Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Sa dinami rami ng tao sa mundo
bakit sayo parin ako nakahinto
hindi makaalis at heto nakatayo
tanaw na tanaw ang iyong paglayo
gustong habulin at yakapin
sabihing dito kana lang ulit sakin
ating simulang muli, nagbabakasakali
na maaring baguhin ang hinaharap natin
na baka pwedeng ikaw at ako parin
ituloy ang naudlot na kwento
kung saan may salitang tayo
masayang magkasama at kotento
ikaw ang kasama sa bahay na kongkreto
mag aantay hanggang sa makauwi ako
sabay kakain ng hapunang handa mo
matutulog ng magkatabi at magkayap tayo
gaya ng pangarap natin dati
ngunit mali dahil hindi mangyayari
tapos na, nakaalis kana, masaya kana
sa piniling landas na hindi na ako ang kasama

Send me the best BW Tampal!

* indicates required