Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.
Bakit nga ba tayo nahantong sa ganitong sitwasyon?? Hayaan mong ipaalala ko sayo ang lahat, ang lahat-lahat bakit tayo naging ganon.
San nga ba ko mag sisismula?
Sa una, kung saan tayo nag kakilala.
Sa gitna, kung saan tayo naging masaya.
O sa huli, kung saan natapos ang lahat sa pagitan nating dalawa.
While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:
Pero teka lang, masyado yata akong nagpadala dahil sa una palang wala namang TAYO. Apat na letrang napaka daling sabihin. Apat na letrang napakasakit intindihin. Ngunit meron nga bang “TAYO”?
Dahil sa una palang alam ko ng merong KAYO pero bakit pinapasok pa rin kita sa puso ko. Bakit sa kabila ng nakikita ko sayo na hindi dapat kita papasukin ay pinapasok parin kita. Sa kabila ng mga sinasabi nilang mag-ingat ako sayo kinaibigan pa kita. At ikaw na din ang nagsabi na huwag akong mahuhulog dahil nawawasak lang ako. Hindi ko pinansin ang lahat ng yan. Hindi kita pinag isipan ng masama. Dahil iba ang sinasabi mo sa pinapakita mo, sa mga kilos mo. Ano nga ba ang paniniwalaan ko? Ang nakikita ko o ang sinasabi mo?
Oo alam ko na merong KAYO pero bakit? Bakit mo pa ko kinaibigan kung hindi rin pala magiging mag ka-ibigan. Hindi ka ba masaya sa kanya? At kailangan mo ng makakausap? Pero bakit ako? Bakit ako? Alam mong mahina ako, alam mong sa simplemg kilos lang ay nadadala ako.
Ang sakit kapag nakikita kong magkasama kayo. Ang sakit dahil wala namang TAYO ako lang ang bumuo sa salitang TAYO. Ako lang ang nakakaalam. Ang sakit kapag nagkakasalubong tayo kung pano mo iiwas ang mga mata mo para di nila mahalata. Natatakot ka bang malaman nila. Natatakot ka bang malaman nya? Pero kahit ganon, bakit mahal parin kita?
Alam kong talo ako sa sugal na ito pero sumugal parin ako. Para sayo mahal ko isusugal ko ang huling bala ko itataya ko ang puso ko para sa yo mahal ko. Pero bakit ganun, bakit ganun?. Bakit hindi parin sapat ang puso ko para manalo ako sayo.
Kasalanan mo ba? Oo kasalanan mo dahil sa mga kwento mo. Sa mga sinasabi mo na alam mong madadala ako. O baka naman kasalanan ko. Kasalanan ko dahil naniwala ako sa mga kwento mo, sa mga kwentong sinabi mong ako lang ay may alam. Ako lang. Dahil may tiwala ka sakin.
Dahil kapag ako ang kausap mo nagiging totoo ka. Nagiging seryoso ka dahil ang totoo palabiro kang tao. Binuksan mo ang mundo mo sakin. Pinakita mo kung sino ka talaga sa kabila ng mga tawa mo. Pero sa iba, hindi mo pinakita ang totoong ikaw kaya ang dali para sa kanila na husgahan ka. Gustong gusto kitang ipaglaban, gustong gusto kong sabihin sa kanila ang totoong nangyayari sa buhay mo. Pero hindi ko ginawa dahil alam kong ayaw mo yun. Mas ginusto mo pang husgahan ka nila kesa malaman ang totoong ikaw. Marahil natatakot ka. Kung natatakot ka. Mas natatakot ako, dahil sa tiwalang binigay mo sakin ay nahuhulog nako. Yan ang kinakatakutan ko ang mahulog ng walang sasalo. Ang TANGA ko. Ang tanga ko dahil pinaglaruan lang pala tayo ng tadhana. Dahil pinagtagpo hindi dahil para maging TAYO. Pinagtagpo para may matutunan sa bawat isa at sating mga sarili.
Pero bakit sa kabila ng lahat ng yan. Bakit? Bakit ganito? Bakit mahal pa rin kita? Kahit nagmumukha na kong TANGA mahal pa rin kita. Hindi ko alam kung anong meron ka bakit hindi ka magawang pakawalan ng puso kong tanga. Hindi ko alam bakit sa kabila ng pait at sakit ikaw parin ang gusto ng puso ko. Mahal pa rin kita. Yung kasiyahan na nakita at naramdaman ko sayo. Yun yung saya na di ko makita sa iba hanggang ngayon mahal pa rin kita. Alam kong may nawawalang parte sa puso ko nung nawala ka. At hindi ko alam kung kailan ko maibabalik yon. Nasan ka na ba? Ito ang masakit sa relasyong walang label hindi mo alam kailan sya babalik, hindi mo alam kung babalik pa ba sya. Babalik ka pa ba? Dahil wala kang karapatang magtanong sa kanya, dahil walang kayo. Pero bakit, bakit? Alam ko namang walang TAYO pero bakit hanggang ngayon naghihintay parin ako, naghihintay parin na baka.. baka.. baka.. babalik ka. Ayokong tumingin sa iba para kung sakaling babalik ka nandito pa rin ako nakatingin sayo. Dahil mahal pa rin kita.
Bakit nga ba tayo na humantong sa ganitong sitwasyon? Hindi ko din alam, hindi ko din alam, at hindi ko din ginusto ang ganitong sitwasyon. Hindi ko alam kung anong dapat kung isipin. Kung anong dapat kong gawin. Wala akong karapatan sayo. Dahil sa una palang naging malinaw na wala namang TAYO. Ako lang ang nagpagulo sa sarili kong mundo. At ngayon ako lang din ang makakapag patayo sa sarili ko. Wala pala akong dapat sisihin kundi ako lang. Dahil simula pa lang nung una naging malinaw ka na sakin pero binaliwala ko yun at mas ginusto kong masaktan ako, dahil mahal kita. Hindi ko tinignan kung anong pwedeng mangyari sa kin ang alam ko lang noon na sapat na, na mahal kita. Hindi pala sapat na mahal lang kita.
Alam kong masaya ka na ngayon. Sana masaya ka nga sa desisyon mo. Alam ko namang wala kang pagsisihan dahil yan lagi ang sinasabi mo sakin. Yan ang lagi mong paalala sakin. Na kahit anong maging desisyon huwag na huwag mong pagsisihan dahil sa bandang huli ikaw din ang masasaktan.
Pero hanggang dito nalang, kalilimutan ko na ang nararamdaman ko sayo, isisigaw ko nalang sa hangin na mahal kita. Mahal kita.
Pero kung sakaling babalik ka, kung sakali lang naman. Sana nandun parin ako naghihintay. Huwag mo sanang hayaang mapagod ang puso ko sa kahihintay sayo.
Mahal pa rin kita kahit masakit na. 💔