tamang abang

51

Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Minsan kailangan mong mag abang na makita ka ng taong tinatawag mo na espren. Mahirap maghintay kase walang kasiguraduhan kung kelan ka magkakaron ng lugar sa buhay niya.

Mahigit pitong taon din yung inantay ko. May gf kase sya nun mga panahon na naging magtawagan kame na espren. Nung naghiwalay sila ng gf niya, nalungkot ako para sakanya pero hindi ko ipagkakaila na natuwa ako. Sa wakas, ako naman, yan ang sinabi ko sa sarili ko. Lagi ko syang pinapasalubungan pag nagtatravel ako. Gusto ko kase maramdaman niya na espesyal sya.

Etong paghihintay na ‘to taon talaga ang inabot. Nagkaron sya ng mga nililigawan na ibang babae hanggang sa nag abroad sya. Nanatili yung komunikasyon namin. Lagi ko syang tinatawagan. May pagkakataon na hindi sya sumasagot kaagad.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Pinagdarasal ko na sana hindi niya makasalubong abroad yung ex niya. Baka kase magbago yung nararamdaman niya. Baka bigla akong mawala sa kwento. Lingid sa kaalaman niya, pinadalhan ko sya ng telepono bago sya umales. Syempre hindi ko sinabi na sakin galing. Sinikreto ko yun. Ginawa ko yun para mababtayan ko sya kahit nasa malayo. Gusto ko kase malaman yung bawat kilos niya at syempre baka may kakilala sya na ibang babae dun.

Nakaraang taon, nagbunga din ang pagiging abangers ko. Dahil may history sya ng pinagpapalit sa malapit, nagdesisyon sya na sya naman yung nasa malayo ang pipiliin. Oo, naging kame ng LDR. Kinikilig naman ako sa mga naiisip niya na ibigay. Hindi alam ng iba na sa gitna ng kilig ko eh lungkot ang kasama nun kase pinadala niya sakin yung pambili ng gusto ko na pagkain. Syempre pinagmalaki ko yun at naka tag sya pero hindi ko pa mapagsigawan na kame. Hindi ko ba alam kung kinakahiya nia or nag iingat lang sya. Hindi ko ba alam kung tama ba na pumasok ako sa relasyon na LDR . Pwede naman kase na naging kame bago sya umales hindi yung naging kame kung kelan malayo sya. Napansin ko tuloy na ginawa niya yun kase nagpakasal na yung ex niya na mahal na mahal niya. Basta mag abang abang lang din kayo at malay niyo maging kayo ng espren niyo (kahit LDR) .

Send me the best BW Tampal!

* indicates required