Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Ilang Beses ka na bang nang-iwan, iniwanan o naiwanan? Ilang beses mo na bang naranasang magpalutang-lutang sa ere dahil sa di malamang dahilan? Kailan nga ba hindi naging masakit ang paglisan?

Sa hindi mabilang na pagkakataon may mga taong dumadating at umaalis sa buhay natin. May nananatili ng ilang sandali ngunit lilisan din kinabukasan. Minsan kailangan din nating lumisan upang tahakin ang landas na nakatakda nating puntahan. Kailangang lumisan upang makamit ang mga pangarap na kung titigil ka lang sa isang lugar, alam mong hindi mo matutupad. 

Hindi kailanman naging masakit ang paglisan kung alam mo na ito ay pagsunod sa landas na itinakda ng Diyos, ikaw man ang iiwanan o mang-iiwan. Hindi masakit pero hindi nawawala ang lungkot dahil may isa na namang taong mawawala sa bawat gala at sa bawat litratong kinukuha. Malungkot dahil may mga nakagawian ka na ngunit ito’y biglang mawawala. Ang paglisan ay ang panahon upang lumago sa ibang aspeto ng buhay. Panahon upang pag-aralang mabuhay malayo sa nakasanayan. 

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Naaalala ko ang isang panaginip. Isang taong naging laman narin ng aking mga dasal. Noong ako’y paalis na, may sinabi sya sa aking isang bagay na maaaring makapagpapigil sa akin ngunit alam ko ang dahilan ko. Alam ko kung bakit kailangan ko munang lumayo. Hindi niya ako napigilan at ipinaliwag ko sa kanya ang dahilan. Naputol ang panaginip pero sana’y naintindihan nya.

Kapag alam mo ang iyong dahilan, kahit sino man ay hindi makapipigil sa iyong paglalakbay. Maaaring makalimutan ka nila, hindi na iyon ang mahalaga. Ang pagsunod kay Bathala ang laging mauuna. Mahirap sa umpisa ngunit hindi ka nag-iisa. Huwag mong pigilan ang mga mahal mo sa buhay na maglayag ng hindi ka kasama dahil balang araw, sa di malamang pagkakataon, magtatagpo din ang inyong landas na kung saan may mga aral at kwento na kayong pagsasaluhan.

Maging masaya ka para sa kanila. 

Send me the best BW Tampal!

* indicates required