Dahil sa kaniya natuto akong wag mag greet ng kung sino sa facebook.

Birthday niya nun at binati ko siya thru chat.  di ko talaga siya kilala lahat naman kasi ng may birthday na notif sa facebook talagang binabati ko hanggang sa nakilala ko siya.  Nung una, friends kami hanggang sa umamin siya sakin after a week na gusto niya raw ako.  unang beses ko pa lang na may umamin sakin na gusto niya ako siempre na shookt ako nun di ko alam gagawin ko.   Naisip ko din na kapag naging kami di ko mabibigay oras na gusto niya kasi working student ako kaya after two months, iniwan ko siya.   Kahit na alam ko na mamasasaktan siya at masakit din para sakin yun ginawa ko pero sinabi ko naman sa kaniya na babalik ako pero hindi nga lang ngayon.  After three months, may bago na siya nalaman ko na lang na sila na pala nun.  Siempre masakit pero fault ko din naman kasi ako unang nangiwan pero sabi ng mga kaibigan ko, kasalanan niya din kasi di siya naghintay.

To this guy,

Hi!!! Alam ko naman na masaya ka na sa kaniya.  Nakikita ko naman yun.  Bagay kayo HAHAHA ship ko nga kayo ehh because you are both matalino and mabait. Also, cute din. I wrote this to confess na ikaw yung first love ko besides my dad.  Di kita makakalimutan you have taught me a lot of things in a short period of time.  Sana lang talaga naghintay ka kaso yun ata yung wala sa dictionary mo “wait and patience”   I think a time will come na magkikita din tayo ulit pero sana di tayo awkward yung tipong bago ka umamin.  Just like how we started as friends.  yun lang.