Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.
Kahapon , nagpaalam ako sa isa kong kaibigan na medyo mahuhuli ako ng dating at pinauuna ko na sya sa pupuntahan namin. Ang sabi nya, “Hintayin ko na lang po Kayo. Sabay na po tayo”. Ang sagot ko “Sige. Salamat”. Na-realize ko lang. Dapat pala lagi nating naappreciate yung mga bagay na katulad ng ganyan. Kasi, instead na gawin nila ang mas magaan para sa sarili nila, hinayahaan na lamang nilang palagpasin iyon. Bakit? Kasi mahalaga ka. Nakita nya na importante ka. Nakita nya na dapat na pinapahalagahan ka. Isama na din nating pasalamatan yung mga taong sinusundo ka pa bago pumasok. Hinahatid ka pa pauwe kahit gabi na sya makakauwe sa kanila. Tinatanong ka kung kumain ka na ba. Yung bumabati sayo ng “magandang umaga” at lalo’t higit yung mga taong madalas inuuna ka kaysa sa sarili nila. Kasi isang araw, maaaring mawala sila. Maaaring di na nila magawa yung mga bagay na ginagawa nila para sayo. At maaaring makalimutan ka nila. Pero wag ka mag-alala kung mawawala sila. Kasi, bibigyan ka ng Diyos ng kalakasang magpatuloy pa na syang magbibigay sayo ng abilidad na maging Masaya sa mga taong nandyan pa at patuloy na nakakaalala.