Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Naghanap ng iba
Nagkaroon ng iba
‘Yan ang sabi nila
‘Yan ang sabi mo ‘di ba?
Ngunit lingid sa inyong kaalaman
Kung ano ang aking nararamdaman
Sakit ay pilit tinatakbuhan
Sugat ay pilit na tinatakpan.

Nagkaroon na ng iba
Tila tama kayo ‘di ba?
Ngunit sugat ay naandito pa
Niloloko ang sarili na ako ay ayos na
Hinahanap ang saya sa iba
Kahit na alam ko sa’yo ko lamang ito makikita
Hinahanap ang pagmamahal sa iba
Kahit na alam ko sa’yo ko ito madarama.

Pinasok ang sarili sa sitwasyong ‘di sigurado
Nagbabakasaling pag gising lahat ay burado
Pinipilit ang sarili na sumaya sa kasalukuyan ko
Ngunit alam ko,
Ako’y ginugulo,
Malungkot,
At nakikipaglaban parin sa nakataan ko.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Bawat palakpak,
At bawat halakhak,
Sana’y kamay mo ang aking hawak
Pagkat katumbas nito ay mga luha g pumapatak
Ako’y humahaglpak ngunit puso’y nabibiyak.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required