Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

  1. Naramdaman mo sakanya ‘yung ibang klaseng saya, ‘yung feeling mo isang kang napaka-halagang tao kapag kasama siya. Gabi gabi kayo magka-usap, hindi ka na nakaka-tulog ng maayos kasi, para sa’yo mas importante pa siya kaysa sa tulog. Kahit minsan sobrang bagal niya mag reply, okay lang sa’yo kasi ang importante nagkaka-usap kayo. ‘Yung ang tiyaga tiyaga mo mag-isip ng topic na interesting just to keep the convo going, tapos ang bilis mo parin mag reply kahit siya inaabot ng ilang minuto, oras, minsan pa nga araw bago mag reply. Pero okay lang yun lahat sa iyo. Kasi nga, mahal mo. Oo na, at oo din, ang tanga mo.

 

 

Alam niyo yun? ‘Yung nararamdaman mo na, this is it, malapit na magka-label ang relationship niyo. Yung feeling na na-imagine mo na ang future niyo together at kung ilang anak ang sasabihin mong gusto mo. ‘Yung alam mo na kung paano ang pirma mo kapag pareho na kayo ng apelyido. Tapos, noong mag ta-take ka na ng risk, noong handa ka na mag confess, ‘yung kahit ikaw ang babae you are going to make the first move tapos malalaman mong may girlfriend na pala siya.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


 

 

Ang sakit-sakit.

 

 

Pinaasa ka niya sa wala. ‘Yung feeling na dinala ka niya sa isang napaka-gandang lugar, tapos noong nandoon na kayo bigla ka niyang iniwanan. Ni hindi mo alam ang daan pabalik, ni hindi mo nga alam kung paano ka makaka-alis doon. Habang mag-isa, mapapa-isip ka, bakit gustong gusto natin ‘yung taong alam naman natin na hindi kayang ibalik ang nararamdaman natin. ‘Yung mga taong ang kaya lang ay kunin lahat ng pagmamahal na ibinibigay natin, uubisin nila, wala pang ititira at hindi pa magawang ibinalik. Mahirap na nga ‘yung magustuhan tayo… mahalin pa kaya?

 

 

 

Pero sige, hayaan na natin sila. Balang araw makakasalubong natin sila sa kung saan, kukumustahin nila tayo at ang tanging maisa-sagot lang natin ay, “Ito, sobrang saya, nakabalik na ako galing sa lugar kung saan mo ako iniwang mag-isa.” Magsasalita pa sana siya pero naglalakad ka na palayo sakanya. Palayo sa taong akala mo bubuo sa pagkatao mo pero dumaan lang para para ikaw ay matuto.

 

Pero alam niyo? Sana madali lang, ano?

Send me the best BW Tampal!

* indicates required