubok ang dadating sa buhay natin kung hindi ka handa maaaring sumuko kana at hindi na magpatuloy pa. Madaming temptations ang ating mundo ngayon. Kung mahina ka spiritually mahihirapan kang tahakin ang daang inilaan ng Diyos para sayo. Sapagkat hindi madali marating ang kalooban ng Diyos sayo susubukin niya ang iyong pananampalataya sa kanya. At kapag nagtagumpay ka sa tinatahak mong daan na inilaan ng Diyos para sayo hindi lang saya ang makikita sa mukha mo kundi pati testimony na ang isang tulad mo ay ginamit ng Diyos para maging pagpapala para sa ibang tao.Kaya ibabad ang sarili sa presensya ng Panginoon. Sa pamamagitan ng Pagbabasa ng Bible, Devotion at Pagdadasal. Ito ang mga bagay na dapat mong gawin para maging handa ka sa Daang tatahakin mo. DAPAT LAGING I AM READY 💪

4. KAPIT LANG BES. Sa pag.akyat ng bundok kailangang kumapit ka sa mga sanga at kung ano ano pa na pwede mong kapitan.Dahil pag matarik ang daan kailangan mo ang tulong ni GPS (Gapang Para Safe). At kailangan mo ng tulong ng mga sanga, pero magiingat ka dahil may mga sangang maaaring marupok at hindi matibay na maaari mong ikadulas. Kaya kapit at ingat palagi. Parang sa buhay ng isang Kristiyano, mahilig nating sabihin sa sarili nating kapit lang bes, kapit ka lang kay Lord kakayanin mo din to. Oo, tama naman na kumapit tayo kay Lord. Pero mas maganda atang pakinggan na LORD HAWAKAN MO KO. Kasi kung tayo ang kakapit kay Lord may tendency na bumitaw tayo dahil pagod na tayo, nangalay na tayo or ayaw na natin kasi ang hirap. Pero kung hahayaan mong si Lord ang humawak sayo hinding hindi ka niya bibitawan. Kahit pasaway ka, makulit ka, di ka sumusunod sa magulang, nagmumura ka po or kung sino ka man. Hinding hindi ka niya bibitawan andyan lang siya laging nakahawak sayo. At sinasabing ANAK SABAY NATING TATAHAKIN ANG LANDAS PATUNGO SA TAGUMPAY. Kaya LET GOD HOLD YOU KAPATID hinding hindi ka niya hahayaang maligaw or madulas sa makamundong bagay. Magtiwala ka lang sa kanya. Simula palang ng isilang ka sa mundo ito. May maganda na siyang plano para sayo.

5. MABIGAT ANG BAG… kapag aakyat ka ng bundok di maiwasang magdala ka ng madaming tubig dahil paniguradong pagpapawisan ka. Mahihirapan kang umakyat dahil mabigat ang bag mo pero hindi mo din ito pwedeng iwan kasi kailangan mo to para makarating sa tutok. Masakit sa likod magbuhat ng bag lalo na pagpaakyat ka ng bundok kasi lahat ng pressure at bigat nasa likod mo na para bang kada hakba mo onti onti ka nang nauubusan ng lakas. Pero minsan ba naisip natin na “GAANO KAYA KABIGAT YUNG CROSS NA BINUHAT NI JESUS PARA MALIGTAS TAYO SA KASALANAN?” o kaya “GAANO KAYA KALAYO YUNG NILAKAD NI JESUS HABANG HIRAP NA HIRAP SIYANG MAGLAKAD KASI MABIGAT ANG DALA NIYA AT NAPAKARAMI NIYANG SUGAT?
Tayo bilang isang Kristiyano madami tayong kinakaharap na problema at pagsubok kaya minsan yung iba sa atin sumusuko na lang kapag hindi na nila kaya… pero tandaan mo kapatid walang problemang binigay ang Diyos na alam niyang hindi mo kakayanin. Kasi gusto ka Niyang subukan kung gaano katatag ang faith mo sa kanya.

Ito ang pinaka-tumatak sa puso’t isip ko habang umaakyat kami ng bundok, na kahit anong bigat ng kasalanan na ginawa satin hinding hindi tayo hinayaan ng Diyos na maging mag-isa.

“Cast all your burden upon the Lord and He will sustain you.He will never allow the righteous to be shaken.” Psalm 55:22

#KeepMovingForward #MountainClimbing

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *