Current Article:

Para sa best friend ko dati na nilamon na ng jowa

Para sa best friend ko dati na nilamon na ng jowa
Categories Confessions

Para sa best friend ko dati na nilamon na ng jowa

April 01,2020

123,Hinahabolmopayungbeshiemo St., EhkinalimutankanangadahilsaJowa City

Dear Bes,

Madaling araw na, hulaan mo kung anong ginagawa ko… I’m about to sleep pero I need to check some photos that I need pero iba yung nakita ko.. photos natin, ulitin ko ah photos ,Hindi lang Isa, Hindi lang dalawa, as in sa sobrang dami di ko na mabilang.. di naman ako magtataka almost 5 years ba naman tayong magkaibigan, sa lahat ng bagay nandyan tayo para sa isa’t-isa.. before… bago ka pa magkajowa… dati… Never ko namang naisip na may mga friendships na nasisira dahil sa jowa.. na may mga kaibigang nakakalimutan dahil may jowa na…
Alam ko lahat ng napagdaanan mo.. Yung mga success mo, yung pain, yung struggles, kaya ako yung pinakamasaya na finally nameet mo na si the one. Sa una,mahirap, imagine, sa halos 5 years, di lang kita kaibigan, co-worker din kaya literally araw-araw tayong magkasama, ako lagi kausap mo, talking about serious and kalokohan stuffs, ikaw yung kasama ko sa lahat ng galaan moments, sa iyakan moments, then at one snap, sya na kasama mo, sya na lagi mong kausap, sya na yung taong lagi mong hinahanap.. kailangan kong mag adjust..pero I’m fine with it kasi gusto ko masaya ka, gusto ko this time isipin mo naman yung sarili mo kaya sa mga lakad nyo na kasama ako, I make sure na hindi mo mararamdaman na nakikiagaw ako ng moments nyo, kahit maging dakilang third wheel ako, ok lang, minsan libre nyo naman e haha charot.
Until dumating na yung pinakakatakutan ko.. We are drifting apart. In 5 years na katrabaho ka and at the same time, kaibigan, ngayon ko lang nafeel yung ganito, Yung feeling na nagdodoubt na ko sa friendship natin. Yung feeling na di ko na alam kung san ako lulugar, kung katrabaho mo ba o kaibigan mo. Bakit ganun, parang unti unti kang nagbago? Dahil ba may jowa ka na :(? Dahil kahit anong mangyari meron kang taong masasandalan.. Di ko sinasabi sayo nung una kasi sabi ko kaya ko, tanggap ko lahat ng katopakan mo, lahat ng mood swings mo,kahit ang dami dami ng nagsasabi sakin na sobra ka na, pero ako, okay lang. Pamilya na kasi yung turing ko sayo, na sa tuwing uwian na sa work, I still wait for you na abutin na ko ng gabi pero okay lang kasi that’s how I value you. Na sa tuwing may ipapasuyo ka sakin kahit alam ko naman na di ko na work yun, ginagawa ko, pero okay lang gusto kitang tulungan kahit sa maliit na paraan.  Na sa tuwing magbibitaw ka ng mga below the belt na jokes tapos hindi ko magustuhan e ikaw pa tong magagalit, pero okay lang kasi kaibigan kita.
Na sa tuwing may sinasabi akong secret/ girl thing tungkol sa taong gusto ko, alam din ng jowa mo pero okay lang kasi baka wala lang talaga kayong itinatago sa isa’t-isa na maski yung secret ko inopen mo sa kanya. minemeasure ko din naman kung masyado lang ba talaga akong sensitive or minsan insensitive ka lang ba.
Until one day, Hindi ko alam, bigla akong naubos… Dumistansya ako hindi para saktan ka ha, gusto ko mag heal at gusto ko lang kasi sanang marealize mo yung mga bagay bagay, pero ang ending nagamit ko yung lines ni Bea Alonzo “bat parang kasalanan ko, kasalanan ko?”
Mas lalo tayong lumala, di mo matago yung inis mo sakin na kahit sa work natin nadadamay yung mood mo. Pati mga taong sinasamahan ko nung mga time na may mga misunderstandings tayo, nadadamay.
and finally, nagkaroon tayo ng chance na mag usap. Doon luminaw sakin lahat…
Naging malinaw na parang napilitan ka lang makipag ayos kasi kailangan. Naging malinaw na sa tuwing magkakasama tayo ng jowa mo, akala mo ayoko syang kasama kaya dumidistansya ako, kahit alam mo na mas nauna kaming magkakilala at magkaibigan din kami noon palang. Naging malinaw nung sinabi mo na pinagiisipan mo na hindi na ko imbitahin sa kasal mo.  Naging malinaw na nagiging malabo na tayo.
pero nagsorry ka naman, di ko nga lang alam kung labas yun sa ilong pero sa totoo lang napatawad na kita. Pero ang mas mahirap palang gawin is yung makalimutan lahat ng nangyari at ibalik yung Trust na nawala..
Hindi na tayo nabalik sa dati.
May mga nahanap ka ng ibang kaibigan at ako rin.
siguro may mali rin ako kasi lahat ng pagkakataon ikaw lang inisip ko, na I just allowed myself na ikaw lang yung itreasure sa lahat ng taong nagpapahalaga sakin. at yun yung mali ko, Kaya sa tuwing magkakaroon tayo ng mga small fights,di ko alam kung sinong tatakbuhan ko pero nung nangyari to lahat. Unti unti kong nakita lahat ng mga taong nasa likod ko lang pala, laging nandyan, especially sa pamilya ko.
Siguro mali rin na di ko masabi sayo kapag naooffend mo na ko kasi may time na triny ko pero ang ending ikaw yung nagalit. Dapat naging honest ako. Sorry.
Naisulat ko to kasi while I’m browsing our photos, I just found myself crying, realizing na memories na lang lahat yun. Ang sakit pa rin pala sobra.

I just want to tell you na you will always have a special space in my heart, my best friend/ older sister/travel buddy, I just wish you all the happiness in the world kahit hindi na ako part nun. Sorry rin if you feel na naiwan kita pero hindi. sorry kung feel mo na nagbago ako pero siguro more on natuto. I hope na one day, matanggal na lahat ng pait sating dalawa at pagtatawanan na lang natin lahat ng nangyari sa past. Andami nating natutunan na lessons, I hope someday yun na lang ang maalala natin. Best wishes sa kasal mo kahit hindi na ko invited haha

P.s. sana ako na lang yung last na tao na makakaramdam nito ah, alam ko na may jowa ka na, na kahit iwanan ka pa ng lahat may isang tao na nandyan na para sayo pero sana wag mong kakalimutan yung mga taong nandyan sayo nung time na umiiyak ka palang ng dahil sa kanya haha yun lang. Labyu 🙂😘

Nagmamahal,
best friend mo dati na lumalamon lang 🍔🍗🍕🍟🥯, walang jowa hahaha
#foodislifer😂