Hurt Till You Hurt No More
Categories Move On

Hurt Till You Hurt No More

Moving on is never that easy. Letting go was meant to be hard. And loving someone who’s clearly over you is painful in ways you don’t understand.
Nandyan yung naghihintay ka sa mga tawag niya kahit imposibleng tumawag siya. Nandyan yung update ka ng update sa my day mo kasi nagbabasakali kang titingin siya. Nagbabasakaling may konting pag-ibig o kahit na pake pang natitira sa puso niya. At lahat ng bakasakaling yan ang sanhi ng sakit na dinadama mo gabi-gabi. Dahil sa mga bakasakaling iyan di mo mapigilang matulala na lang sa hangin. Dahil sa mga bakasakaling yan alam mong nahihirapan ka pa.
Pero bakit nga ba natin sinasaktan ang ating mga sarili? Bakit pa ba tayo umaasa sa mga taong di na babalik? Bakit? Because of love, the memories, the songs, the feelings, dahil sa kaniya.
Dahil alam mo na kahit masakit siya parin ang hinahanap ng puso mo. Kahit na masakit pilit mo paring pinapaniwala ang sarili mo na mahal ka pa niya. Kahit masakit mahal na mahal mo pa rin siya.
Tinatanong mo sa sarili mo, “Kailan ba matatapos to? Kailan ba ako magiging okay? Kailan ba ako makakamove on?” Walang nakakaalam. Pero sa patuloy mong pagdama ng sakit, sa patuloy mong pag-asa at pagkadismaya darating ang panahong susuko ka na at sasabihin mong, “Malaya ka na.”
Wag kang mawalan ng pag-asa dahil darating ang panahong magiging malaya na ang puso mo sa lahat ng sakit na hatid ng nakaraan.
Hayaan mo ang puso mong damhin ang sakit hanggang sa kaya mo nang mahalin ang iyong sarili.