Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.
‘Wag kang hihinto,
Alam kong nasanay ka na sa bigat nitong mundo,
na ang lindol ay nagsilbi bilang pampatulog mo,
at ang bagyo ay tila hangin na lang na kumikiliti sa ‘yong mga buto.
Pero, ‘wag kang hihinto.
Alam kong alingawngaw ng problema ay sinira na ang pandinig mo,
pero sana’y marinig parin ang tinig ko.
Alam kong kahit napuwing ka ng buhangin ng kamalasan mo,
sana’y makita mo parin ang ganda nitong mundo,
alam kong gising ka parin ng alas kwatro ng madaling araw,
at ang alaala ng mga bagay-bagay na pinagsisisihan mo’y patuloy sa ‘yong binabato,
pero sana’y alalahanin mo din na may bukang liwayway na naghihintay sa’yo,
at hindi pa huli ang lahat para magsimula ng bago,
pero sa ngayon matulog ka muna.
Magpahinga ka.
Pero ‘wag kang hihinto.
Sa panulat at larawan ni Reymar Gamez
While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin: