Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Ou, ikaw ang tinutukoy ko. Ikaw na darating pa lang at bumibyahe pa lang papunta sa buhay ko. Ikaw na dadatnan ako sa parte nang buhay ko na magpapasalamat na lang ako kung magsti-stay ka or piliin mo ring umalis na lang ‘din na walang pasabi. Nasa punto ako ng buhay ko ngayon na, nakasanayan ko na ang mga taong umaalis, tumitigil ng saglit at ‘yung iba’y pinipili na lang na hindi na sumaglit. Nasa punto ako ngayon ng buhay ko na, nakasanayan ko na ang may mga taong papatawanin ako, papangitiin at nakukuntento na lang ‘din akong magpasalamat. Mas nakasanayan ko na ang mga taong pag-aantayin ako , papaasahin at higit sa lahat, papaiyakin ako sa kabila ng mga nagawa at sakripisyo ko para sa kanila.

Ou, ikaw ang tinutukoy ko. Ang taong hindi ko alam kung matatanggap ako bilang isang nilalang na namamalimos lang naman ng kaunting atensiyon at pagmamahal. Isang taong daratnan ako na wala nang alam kundi magpatawad na lang sa mga taong nanakit sa akin at paulit-ulit na lang na sinasaktan ako. Siguro, daratnan mo ako sa puntong basag na basag ang pagkatao ko. ‘Yung tipong mas pipiliin ko na lang na tanggapin ang mga bagong darating pero hindi na rin makaramdam ng panghihinayang kapag nawala na kasi nasanay na lang din ako.

Ou, ikaw ang tinutukoy ko. Ikaw na darating at ewan ko ba kung may kasiguraduhin ako na darating ka pa. Hindi ko alam kong paanu mo ako bubuuin kapag nalaman mo ang kalagayan ng puso ko. Hindi ko na kasi alam kung tumitibok pa ba ito para na lang mabuhay ako o dahil may hinihintay pang darating. ‘Yung taong magbabago sa interpretasyon ko ng “pagmamahal” katulad ‘nung mga panahon na wala akong ibang alam kundi ang makaramdam ng kasiyahan dahil sa isang tao. Pero habang nasa biyahe ka pa at naisipan mong hindi ka mananatili sa tabi ko nang habambuhay. Pwede bang ‘wag ka na lang dumating parang awa mo na sa akin. Kung aalis ka ‘din naman, mas mabuti pang lumihis ka na lang ng daan at ‘wag ka na lang sumaglit kasi baka mag-expect na naman ako. Mag-a-assume na baka may isang tao pa na kayang manatili sa tabi ko kahit wala na siyang rason para gawin pa ito.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


 

“How do you heal a broken heart that feels like it will never love this much again?”

“Ou, ikaw ang tinatanong ko. Ikaw na darating pa lang sa buhay ko.”

 

Photo Credit: Mine

Lines from: How do you heal a broken heart by Chris Walker

Parkenstacker

Send me the best BW Tampal!

* indicates required