Hindi man patas ang Mundo.
Categories Faith

Hindi man patas ang Mundo.

“UNFAIR ANG MUNDO” isang kataga na madalas nating maringgan. Mga salitang magpapatunay na, hindi nga patas ang mundo. Hindi kailanman magiging balanse ang mundo sa lahat. Ngunit, bakit patuloy ka pa ring lumalaban sa mundong may nakalalamang? Bakit patuloy ka pa ring nagbibigay kahit wala ka na? Bakit patuloy ka pa ring nangangarap kahit imposible na? Bakit ngumingiti ka pa rin kahit sa loob-loob mo’y wasak ka na?

 

Mahirap mang sagutin, pero isa lang ang sigurado ka. KASAMA MO SIYA! Siya, na pinalaya ka dalawang libong taon na ang nakalipas. Siya, parating nagsasabi sa’yong kaya mo ‘yan. Siya, nagsasabi sa’yong namumuhay ka man sa di perpektong mundo ay may purpose ka. Nilikha Niyang hindi patas ang lahat, nilikha Niyang hindi perpekto ang mundo upang maalala mo Siya. Upang lapitan mo Siya kapag tinakasan ka ng pag-asa at lakas ng loob.

 

Mahirap mang unawain ang mga bagay-bagay. Madalas man tayong magtanong ng BAKIT. Madalas man tayong maguluhan at maligaw. Isa lang ang sinasabi Niya, LAPITAN MO SIYA. Humingi ka sa Kaniya ng tulong, magsumbong ka sa Kaniya, umiyak ka sa mga bisig Niya, maging marupok ka sa Kaniya, maging mahina ka sa Kaniya dahil kahit gaano ka man kabasag, kawasak, makasalanan, mahina, marupok ay palalakasin ka Niya. Hindi ka Niya bibiguin sa mundong hindi patas.

Dahil, Siya,ang Panginoong Diyos, isinugo ang sariling Anak. Maging malaya ka lamang! Ano man ang pinagdaraan mo, ano man ang pagsubok na kinahaharap mo, ano man ang iniisip mo. Hindi Siya magdadalawang isip na palakasin ka gaya ni David basta, unahin mo SIYA.

Prev To the guy I have never known.
Next Sa wakas ay dumating ka na