Iba tayo

Iba tayo sa kanila
Iba yung saten dalawa,
Iba yung kung ano tayo
Kayat sana’y wag mong ikumpara.
Di man ganon ka perpekto
Mga mga nagawa ko nung simula, di man ganon ka pulido mga sulat ko at tula,
Dalangin ko lang sana’y muling magtiwala.
Alam ko,
Oo
Na ang mga markang nagawa ko ay di na mabubura
Alam ko,
Oo
May mga bagay na di mo na kayang ibigay, sa kamay.. ko, lutay na uhay na tuyo’t walang buhay kayat trato mo ay di pantay oo minsan kong pinatay ang buhay ng puso mo kaya ngayon ay walang kulay na kahit aking ibigay ang panulat sa aking mga tula’t sanaysay ay wala na ring saysay.
Pero
Mahal,
Iba tayo
Hindi
Pwede ba?
Mag iba tayo?
Ibahin muli?
Magbalik sa simula?
Ang lamat na dulot ko ay di na magagawa! Pero pangako, mag pabago bago ka man at mag iba-iba di na ko lalayo.
Niyakap ko na ang pagbabago mo, dalangin ko lang na sana ay matutunan mo ding Ibahin ang pagkakakilala mo tulad ko.
Kase mahal,
Iba tayo
Ibang klase ang meron tayo
Ibang istorya
Siguradong bago
Wag na naten pagtagpi tagpiin ang bawat piraso
Kase mahal, mapapagod lang tayo
Ikaw at ako oo
Tulungan tayo
Mahal,
Palitan naten ng bago
Kase mahal
Di na ikaw
At di na ako

Noon

Kase mahal
IBA NA TAYO