Sampung Hakbang
Categories Poetry

Sampung Hakbang

“SAMPUNG HAKBANG PALAYO SAYO”
Una, Unang hakbang Palayo sayo, teka pano ko nga ba sisimulan to? ah oo hahakbang ako ng isa para masundan ng ikalawa, eto na talaga Hahakbang nako ng isa at gigising ako sa katotohanang wala talagang pag-asa

Pangalawa, teka teka… wala ba talagang pag-asa o pangalawang pagkakataon to, pwede naman sigurong pag-usapan to,

Ikatlong Hakbang na pero di ko pa din kaya, mahal pano nga ba? pano nga ba ulet yung ginawa mong hakbang para lumayo saken? ituro mo naman saken kahit sa ika-apat na hakbang na, at sa wakas

Ika-apat na, ngunit bakit di pa rin nag wawakas ang pagkahumaling ko sayo kahit na sobra na ang sakit na naramdaman ko? Sana naman sa ikalimang hakbang ay magising na ko sa katotohanan na wala ka na talaga sa tabi ko,

Lima, pang-lima na, kalagitnaan na pero ako nagsisimula pa lang sa pagbura ng mga ala-ala… na ikaw ang kasama, limang salita lang ang itatanong ko sayo at magsisimula na talaga ako, “Mahal mo pa ba ako?”

At sa ikanim na Hakbang ay sinagot mo din ng anim na salita ang tanong ko na nagmulat sa akin sa katotohanang wala na talagang pag-asa to ,ng bitawan mo ang mga katagang “pasensya na Hindi na kita mahal”

Ikapito na, tatanggapin ko na talaga Kakalimutan ko na ang mga Masasayang ala-ala nating dalawa

Ikawalo, eto na Dalawang hakbang na lang at tuluyan na akong Lalayo sayo mahal ko, Kakayanin ko to dahil alam kong kayang kaya mo na mawala ako sayo kaya kakayanin ko para sa ikasasaya mo,

Ika siyam , siyam na sobrang layo ko na mahal, masaya ka na ba? kase ako nahihirapan pa, pero para akong pusa na may siyam na buhay na Kahit anong sakit ang maramdaman ko ng dahil sayo ay kakayanin ko kahit na maubos pa ang siyam na buhay na meron ako.. at eto na Humantong na ako sa

Ikasampung hakbang ng paglayo sayo, para sa ikakasaya mo Lalakad nako ng higit sa sampung hakbang palayo at di na lilingon sayo upang di na mabago ang isip ko… dahil ito ang nais mo na kusang gagawin ko para sayo para sa ikasasaya mo,…
mahal sa unang sampung hakbang ko sana Maalala mong tiniis ko ang sakit na naramdaman ko sa bawat hakbang ko… Sa wakas ngayon lumagpas nako sa linya ng mundo mo at di nako makakapang gulo sayo … Malaya kana , dahil Malayo nako.