Pag-asang Maging Tayo

139

Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Snob ka.
Friendly ako.
Magkavibes tayo.
May mga bagay na magkaiba tayo.
Pero mas madami yung bagay na magkapareho tayo.


Akala ko may chance na mapansin mo ko.
Kase natutuwa ka kapag kausap mo ako.
Akala ko may chance na maging tayo.
Kase sabe mo mapalad yung makakatuluyan ko.

Pero, siguro hanggang dun lang yun.
Walang chance na maging tayo.

Dahil………

May gusto kang iba. Pero gusto kita.
Bukambibig mo sya. Bukambibig kita.
Iniisip mo sya. Iniisip kita.

Yung mga oras na na-spend naten sa isat isa, ngayon alam ko dahil magkaibigan tayo.
Hindi ako nag-assume, pero humihiling ako.
Na sana, ako nalang yung piliin mo.

Pero sabi nga diba, if you love someone you let them be happy.
I pray na maging masaya ka, at magiging masaya ako para sayo.
Alam ko naman ang limitasyon ko.
Alam ko din na sa una palang walang pag-asang maging tayo.
Dahil magkaibigan lang yung turing mo sa kung ano ang meron tayo.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:







Send me the best BW Tampal!

* indicates required