Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

An Open Letter to the Man I love most❤

Hello Lovey,

Nais ko lang magpasalamat sa walang katapusang pagmamahal.
At gusto ko din po sana ishare sa kanila yung story natin How we started..

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Tanda mo mahal taong 2006 2nd yr high School pa lamang tayo ng  mag meet tayo sa hindi pa sinasadyang pag kakataon.
Hinahunting kita sa canteen kasi nagmessage ka sakin at sinabihan moko na ang arte arte ko! The end of the day malalaman ko classmate mo pala yun na gay.
Ang war freak ko pa nung mga panahong yon dahil sasapakin kita😂

Doon tayo nagstart nagsorry ka kasi sakin Inamin mo na hindi ikaw yun which is true naman dahil nakilala ko din ung totoong nagmessage non sakin

Dito na tayo nagstart magusap late night convos. Di pa uso touch screen na cellphone non puro de’ keypad pa kaya ang ingay ng keypad sa gabi.
Naging Close tayo hanggang sa di natin namamalayan may feelings na tayo sa bawat isa, Pero noong mga panahong yon focus pa tayo sa pag aaral natin bata pa kasi tayo noon. Hanggang nagkasundo tayo na friends muna til makagraduate tska mo ako liligawan.
natapos ang 2nd year highschool ganon pa din tayo lalo pa nga tayo nagiging close sa isat isa pero natatandaan mo ba mahal hindi tayo naguusap in person noon lagi lang sa text minsan letter pa palitan ng mga love letters❤

Ang bilis ng panahon 4th year na tayo at ang swerte classmates tayo. Ang saya nito. Pero dito pala matatapos anong meron tayo noon, Dito pala matatapos ung 2 taon na inantay natin 🙁 Kasalanan ko mahal nag kagusto ako sa iba binalewala kita, iniwan magisa binalewala ko yung dalawang taon natin noon after non hindi mo ako kinausap hanggang sa makagraduate na tayo. Gustong gusto kita kausapin noon, Pero ano karapatan ko kausapin ka? Kaya wala natapos ang highschool naghiwalay lahat tayo at hindi na kailaman man nagusap.

4 years after..

Nagkita muli tayo sa di inaasahang pagkakataon pero parang di tayo magkakilala dahil di man lang tayo nagpansinan..

May gf ka noon may bf din naman ako..

Pero hindi din naman nag tagal.

makalipas ang mahigit 3 taon..

Heto na naman, Pinagtagpo ulit tayo ng tadhana sa pamamagitan ng nagpost ako ng profile picture ko sa fb nagcoment best friend mo at ang nilagay sa comment box name mo doon tayo nag kachance imessage ang isa’t isa nag usap tayo kamustahan hanggang sa nasundan na naging araw araw at nagkikita na ulit tayo In short bumalik na tayo sa dati mahal mo na ko ulit napatawad mo na ako sa nagawa ko noon sayo binigyan mo ulit ako ng panibagong chance Ipinangako ko noon sa sarili ko na di na kita sasaktan ulit..

pero lumipas ang ilang araw, buwan..

Hindi ko na naman natupad pangako ko ulit sobra kita pinaasa Iniwan kita, nawala ako ng parang bula iniwan kita ni hindi ko man lang naisip yung feelings mo..

Iniwan kita dahil napagod ako nagsawa sa paulit ulit natin away, napakaseloso mo lagi kang tamang hinala pag late ako umuuwi galing work.

Hiyang hiya ako sa family mo noon dahil ako unang gf mo na napakilala sa kanila pero ako paulit ulit ka sinasaktan.

Eto na naman di na naman tayo nagusap  nawalan na naman tayo ng communication..

Nagbago buhay mo ganon din ako nasanay ka wala ako nasanay din ako na wala ka! Nag move-on ako kinalimutan kita na parang wala akong ginawang mali sayo

Nagkaron tayo ng kanya kanya buhay..

Hanggang sa dumating ako sa point na..

Nagsisisi ako bakit ko un nagawa sayo na sana pwede ko pa ibalik ung mga panahong kasama kita sobrang sising sisi ako kasi napatunayan ko sa sarili ko na mahal kita di lang mahal kasi mahal na mahal kita. Nagsstalk ako sa fb mo pero you looks so happy na kaya di na kita inistorbo pinigil ko na lang feelings ko kasi at the first place kasalanan ko lahat ako lagi nang iiwan noon pa man. Sobra na yung sakit na napadama ko noon syo at napadama ko paulit ulit

lumipas ang mahigit isang taon Naglakas loob ako kamustahin ka, at sobrang happiness ung naramdaman ko ng sumagot ka sa mga messages ko Doon ko din nalaman na sa tagal tagal natin di naguusap Hindi mo pinalitan nicknames natin sa messenger. Humingi ako tawad sayo sa lahat lahat lahat ng sakit na binigay at ipinadama ko sayo

Oo hindi ganon kabilis bago ka nagtiwla magmuli sa akin hindi ganon ganon nawala galit mo sa akin which is naiitindhan ko po.

Araw araw ako nagppray na sana ibalik ka na sa akin at pinapangako ko na hindi ka na sasaktan magmuli alam ko mahirap paniwalaan ilang chance na ba nabigay mo sa akin napakarami na kasing dami ng pananakit ko sayo noon.

At answered prayers pa din naman binalik na ni god yung taong pinapangarap ko at mahal na mahal ko..

at thanks god kasi minahal mo ulit ako.

Nagtiwala ka ulit sa akin ngayon..

Lovey salamat sa walang sawang pagmamahal ilang beses man kita pinaluha iniwan mag isa sinaktan Hindi nagbago yung love mo sakin..

Salamat mahal salamat ipinapangako ko sa harap ni god na hindi kita iiwan at sasaktan gaya ng nagawa ko noon mahal na mahal kita mahal ko..

araw araw ako mag tha-thank you kay god kasi binalik ka na nya sakin

Lovey027
Since 2006

Send me the best BW Tampal!

* indicates required