Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Ako,
Ako lang naman yung taong lahat okay lang
Okay lang masaktan, mabalewala at magamit
Tipong kahit na masakit
Ang mahalaga sayo padin nakadikit

Sya,
Sya yung taong nagparamdam sakin kung paano maging masaya nung panahong wala ka,
Nag-alaga, nag-alala, nagparamdam ng pagmamahal sa tuwing ako’y nangungulila

Ikaw,
Ikaw yung taong hindi ko mabitaw bitawan
Na kahit paulit-ulit tayong nagkakasakitan
Sa huli ikaw padin yung taong hindi ko mapagkaitan

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Pinili kong piliin ka
Dahil sayo ako masaya
Pero ‘bat iba na ang iyong pinararamdam
Halos di ka na maramdaman

Sa pagpili ko ba sayo
Iba na ang napili mo?
Nagpapanggap na lang akong walang alam
Kahit ramdam kong ang saya mo’y iba na ang dahilan

Pero mas pinili ko paring piliin ka
Kasi sayo ko lang nadama ang magmahal ng hindi pilit
Na kahit anong pait, sakit at galit sayo padin lumalapit.

Paulit ulit man ng pangyayari
Sayo padin handang magpaapi
Pinili kita dahil mahal kita
Pero huli na ba para piliin ka pa?

Masakit man isipin
Mas pinili ko yung taong hindi ako yung piniling mahalin kesa sa taong alam kong kaya akong ibigin.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required